KEIRA'S POV
*BZZT BZZT*
FR: BESPREN ABBY
I'm sorry.
Huh? Sorry for what?
TO: BESPREN ABBY
Sorry? For what bae?
FR: BESPREN ABBY
I'm sorry for your loss.
TO: BESPREN ABBY
Hala? Trip mo ko? Hindi naman ako nawalan ah? HAHAH bes itulog mo nalang yan. :P
FR: BESPREN ABBY
Hindi mo pa alam?! Check the news bae. I'm really sorry.
At dahil nacu-curious ako kung ano yung pinagsasasabi ng bespren ko, chineck ko yung news. Baka kasi mamaya ginogoyo lang ako nun tsk.
"Man found dead. According to its ID and other personal belongings, this man's name is LUKE WINTERFROST."
Agad kong nabagsak yung remote pagka-flash sa TV ng picture ni kuya. H-hindi... HINDI... HINDI TO TOTOO!
"To this man's family or relative, the officers are to bring the body to *** morgue, Washington D.C"
Agad agad kong pinatay yung TV at nagsibagsakan na ang mga luha sa mga mata ko. Hindi... Paano?! Mabait na tao si kuya. Alam ko. Paanong may pumatay sakanya?! Hindi.. Hindi ito totoo.
Humagulgol ako sa iyak hanggang sa kusang mapagod yung mata ko. Naisipan ko rin na tignan yung bangkay ni kuya sa Morgue na sinabi dun sa TV.
Naghilamos ako at nag apply ng light make up para lang hindi masyadong halata na umiyak ako. Pagkatapos ay nag bihis ako ng White sweater, black skinny jeans, at white na vans. Basic lang. Tapos naglagay din ako ng black na shades dahil hindi talaga maitago yung pagka-pugto ng mata ko.
Kinuha ko yung phone ko at yung susi ng kotse ko. Nilock ko na yung bahay at dumiretso ako papasok ng kotse ko. Agad agad ko namang pinaharurot yung kotse ko papunta sa nasabing morgue.
Sobrang close kami ni kuya. Magkasama kaming lumaki at sobrang alaga niya ko kaya naman sobrang naging close kami. Minsan sinasamahan niya ko sa mga kalokohan ko at sinasamahan ko rin naman siya sa mga kalokohan niya.
Lumaki kaming dalawa ni kuya dito sa Washington, USA. Si mommy nasa pilipinas, mina-manage yung business namin dun. Si daddy naman paiba-iba ng bansa. Siguro, hindi pa alam nila mommy at daddy yung nangyari kay kuya. Kahit ako, hindi ko parin matanggap sa sarili ko.
Sobrang bait ni kuya. Never siyang gumawa ng kalokohan na hindi niya sinasabi sakin... Or meron nga ba? HINDI. WALA. YUN ANG SABI SAKIN NI KUYA. Hindi siya magsisinungaling sakin...
Nakarating ako sa nasabing morgue at hindi pala patay si Kuya. Ibang bangkay pala yun. Joke lang daw sabi ng mga police kasi hindi daw Luke yung pangalan, Looke daw yung pangalan nung lalaki tapos kamukha lang ng kuya ko. Grabe talaga! Akala ko talaga si Kuya! Nagdadrama na ko eh!
Sana nga yun ang nangyari... Pero hindi eh. Pagkapasok ko sa morgue nakita ko ang inaayos na bangkay. Si kuya nga ito. Hindi ko napigilang umiyak sa nakita ko. May tama siya ng bala sa mismong noo niya... Bakiiiiit???
"Kuya... Kuya... Gumising ka na jan oh! 17th Birthday ko na next month... Diba sabi mo... Sabi mo ipapasyal mo ko sa Japan! Bibilhan mo pa ko ng anime merch diba? Pero bakit... Bakit iniwan mo ko kagad? Sabi mo... sa debut ko... Ikaw yung escort ko. Yung last dance ko sa 18 roses... Diba? Bakit naman ganun... Bakit ganito... Ang sakit sakit kuya. Iniwan mo ko sa mundong to. Wala na kong kakampe. Wala na kong kasama. At higit sa lahat, wala na kong kuya na pagbabawalan ako sa mga bagay na alam niyang masama." Habang sinasabi ko ito sa bangkay ni kuya, iyak na ko ng iyak. Nanginginig na yung boses ko at halos kapusin na ko ng hininga.