IKALABING-DALAWANG KAPITULO
"Kailangan na talaga nating umalis dito!"
Nagsimula na silang magpanic at mabalisa. Kasalukuyan silang nasa kwarto ng mga girls (na kwarto na din ng mga boys dahil dito na sila natutulog matapos ang nangyari kay kuyang driver) at nag-paplano kung ano ang gagawin.
"Guys, kumalma lang kayo!" sigaw ni Xian.
Pero walang pumansin at nakarinig dahil sa pagpapanic nila. Nagsisimula na silang magsi-iyakan, awayan, etc.
Natigilan silang lahat ng biglang may kumalabog ng sobrang lakas.
"A-ano yun?" tanong ni Marielle.
Natahimik ang lahat na tila pinapakiramdaman ang paligid. Lahat sila ay pinagpapawisan na dahil sa takot at kaba.
May kumalabog ulit kaya may ilan sa kanila na napasigaw.
"Guys, lapit kayo dito.. Pero dahan-dahan lang at siguraduhin niyong walang ingay." bulong ni Christian Oliver.
Dahan-dahan at tahimik namang sinunod ng lahat ang utos ni Christian Oliver. Nagpunta silang lahat sa isang gilid kung saan din nakahiga ang walang malay na si Renz.
"Natatakot ako.." bulong ni Ronalyn kay Smile. Sumang-ayon naman ang iba na nakarinig sa binulong ni Ronalyn.
"Wag kayong matakot. Mas lalo lang tayong tatakutin kapag nakitang natatakot tayo." bulong din ni Smile.
Ilang minuto pa ang nagdaan pero wala nang kumalabog.
"Wala na ya-AHHHH!" at dahil sa sigaw ni Julius ay nagsisigawan na rin ang iba.
"Hoy! Ano ba kayo! Ako lang 'to!" Natigilan naman silang lahat nang makitang si Manang Pasing lang pala yun. "Juskopo. Mga batang 'to. Hindi pa kayo nasanay."
"Ehehe. Pasensya na po."
"Bakit pala kayo nasa iisang sulok? Anong ginagawa niyo dyan?" tanong ng matanda. Parang naiisip nito na may ginagawang di kaaya-aya ang mga batang 'to.
"W-wala po. Nagmi-meeting lang po." sagot ni Christian John habang sinisiko si JM na kanina pa nagpipigil ng tawa. Paniguradong may naisip na kalokohan at kalibugan na naman ito.
"Mga bata, kailangan niyo ng umalis dito. Na-contact niyo na ba ang mga magulang niyo? Ang guro niyo, nasaan na?" sunud-sunod na tanong ng matanda.
"Hindi nga po namin sila ma-contact kasi wala pong signal dito." sagot ni Alliyah Gaille.
"Si Ma'am Mina, hindi na po namin alam kung ano ang nangyari sa kanila. Si kuyang driver lang po kasi ang nakakatanggap ng mga texts niya." dagdag ni Pauline.
"Teka nga lang ho, Manang Pasing. Bakit pinapaalis niyo na kami? May kinalaman ka ba sa mga nangyayari dito?" nagsususpetsang tanong ni France kay Manang Pasing.
Parang kinabahan si Manang Pasing at hindi makatingin sa binata.
"May alam lang ako. At mas lalo kayong hindi makakaalis dito kung sasabihin ko pa sa inyo. Kaya umalis na kayo. Bibigyan ko kayo ng isang araw para ayusin ang mga dapat niyong ayusin katulad ng kung paano kayo makakauwi. Pasensya na." mahabang paliwanag ni Manang Pasing. Nginitian niya lang ng tipid ang mga bata at lumabas na ng kwarto.
Natahimik sila at pinag-isipan ang mga sinabi ni Manang Pasing.
Halos mapasigaw na naman sila nang may marinig silang kumalabog at dun pa sa dating kwarto ng mga boys nanggagaling ang ingay.
"Smile!" pigil ni Marielle nang lapitan ni Smile ang pader kung saan nanggagaling ang ingay.
Dinikit ni Smile ang tenga niya sa dingding at narinig ang sunud-sunod na pagtambol ng isang bagay. Isang bagay na madalas laruin ng mga kalalakihan.
"Basketball." bulalas ni Smile.
"Smile, ano yun?" tanong ni Chyarrel.
"May naririnig akong naglalaro ng basketball sa kabilang kwarto." sabi nito.
"Sino namang maglalaro ng basketball dun eh lahat tayo nandi-" Natigilan si Angelika nang may ma-realize siya.
Nagkatinginan sila ni Smile. Tumango naman si Smile.
"Yeah. Hindi tao ang gumagawa ng ingay na yun."
+++
Yung feeling na tinatype ko 'to tapos biglang pumasok yung kapatid ko sa kwarto. Grabe! Muntik na akong atakihin sa puso. Hays. xD
BINABASA MO ANG
MANSION 49 (2016)
Mystery / ThrillerUNDER MAJOR REVISION Normal na mga estudyante lamang sila mula sa section ng Perlas na nagbalak na magsama-sama upang magsaya. Ngunit sa kalaunan ng kanilang pananatili sa isang mansyon sa kakahuyan ay unti-unti ang pagsaksi nila sa mga 'di pangkara...