I sighed deeply as I finished answering all the subject's questionnaire. After the two days examination, sa wakas ay makakahinga na ako ng maluwag. Yung result na lang yung hihintayin ko.
I massage my temple when I feel a little dizziness which leads into throbbing pain instead. Huminto pa ako sandali sa paglalakad at pilit na itinukod ang isang kamay sa posteng nadaanan. Maya-maya pa nung hindi ko na naramdaman yung pagkahilo ko ay nagsimula na rin ako ulit sa paghakbang.
Natatakot pa rin akong kumpermahin sa sarili ko na buntis ako. Baka kasi ay stress lang ako. Baka kasi kung ano-ano na yung pinag-iisip ko. Shit! I am not yet ready to be a mother. At mas lalo nang hindi pa handa yung Jimenez na yun para maging ama. Ang engot pa mag-isip nun kahit sabihin nating matalino siya. Baka sakaling hindi niya ako mapanagutan kung sakali ngang buntis talaga ako.
But I still vividly remember that I'm just a thing whom he called his property. Malamang ay malabo ngang mangyari ang fairy tale na madalas na nababasa ko kung siya ang hihilinging maging Prinsipe ko. It wouldn't happen. There is a lot of damsel in distress nowadays but there is no one happen to be knight to saved a lot of them. And unfortunately, Dominique Winter Jimenez is just a ruler of his own built territory and a breaker at the same time.
Nakabalik ako sa aking diwa nung maramdaman ko ang isang kamay na pumulupot sa balikat ko. Hindi na ako nag-isip kung sino yun. Si Jimenez lang naman ang tanging gumagawa sa akin nun.
"Are you okay?" Mas lalo lang niya akong iginaya papalapit sa katawan niya. Na wari ay concern sa akin.
"I'm okay. Siguro ay stress lang ako nitong mga nakaraang araw." pagdadahilan ko sa kanya. Nagkibit balikat na lang siya sa sinabi ko.
Tahimik naming binaybay yung hallway. Nagtaka ako kung bakit parang may omoukyupa sa isipan niya. Hindi siya yung Jimenez na nambebwesit pero wala rin ako sa forte ko para kwestyunin siya ngayon.
I stopped my feet from walking na pinagtakhan niya naman. He just eyeing me like he is waiting for my words to come out. Nagulat siya nung mas lumapit ako at inamoy siya.
"Ang baho mo." reklamo ko pa. Pinasadahan ko pa siya na animoy nandidiri ako. But he is! Ang baho niya. "Did you even took a shower nung natapos ka sa practice mo?" I pinched the tip of my nose.
He stayed his gaze towards me na parang di makapaniwala sa sinabi ko. He even smelled himself and shook his head. "Am not." wika niya na may accent.
Ilang beses siyang nagpaulit-ulit hanggang sa narinig namin ang pag-ring ng phone niya. "Hindi ako mabaho. Baka may problema yung ilong mo." may bahid na pang-iinis at biro sa tono niya bago niya sinagot ang tawag.
His playful eyes became cold when he looked away from his phone's screen. Sinubukan niyang wag magpahalata pero di iyon nakatakas sa aking mga mata.
"May I excuse--" hindi ko na siya pinatapos pang magsalita at sumabat. "Uuwi akong mag-isa ngayon. Sa bahay ako uuwi." maawtoridad kong sabi kahit alam ko namang siya pa rin ang masusunod.
Nag-riring pa rin yung phone niya. He seems memorizing my face sa titig na ipinukol niya. He sighed defeated.
"Just hail a taxi." kahit nasa mababang tono iyon ay ramdam ko pa rin ang malaboss na pananalita niya.
My feet started to step away when he stopped me just by holding my hand tightly. Naguguluhan akong humarap sa kanya. He is acting so weird!
Hinila ako at tuluyang niyakap. Wala na rin naman akong pakialam sa sasabihin ng mga estudyante. At first, may narinig akong mga issues at bulong-bulongan but later on ay nawala rin iyon.
Naghintay ako sa sasabihin niya. He made me look at him and kissed my forehead.
"A- anong... What a--" he painted a skeptical smile on his lips kaya napatitig ako doon at balik ulit sa mata niya.
"Just... go." Maikling sabi niya. He seemingly not sure of what he is saying. Kanina pa nga paulit-ulit na may tumatawag sa phone niya but he never yet answered it.
"I have to." ngumiti ako sa kanya at nakita ko rin ang pag-ngiti niya pabalik. Hindi ko na lang siya tinanong kung bakit parang may mali sa kanya ngayon.
Habang papalayo ako mula sa kinatatayuan niya ay nagnakaw pa ako ng isang sulyap sa kanyang gawi. Nakikita ko pa rin ang pigura niya. Sa pinta ng mukha niya, alam kong may mali, alam kong may problema.
--------
Takip ko ang bibig ko habang maiging tinitingnan ang dalawang pulang linya. Hindi mawala sa dibdib ko ang labis na kaba na gumagapang sa sistema ko. Masaya ako na hindi. Iyon ang nararamdaman ko ngayon.
Buntis nga ako. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon niya sa ibabalita. Anong sasabihin niya? Anong gagawin ni Jimenez?
Magiging ina na ako, iyon lamang ang tanging bagay na sigurado ako sa ngayon.
Lumabas na ako sa banyo nung saktong napansin ko ang phone na umiilaw. May text iyon kaya dali-dali ko iyong nilapitan.
It's Jimenez. Hindi ko namalayang napangiti ako nung nakita ko yung pangalan niya sa screen.
Let's meet.
Dalawang salitang nagpakaba sa akin ng todo. Kahit ako ay di ko alam kung bakit ang weird ng mga iniisip ko na kung ano-ano.
I hurriedly dressed up at pumunta sa sinabi niyang address. Tamang-tama at ipapaalam ko na rin sa kanya ang tungkol sa pagbubuntis ko.
Pagkarating ko sa restaurant ay nakita ko agad siya sa may sulok. From taking a glance at his watch, he diverted his eyes on the main door na siyang pagkapasok ko naman.
He just plainly watches me walking towards his direction. There's no any hint of emotion on his face.
"You came." he said the moment I sat.
"You want anything?" I shook my head. Nawawalan na ako ng gana sa tono ng pananalita niya.
"Gusto ko lang malaman kung ako man ang sasabihin mo." iyon na lamang ang sinabi ko. He hold my hand.
Naghihintay ako sa sasabihin niya. Mas lalo tuloy akong hindi maipaliwanag ang nararamdaman ko nung tumungo siya.
"W- winter, what's wro--" bigla na lamang niya akong pinutol. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot.
"I'm letting you go. Malaya ka na Raine. Sorry for being a bastard. Hindi na kita papakialaman sa gusto mo. I know you hate me for being a jerk. Walang araw na di kita iniinis." he trailed off. Still holding my hand.
Nasaktan ako sa sinabi niya. Hindi ba ito naman ang gusto ko noong una? Ang palayain na niya ako? Hindi ko naman gusto ang koneksyong meron kami noon pero bakit ayaw ko nang putulin ang lubid na yun ngayon? Bakit niya pa ako papakawalan ngayong unti-unti ko nang natutunang kumapit sa kanya?
"I am really sorry Raine. Nang dahil sa kapusukan ko, you were prisoned in my own happiness. I am selfish." walang mababakas na emosyon sa mga mata niya pero alam kong nagsasabi siya ng may sensiridad.
"But right now, I'm going to freed you. All I just wished is your total happiness." I should be happy that he have said those but I am not. Gusto kong bawiin niya lahat ng sinabi niya.
This time I shook my head. I don't want him to freed me. Basta ayoko lang. I am contented being his property.
"Why are you doing th-is?" my voice croaked. Agad na pinahid ang isang butil ng luha na nakatakas sa aking mata.
"It is what you want ever since, right? You just became mine because you love your Tita. I took advantage on your situation. Sorry..."
"Pero di ko iyon pinagsisihan later on Winter." agad iyong lumabas sa bibig ko. I didn't watch my words. It slipped from my mouth. I want him to know.
"But I need to let you go." binitawan na niya ako.
Pinipigilan kong umiyak. Hindi ko namna siya gusto diba? Wala naman akong paki sa kanya noon pero bakit ngayon parang pinahahalagahan ko na siya?
"Ikakasal na ako."
Walang lumabas sa bibig ko. Wala na akong gustong sabihin. Wala na akong lakas na ipaalam sa kanya ang tungkol sa magiging anak namin.
He let me go with a very beautiful remembrance.
BINABASA MO ANG
Indebted
General FictionDominique Winter Jimenez will make sure that life will always be in favor with him. He craves challenges and Raine Montreal, the miss goody president is a challenge: the girl who never gave a damned interest to him. A challenge? Mess with her and pi...
