The Twisted Cinderella

23 1 1
                                    

Once upon a time, in a faraway land, there lived a rich widowed gentleman and his beautiful daughter, Cinderella. No. Scratch that. Her name is just Ella, not Cinderella. Ella's father was kind and loving. He married again so that his daughter had a mother to care for her.

Ella's stepmother had two daughters named Ana and Drizella. Drizella is a mean girl. She doesn't hate Ella but she doesn't like her either. While Ana is a kind and lovely girl. She is Ella's bestfriend.

Hanggang isang araw, may nabalitaan silang masamang balita. Ella's father is dead. Pero hindi katulad ng nanay-nanayan ni Cinderella ang nanay-nanayan ni Ella. When Ella's father died, her Stepmother give her anything she wants. She take care and love Ella like her real child.

Nahihiya si Ella sa kanyang nanay kaya lahat ng perang pinamana sa kanya ng kanyang ama ay pinahawak nya dito. Sya din ang gumagawa sa mga gawaing bahay dahil ayaw nyang maging pabigat. Ilang beses na syang sinasaway ng nanay nya at ilang beses na din nyang di sinunod ito.

"Ma! Prom na po namin next week." masayang balita ni Ana sa mama nito isang araw pagkauwi nila ni Ella. Magkasing edad at magkaklase sina Ana at Ella.

"Ganun ba?" kinuha ng babae ang kanyang pitaka at kumuha ng pera. "Pumunta kayo sa mall at mamili kayo ng magandang gown. Ella, bumili ka din ng sayo." sabay abot kay Ella na agad naman nitong tinanggihan.

"Hindi na po. Madami naman pong gown si Ana sa taas, manghihiram nalang po ko."

Halos araw-araw pinipilit ni Ana si Ella na bumili ng sariling gown. Sinabi pa nito na hindi nya papahiramin ng gown si Ella pero matigas talaga ang ulo ng dalaga kaya hindi na rin nya ito napilit.

Prom night.
Halos lahat excited, maging babae o lalaki. Halatang pinaghandaan ng lahat ang gabing ito lalo na ng mga kababaihan na nagpapagandahan sa suot nilang gown, makikintab na alahas, at nagtataasang heels.

Tinignan ni Ella ang kanyang suot. Naka blue dress sya na may ribbon at blue na heels. Simple but elegant. Syempre si Ana ang may ari ng suot nya at may pagkafashionista ito kaya maganda halos lahat ng damit nito.

"All students, please proceed to the main hall."

Sinuot na nila ang kanya kanyang maskara. Masquerade party ang theme ng prom nila.

Umupo si Ella at inip na inip na.pinanood ang mga nagsasayawan sa harapan nya. Kanina pa nagsimula ang sayawan ngunit sya ay nasa isang sulok lang, kung saan di sya makikita ng mga tao dahil nakapatay din ang ilaw.

"Students. Pinapaalala ko lang. Pagdating ng Midnight mag riring ang bell ng school at kailangan nyo ng hubarin ang mga maskara nyo."

Tinignan ni Ella ang wristwatch nya. 11:50. Nice. Makakauwi na din sya.

Nagulat sya ng may naglahad ng kamay sa harapan nya. Nahihiya syang tanggihan ito kaya kinuha nya ang kamay nito. Pumunta sila sa dance floor at sumayaw. Tinignan nya sa mata ang lalaki at halos manglambot ang tuhod nya ng makilala nya kung sino ang kasayaw nya. Mata palang nito, hugis ng mukha, tangos ng ilog, at hubog ng katawan, kilala na nya kung sino ito. Si Kit. Ang long time crush nya.

"Hi." bati sa kanya ng lalaki. Nang magsalita ito, nakumpirma nya na si Kit nga ang kaharap nya.

"H-hello." nanginginig ang boses nya. Dahil siguro sa kaba.

"Kanina pa kita napapansin. Ang tahimik mo. Kaya you caught may attention." hindi nya alam kung anong sasabihin nya sa sobrang kilig kaya nginitian nya na lamang ito.

"You're pretty. Specially when you smile." gusto na nyang ihampas kay Kit ang heels na suot nya sa sobrang kilig. Feeling nya lalabas na ang puso nya sa sobrang bilis ng pagtibok nito.

The Twisted FairytalesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon