Prologue

6 2 0
                                    

Prologue



Sa isang mall..

"WE LOVE YOU BAMBAM!!!"
"I LOVE YOU BAMBAM!!"
"BAMBAM! BAMBAM! BAMBAM!"
"Marry me Bambam!!"

"Ang sarap namang tsinelasin ng mga babaeng toh?!" bulalas ni Sonia't natawa na lamang ako.

"Relax lang Sonia..mga fans yan ni tiyanak? Magbigay na lang tayo ng moral support.." sagot ko.

"Ano pa nga ba??" sagot niya sabay buntong hininga.

Nandito kami ngayon ni Sonia't nakatayo sa likod ng backstage..

"Nasan' na naman ba si Fuma?!!" bulalas ko't bigla akong tinapik ni Sonia.

"Andun kasama ni Bambam sa loob.."

"Anong ginagawa nila ni tiyanak sa loob?!" tanong ko.

"Magmemeditate daw muna yung dalawa, para mabigay ni Bambam yung 100% energy niya sa mallshow na toh!"

HAY NAKU.. Isang taon na ang nakalipas pero hindi pa rin nagbabago ang dalawang yun..

..
...

Nang bigla na lang lumabas sina Bambam at Fuma..

"LET'S GET READY TO RUMBLE!!" sigaw ni Bambam.

"Wala ka sa ring?!" sagot ko sabay irap.."Tiyanak.."

"Gusto mong bugbugin kita diyan Mark?!!"

Nang bigla na lang hinila ni Fuma ang dulo ng damit ko..

"Anong problema Fuma??" tanong ko't nahihiya siyang tumingin sakin.

"Ang sakit ng tiyan ko.." naiilang na bulong niya't natawa ako.

"Sabi ko naman kasi sayong wag mong ubusin yung isang bandehadong spaghetti?!!" bulalas ko't bigla niyang tinakpan ang bibig ko!

"Wag kang sumigaw!" sigaw ni Fuma na nagsasalubong na naman ang dalawang kilay sabay nguso.."Ang sarap kasi ng niluto ni chef Jackson?!"

"O' ano ng nangyayari sainyong dalawa dyan?" sabat ni Sonia't biglang nagtago sa likod ko si Fuma.."O' anyare sayo Fuma??"

"Samahan ko lang si Fuma guys.." sagot ko sabay ngiti ng nakakaloko.."CALL OF NATURE.."

"Aahhh.."
"Aahhh.."

Chorus pa talaga ang dalawang toh?!!

"Halika na baby ko.." nakangiting sambit ko sabay hawak sa kamay ni Fuma.

Pinagbawalan ko ng tawagin ni Bambam ng baby ko si Fuma. Girlfriend ko na ngayon si Fuma kaya naiintindihan niyo naman siguro ako noh??! At tsaka artista na si Bambam..BAKA MA-TSISMIS PA SILA..


.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Sa labas ng c.r.

"Geh' na pasok ka na sa loob.." sambit ko kay Fuma't tumango na lamang siya.

Nang bigla na lang siyang bumalik?!

"O' bakit na naman??" tanong ko't sumimangot na naman ang mukha niya.

"Ayoko sa c.r. na toh!" bulalas niya't napakamot na lamang ako ng ulo.

"Bakit? Eh ito na ang pinakamalapit na c.r. mula dun sa stage?!" sagot ko.

"Ang daming mga babae sa loob!" sagot niya sabay bulong sakin.."Maririnig yung utot ko.."

Napatawa ako ng malakas pero agad ko din namang binawi ng tinignan niya ako ng masama.."Sorry naman! Kaya mo pa bang tiisin??"

"Hindi na.." naiiyak na sagot niya't napahawak na lamang ako sa batok.

.
..
...

Huminga ako ng malalim at kumatok sa gilid ng Girl's c.r.

"Excuse me po mga miss.." magalang na sambit ko't bigla silang nagtilian!

"AAAAHHH!!"
"AAAAHHH!!"

"TEKA TEKA TEKA!!! Wala akong balak na masama!" sigaw ko.."Ni hindi ko nga tinutuntong tong' paa ko sa loob ng c.r. niyo eh?! WAG NGA KAYONG O.A. MGA MISS?!!"

Agad naman silang nagsitahimik..

Bigla kong hinawakan ang kamay ni Fuma.."Etoh kasing girlfriend ko sobrang sama na talaga ng tiyan niya't nahihiya naman siyang gumamit ng c.r. kasi madami daw na tao sa loob.."

"Mark.." narinig kong sambit ni Fuma na bigla na namang nagtago sa likod ko.

"Kung okay lang sana sainyo, pwede bang lumabas muna kayong lahat?" tanong ko sabay ngiti.."Please??"

"Oo naman.." sagot ng babae.."Ang sweet mo namang boyfriend.."

"HUH?? Heheh.."

"Oo nga! Sana ganyan din sakin ang boyfriend ko?! Gwapo na, caring pa!" sambit naman ng isa pa't napahawak na lamang ako sa batok.

"Tara na girls.." sabat ng isa pang babae't nagsilabasan na nga silang lahat.

"Salamat po.." sagot ko.

Nang makalabas na silang lahat ay bigla akong niyakap ni Fuma..

"Salamat Mark.." nakangiting sambit niya't napatango na lamang ako.

"Sige na, mag-c.r. ka na..dun lang ako sa labas.." sagot ko sabay alis sa tapat ng pinto.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
NANDYAN' PALA KAYO GUYS?!!.. Hi!

Tutal busy pa namang mag-c.r. si Fuma. Ikikwento ko na muna sainyo mga tol' ang mga pagbabago sa mga buhay namin makalipas ang isang taon..

Unahin na natin ang kambal.. (Im brothers) : Si Yugyeom, isa na ngayong modelo ng clothing line.. tutal may height naman talaga siya, EH DI WOW??!

Si Youngjae, nagtayo na ng petshop (magtataka pa ba kayo??) Halos ibuhos niya na ang buong buhay niya kay Coco and zoo friends..

Si nanay Juniora.. BELIEVE IT OR NOT.. Isa na siya ngayong Youth Ambassador. PALAKPAKAN!! Kung sabagay, naging mabuting nanay nga naman siya samin..

Si tatay JB?? Tini-train siya ngayon ng papa niya para sa tamang pamamalakad ng joint company nila ng pamilya ni Sonia.. FUTURE HUSBAND AND WIFE.. Ehemm!

Si Jackson.. Isa na siyang master chef, actually sexy master chef ang bansag sakanya. Nakakabilib din naman yung isang yun, nami-maintain ang abs..

Si Bambam naman.. KELANGAN KO PA BANG SABIHIN?? Masyadong talented ang tiyanak na yun kaya naging fast rising star.. EH DI WOW!

At kami naman ni Fuma, tinuturuan ko pa rin siya ng mga pasikot-sikot sa pagiging tao..Nangako naman ako kay papa na handa akong pumalit sa posisyon niya sa kumpanya kapag nag-retired na siya. Kaya binubuhos ko na ang panahon ko ngayon kay Fuma habang marami pang oras..

..
...

Biglang lumabas si Fuma sa c.r.

"Tapos na ko!"

"Let's go.." nakangiting sambit ko't lumakad na nga kami.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Habang naglalakad kami'y bigla akong napalingon sa likod..

"May problema ba Mark?" tanong sakin ni Fuma't natigilan na lamang ako.

"Pakiramdam ko kasi parang may sumusunod satin mula nang naglakad tayo palabas ng c.r.??" sagot ko sabay lingon sa likod.

"HUH??" lumingon din siya sa likod.."Wala naman ah?? HALA KA! Baka moomoo na yung nakikita mo!"

"CUTE MO!" sagot ko sabay hawak sa ulo niya.

PAKIRAMDAM KO TALAGA MAY SUMUSUNOD SAMIN!

O pakiramdam ko lang yun??

..
...
Nang makabalik na kami sa venue ay agad kaming pinadaan ng mga guard papasok ng backstage..

V.I.P LANG PO..


"Thank you manong.." sambit ko't dumiretso na nga kami nang di sinasadya'y may nahagip ang mga mata ko!

LALAKING MAY ASUL NA CAP AT ITIM NA SHADES!

Mukhang nahalata niyang nakita ko siya't bigla siyang tumakbo!

"Sabi na nga ba eh?!" inis na bulalas ko sabay habol sakanya.."Bumalik ka dito!"

"Mark san' ka pupunta?!!" narinig kong sigaw ni Fuma.

"Babalik agad ako!" pasigaw na sagot ko't nagpatuloy na nga ako sa pagtakbo.

ANG BILIS NG ISANG YUN AH!
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Hanggang sa nakarating na nga kami ng groundfloor!

"HOY LOKO KA! BUMALIK KA DITO!" galit na sigaw ko.."LAGOT KA SAKIN!"

Nang mapansin kong malapit na siya makalabas ng mall.."Guard! Pigilan niyo ang lalaking yan!"

Mabilis na hinablot ng guwardya ang lalaki't agad ko itong binatukan ng malakas sa ulo! PINAGOD AKO EH?!!

"WHAT THE--?!!"

Nagulat na lamang ako nang makita ko ang mukha ng loko!

"ARAY KO NAMAN KUYA?!! Makapambatok ka naman wagas?!!" sumbat niya't bigla akong natigilan.

..
...

"BABAE KA??!"


FUMA027 (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon