• 1 •

20 1 0
                                    

{ A N G H I R A P }

ANG HIRAP
tanggapin na wala na tayo at masaya kana sa piling niya

Habang ako nagmumukmok sa isang silya, nakayuko at tila hindi na makahinga

Bakit hirap akong unawaing wala kana talaga, bakit ang sakit sakit pa ring nakikita kayong dalawa na sobrang saya

Ano ba ang ginawa ko't pinarusahan ako ng ganito, di ko naman ginusto na mawala ako bigla sa'yo

Pero siguro nga sadyang nilalaro lang NIYA tayo

Sinasabing inilaan ang pagkakataong ikinawakasan ko lang nang pagiging tuliro



ANG HIRAP

Sobrang hirap.. umiiyak ako habang ikaw nilalasap lang ang sarap

Sarap ng buhay kung saan kasama mo siya at halos araw araw na hinahanap

Habang ako iniisip kung paano maibabalik ang aking pangarap

Pangarap na natibag na at mahirap nang buoin uli

Dahil nasira ito ng isang simpleng "'Di ko na kaya. Itigil na natin 'to at magsimula muli."



ANG HIRAP
isiping di na kita kasama

Sa mga oras na laging tayo lang dalawa

Masayang pinaninindigan ang relasyong ating itinaya

Ngunit anong nangyari at nabigo tayo, nung makalawa

×××


P O E M ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon