Eyn Krishnel C. Ford
Matapos nung ano, yung nagki-- ah! Buset. Ayoko na nga. Ba't kasi nagkiss kami!? Oo smack lang naman pero hoy ah, first kiss ko kaya 'yon. Sa lahat naman oh! Nakakakilig. Lol. Nakakainis.
Ayoko nga muna magpakita dun eh. Syempre.. ang awkward kaya non pag nagkataon.
Oy! May goodnews pala ko sainyo. Hindi ko ata nasabi o nasabi ko na? Medyo matagal na nga eh. Hahahaha. Nagpalipat si Saichi ng Section. Hahahahaha! Ang tanga ko di ko ata nabanggit sainyo. Hahaha. I'm shy na tuloy. Lol.
Yoon nga, kaya tulaley nanaman ako. Hahaha! Basta kasi iniisip ko kasi yun! May First kiss na ko? Shocks lang! Natatawa ako na nahihiya Hahaha!
"Baliw ka na bes? Bat ka tumatawa mag-isa?"
"Ako natawa? Hindi kaya! Huhuhuhu! Ayan o naiyak ako."
"Baliw ewan ko sayo! Ayan na si ma'am."
"Oo na tino. Hahaha!"
Nandito kami ngayon sa room, sana naman wag ng magklase, aminin! Madalas eto ang hinihiling niyo ang tamarin ang teacher niyo! Hahahaha!
"Class, goodmorning. Wala tayong klase ngayon."
"Woooooooohoooooooo! Ambait mo ma'am!" kantyaw ng mga classmates ko yan, nagsisigawan! Tss. Buset. Actually wala akong masyadong kaibigan diyan, buti nalang talaga at nandito na si Saichi, hindi ako mapapanisan ng laway. Haaaay! Tsaka goodnews oh! Walang klase hahaha!
"Shhhhh. Class, ibibigay ko lang yung form para sa fieldtrip natin nextweek."
"Waah Eyn! Fieldtrip daw bes! Fieldtrip!"
"Oh eh ano?"
"Psssh! Ano ba! Enjoy kaya yung fieldtrip! Bungol ka ba talaga ha Eyn?"
"Di ako sasama. Wala akong mapapala."
Actually gusto ko naman talaga sumama, ewan ko bat bigla kong nasabi na ayaw ko, siguro kasi ayokong makita si Fierce, pero hindi naman kami classmates eh! Kaya hindi kami kasama sa bus! Hahahaha! Sama na kaya ako?
"Ang Killjoy mo! Sasama ka o hindi na tayo bestfriends?"
"Tinatakot mo ko?"
"Ehhh! Ek kasi! Minsan na nga lang.. tsaka fourth year na tayo oh.. Fieldtrip na kasi. Dali dali!"
"May magagawa pa ba ko?"
"Sus! Arte mo kasi, gusto mo naman talaga! Paimportante. Tse!"
"Ansabe mo?"
"Wala! Ang ganda ko! Neh, sige ang ganda mo!"
"Hahahahaha! Thankyou. Thankyou!"
Tapos inirapan lang ako, bespren ko nga talaga 'to! Hahahaha. Pansin ko lang ,di na sila close ni Dwayne! Hello!? Magbebespren nga kasi kami! Actually apat kami, 2 lalaki 2 babae, ewan ko dun sa isa naming "bestfriend". Kung nasang lupalop man siya, pakamatay na siya! Hahaha. Joke, namimiss ko na yun kahit nagtatampo ako dun. Hayaan mo na nga.
"Oh bes! Ayan papirmahan mo."
"Pupunta pa kong ibang bansa?"
"Tanga! Edi kay Fafa Chase!"
"Onga no! Kakahiya sayo Saisai! Talino mo kase!"
"Hahaha! Oo, alam ko yun Ek."
"Tse!"
Maghapong walang ginawa haha! Ang tatamad ng teacher namin ang saya, umuwi na rin ako! Didiresto pa kong shop eh! Syempre, kakanta nanaman ang singer! Hahaha! Feel na feel ko na alam niyo yon ? Hahaha! Friday nga kasi ngayon, sayang din yung kikitain ko!
BINABASA MO ANG
Ako? Inlove sa gago? [Unexpected Love Revised Version]
RomanceBakit sa lahat ng gago, sa'yo pa?