" Hating gabi" (First Story)

228 4 0
                                    

Yung book na to are true stories based from my mom, dad nung kabataan pa lang nila, brothers, friends at kakilala...at based na rin from my own experience..

I don't know if maniniwala pa ba ako na may aswang pero base sa narinig ko at experience namin dapat na nga siguro, gumawa na rin po ako ng compilations nito na nakuha ko sa mga kakilala ko at friends ko para ishare sa inyo!

Now get ready to be thrilled!

(Pasensya na kung hindi maganda pagkakasulat, bago pa lang po ako sa pagsusulat ng stories... for suggestions at tips para sa improvements pakicomment na lang  po sa baba! Salamat!

**********
This first story is from my mom nung dalagita pa lamang sya.

Hating gabi na raw yun sa bahay nila mama nung dalagita pa lang sya, kasama nya yung ate nya na buntis. Dadalawa lang daw sila na natutulog that time sa bahay nila na yari sa sawali yung dingding, gasera pa lamang daw dati yung gamit nilang ilaw kasi kokonte pa lang yung mayroong kuryente sa lugar nila.

Habang natutulog daw sila mama nung ate nya sa double deck na kama, sya nakapwesto sa taas yung ate nya naman sa baba, ng bigla magising si mama sa kalaliman ng gabi dahil may nagakaluskos daw sa dingding nila sa labas ng bahay nila kung nasaan banda nakapwesto yung kama nila. Nagising si mama dahil sa ingay parang may nagakarmot sa dingding nila sa tapat ng ate nya, paulit ulit na parang gusto butasin yung dingding, tinignan nya raw sa baba ate nya kung gising din ba pero sarap na sarap na daw matulog at naghihilik pa nga raw eh, pero hindi nagigising  sa ingay galing sa labas ng dingding nila.

Patuloy parin daw sa pag-ingay kung ano man daw yung sa labas ng bahay nila, nung una iniisip nya na baka pusa lang pero malakas daw yung kaskas parang galit na galit tapos bigla gumalaw yung kaluskos sa labas ng bahay nila paunti-unti paikot sa bahay nila, yung una lumipat banda sa ulunan nila, kaya bigla daw sya natakot at nanigas hindi na makagalaw sa higaan, habang sinusundan daw ng tingin yung ingay paikot sa bahay nila.

Sa tingin nya aswang yun na nababanguhan sa pinagbubuntis ng ate nya... kaya gusto pilitin buksan o butasin yung dingding nila, at hindi pa raw nakuntento umiikot pa sa bahay nila humahanap ng paraan paano makapasok sa loob ng bahay nila.

Nung malapit na sa pintuan yung kaluskos bigla raw napigil ni mama yung hininga niya kasi nasa tapat na ng pinto nila yung nag-iingay parang nagakarmot pa rin at pilit...hindi pa nakuntento niyugyog pa yung pinto. Nung sa tingin na siguro ng aswang na hindi nya mabuksan yung pinto bigla ito nag-ingay  na parang hayop na parang baboy or pusa daw yung tunog na parang galit...tapos ilang minuto lang bigla na sya nakarinig ng pagaspas ng malaking pakpak papalayo sa kanila.. hindi na rin daw nakatulog si mama nung gabi na yun hinintay nya na lang mag-umaga tapos sinumbong nya sa papa nila ang nangyare pati na sa ate nya na walang kamalay malay sa nangyare...

********

Thank you guys sa pagbasa po! Pacomment ng lang po ng mga suggestions para maimprove ko yung pagsusulat ko salamat!
Baka bukas or after ilang days iupdate ko naman yung mga ibang kwento salamat po sa pagbabasa!
^_^

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 22, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Aswang StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon