KEIRA'S POV
"Mommy? Tara na po! Medyo malayo pa po yung morgue." Aya ko kay mommy.
"Eto na anak. Wait mo nalang ako sa car." Sigaw niya pabalik sakin. Halata sa boses ni mommy na umiyak siya. Pero ako? I'll try my very best para ipakita kila mommy at daddy na I'm strong. Na kakayanin namin to para kay kuya.
Kinuha ko na yung car keys at dumiretso papalabas. Tumingin ako sa paligid. Lahat ng tinitignan ko, puro memories namin ni kuya naaalala ko. Eto nanaman ako... Naiiyak nanaman. Pinigilan ko ng sobra yung sarili ko sa pag iyak at sumandal nalang sa kotse.
Pagka-tingin ko sa malayo, nakita ko ang papalayong motor ng isang lalakeng naka black leather jacket at black pants. Teka? Hindi ba yun yung---
"Anak! Anong tinitignan mo jan?" Tanong sakin ni mommy. Napatingin ako sakanya at umiling. "Ano? Let's go?" Tanong niya sakin. Tumango naman ako at sumakay na kami pareho sa kotse.
Buong biyahe, sobrang tahimik namin. Ramdam ko na kapag may isang nagsalita samin, maiiyak nanaman kami pareho. Siguro ramdam rin yun ni mommy kaya pinili niya na lang rin na manahimik. Sobrang awkward. Grabe!
Pagkarating namin sa morgue, may mga medias. Siguro dahil kay mommy. Diba nga sikat na businesswoman siya at si daddy naman sikat na businessman. Buti nalang at may mga bodyguards na kaagad kaya hindi naman kami nakuyog ni mommy. As much as possible, ayaw namin na maglabas ng kahit anong pahayag tungkol sa pagkamatay ni kuya. Pag family issue, dapat family issue lang. Wag na dapat ikalat pa sa media.
Pagkapasok namin sa loob ng room kung nasaan naroon ang bangkay ni kuya, nag unahan na yung mga luha ko sa pag patak. Pero hindi ko pinahalata kay mommy. Nadatnan rin namin si daddy na hinihimas himas yung ulo ni kuya habang tumutulo ang luha.
First time. First time kong nakita si daddy na umiiyak. Lagi siyang masaya kapag magkakasama kami. Pati sa skype lagi nalang siyang naka-ngiti at tumatawa. Pero iba ngayon eh... Nawala na yung isang rason namin para maging masaya. Yung taong pamilya muna ang inuuna.
"Honey!" Sigaw ni mommy at napatakbo kay daddy. Nagyakapan sila at wala ng ibang maririnig pa kundi ang pag iyak naming tatlo.
"Dad..." Umiiyak kong tawag kay daddy sabay takbo at yakap sakanya.
Oo, I'm trying my best para ipakita sakanila na I'm strong pero hindi eh... Iba ngayon. Bago palang yung sakit. Sariwa pa lahat ng nangyayare. Hindi ko kinakaya. Kanina pa ko iyak ng iyak pero hanggang ngayon pala hindi parin napapagod yung mata ko.
"Honey, anak, everything will be alright. Okay?" Sabi samin ni daddy. Alam kong pinapagaan niya lang yung loob namin ni mommy.
"Dad, I missed you. Kuya missed you" umiiyak kong sabi kay daddy.
"I know sweetie. I know... Daddy's here now." Sagot niya at hinalikan niya yung forehead ko.
Nag iyakan lang kami sa morgue at nagkwentuhan ng mga memories namin kasama si kuya. Puro masasaya yung memories kaya naman kahit papaano eh natawa kami nila mommy at daddy. Nang maga-gabi na, naisipan na namin umuwi.
Pagkauwi namin, nag luto na ko ng ulan at nag saing ng kanin para saming tatlo. Siguro kung nandito si kuya... para saming apat na to. Nang matapos na ko, tinawag ko na sila mommy at daddy para kumain.
"Mommeeeeh! Daddeeeeh! Kakain na poooo!" Tawag ko sakanila.
"COMING!" Sabay nilang sagot.