Chapter Three: DETENTION

3 2 0
                                    

Chapter Three: DETENTION



Nandito kami ngayon sa office ni Sir Red..

AT MUKHANG GALIT NA GALIT TALAGA SIYA..

"Alam niyo ba ang malaking eskandalong ginawa ninyo?" seryosong sambit ni Sir Red at napayuko na lamang kaming apat.

"Sorry po Sir Red kasalanan ko po talaga toh?!!" bulalas ni Fuma.

"Hindi, kasalanan ko toh!" sabat ko.

"OPO, KASALANAN NILANG DALAWA!" bulalas ni Bambam at agad namin siyang tinignan ng masama ni Fuma.."AY MAY KASALAN RIN PALA KO!"

"Basta labas ako dyan' ah?!!" apela ni Yugyeom.."Nagkataong nagkasalubong kami ni Mark, di ba Mark?!!"

"Opo, nadamay lang si Yugyeom.." pagsang-ayon ko.

"Nasampal pa nga ko nung walang utang na loob na babaeng yun?!!" reklamo ni Yugyeom.

"WALA BA KAYONG KAIDE-IDEYA KUNG SINO YUNG BABAENG YUN?!!" galit na tanong ni Sir Red.

Nagkatinginan kaming apat at sabay-sabay na sumagot..

"HINDI PO.."

"Siya lang naman ang NAG-IISANG ANAK ng PRESIDENTE ng YPJ Entertainment!"

HALA! Bakit kasi siya pa ang sinapian ng masamang kaluluwa?!!

WE'RE DEAD!..

NAGULAT KAMING APAT! (Naka-capslock nga di ba??!)

"S--sino po ba yun??" kinakabahang tanong ni Yugyeom.

"Daisybelle Ocbian.. anak ni President David Ocbian.." sagot ni Sir Red at napabuntong hininga na lamang kami sa sobrang pagkadismaya.."Kalat na kalat na ang video ng sakitang naganap sa pagitan niyo Mark at ni Miss Daisybelle..At ang pagkuha ni Daisybelle kay Fuma na tumalon-talon pa talaga sa ibabaw ng mga kotse..ANONG KABALIWAN TOH?!!"

"Pwede naman po sigurong humingi na lang kami ng public apology..heheh.." suhestiyon ni Bambam.

"ISA KA PA BAMBAM!" sigaw ni Sir Red at biglang napahawak si Bambam sa dibdib sa sobrang pagkagulat.."Tinadyakan mo rin si Daisybelle! Kitang-kita sa video?!! ANO BA TALAGANG NANGYARI SAINYONG MGA BATA KAYO?!!"

"Sinaniban po ng masamang kaluluwa yung Daisybelle!" sigaw ni Fuma't napahawak na lamang kami sa noo. SI FUMA TALAGA O'?!!

"Tatawa na ba ko Fuma??" dismayadong tanong ni Sir Red.

"Totoo po yun!!" pagpupumilit ni Fuma.."SINANIBAN SIYA!!"

"Wag na nating ideny guys?!" sigaw ni Bambam.."SIR! Cross my heart hope to die! Sinaniban talaga ng masamang espirito si Daisybelle!"

"Oo totoo po yun!" pagsang-ayon ko.."Tignan niyo naman yung video?! Pano' nagawa ni Daisybelle ang mabilis na pagtalon-talon sa ibabaw ng mga kotse?!! DI BA WEIRD YUN?!!"

"OO NGA! OO NGA!"
"OO NGA!!"

Biglang natigilan si Sir Red at tila napaisip..

"Maniwala po kayo!" sambit ni Yugyeom.."Wala nga po yung maalala sa mga kalokohang pinagagagawa niya nung mahimasmasan na siya eh?!!"

"OO NGA! OO NGA!!"

"SSSsshhh!!" awat ni Sir Red at agad naman kaming nagsitahimik.."Let's just say na totoo nga yang sinasabi ninyo BUT do you really think people will believe you?? And most importantly, pano' natin malilinis ang mga pangalan ninyo at lalong-lalo na ni Miss Daisybelle??"

Napabuntong hininga na lamang kami na kapwa pare-parehong namumroblema sa mga nangyayari..

"Pwede bang shooting na lang kuno?!!" sagot ni Yugyeom at napahawak lang si Sir Red sa noo.

Nang may biglang kumatok sa pinto..

"Tuloy.." sagot ni Sir Red.

At nang magbukas na ang pinto..
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
HALA KA DYAN!

Nagkatinginan kaming lahat ng nakita naming pumasok si Daisybelle at isang sobrang tangkad na lalaki!

"M--mr. President??!" gulat na sambit ni Sir Red at nagulat kaming lahat.

Biglang lumuhod si Bambam.."Mr. President, Miss Daisybelle.. PATAWARIN NIYO NA PO KAMI!!"

Maya-maya pa'y nagsiluhod na rin kaming tatlo..

"SORRY PO!"
"SORRY PO TALAGA!!"

"Patawarin mo na ko Miss Daisybelle kung naitulak kita sa rooftop?!!" pagmamakaawa ni Yugyeom pero inirapan lang siya nito.

"WHATEVER!" sagot ni Daisybelle sabay turo samin paisa-isa.."IKAW, IKAW, IKAW AT IKAW! Ano ba talagang pinakain niyo sakin at naging ganun ako ka-wild??!"

"You mean nakita mo na ang video??!" bulalas ko't bigla siyang sumigaw.

"OH MY GOD! I can't believe I did that crazy thing!" inis na sigaw ni Daisybelle.."How am I going to explain this to my friends?!! Embarrassing!"

FUMA027 (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon