Napaayos ako ng upo ng nakita ko kung sino yung nasa harap ko . Para siyang modelo na nakatayo sa harapan namin naka v-neck na black shirt at naka pantalon simple lang suot niya pero parang ang lakas ng dating . Napairap nalang ako at tinignan nalang yung basong hawak ko ." Ehem ! " sabi ng katabi kong si ching kaya napatingin ako sa kanya at napansin kong lahat sila nakatingin sa akin kasama na si shaun . Yeah si shaun yung late na dumating .
Napatingin ulit ako kay shaun na nakatingin padin sakin , so ano problema niya at ganyan siya makatingin sakin .
" ooopss excuse me guys sasayaw lang kami " sabi ni ching at hinila si kuya marky hindi man lang inantay sagot ko .
" kami din " sabi ni ate shaine at tumayo sabay nilapitan si kuya marckie na nakatingin sakin . So iiwan nila kaming dalawa ? So what naman tss .
Imbis na pansinin ko siya tumawag nalang ako ng waiter at sumenyas na isang shot pa nung iniinom ko .
" So kelan ka pa bumalik? " nagulat ako ng nagtanong siya at sabay upo sa harap ko . Shit awkward .
Tinignan ko siya ng parang wala lang pero diko alam bat parang nanginginig kamay ko .
" Kaninang umaga " simpleng sagot ko at tiningnan yung mga sumasayaw .Nag smirk siya pero di ko nalang siya tiningnan dahil di ko kaya makipagtitigan sa kanya . " You change a lot princess " napatingin ako sa kanya dahil sa tawag niya sakin .
" I'm majesty " sabi ko at inirapan siya . Hindi ko na kaya makipagusap sa kanya kaya tumayo ako
" San ka pupunta ? " biglaan niyang tanong ng napansing tumayo ako ."Restroom , excuse me " sabi ko at di na siya inantay sumagot at tumayo na . Ito kagad ang bungad ng unang araw ko sa pilipinas. Sa kinadaming daming tao siya pa talaga .ganto ba kalaki kasalanan ko ?
Agad akong napasandal sa pinto ng nakapasok ako ng cr . Baket ganun bumabalik nanaman yung tibok sa dibdib ko . Ilang taon na bakit hindi padin to tumitigil pag kaharap ko siya .
Naghilamos ako ng maibsan yung kaba na nararamdaman ko .
Halos kalahating oras din ako sa loob ng cr kung pwede nga lang di nako lumabas kung siya din ang maabutan ko.
" Majesty " napahinto ako sa paglabas ng pinto ng nakita ko siyang nakasandal sa pader at mukhang may inaantay .
" oh andyan ka pala shaun sino inaantay mo " sabi ko at hinarap siya .pwede na ata ako magartista dahil sa kakapanggap ko na okay lang ang lahat .
" can we talk ?" Seryoso niyang tanong . Talk ? Para saan , hindi ko alam ang isasagot ko kaya napatitig nalang ako sa kanyang seryosong tingin .
" Hinanap kita , inantay kita ng ilang taon kahit alam ko kung nasaan ka hindi kita sinundan dahil alam kong you need --" hininto ko ang sinasabi niya dahil sa mga sinasabi niya.
" Wait shaun ha , wala akong naalala na sinabi ko sayo yan , so bat mo to sinasabi ? " hindi ko na maiwasang hindi magalit ang tono ng aking pananalita .
Baket kaylangan niya akong antayin at hanapin ? Diba wala naman siyang pake sakin at walang kami .
Lumapit siya sakin pero agad akong napaatras . Parang pagod at sakit yung mga tingin niya sakin ano meaning nun ? Pero di ako nagpadala .
"Majesty ! " napalingon ako sa likod ni shaun ng biglang may tumawag sakin . Kaya napahinto si shaun sa paglapit at lumingon din .
" Hinahanap kita may gusto sana akong sabihin sabi ng kuya mo baka daw nag cr ka at di nga siya nagkamali " sabi niya ng nakalapit sakin . Hindi ko alam kung ano isasagot ko kaya ngumiti at tumango nalang ako . At naunang maglakad sa kanya . Hindi ko pinansin si shaun at nilagpasan nalang siya .
Anong problema niya ? Yung mga tingin niya na hays majesty yan ka nanaman ! Tapos masasaktan ka nanaman !
---------
Vote&Comment
BINABASA MO ANG
STILL THE ONE
RomansaMMMF BOOK2 Ang story na ito ay naglalaman ng may matured na usapan kaya kaylangan ng intindi at unawa bawat chapter ng kwento , Still Princess Majesty Lee & Prince Shaun Chua