~
"Hoi Zhaira, baka matunaw yan si Vince!" pang gugulat sa kanya ni Gelyn
"Eto naman eh, basag trip ka." pagmamaktol niya sa kaibigan.
"Eh kasi naman para ka ng tanga diyan."
"Kasalanan ko bang walang Prof at eto na ang chance ko na matitigan siya ng hindi niya napapansin. Ang cute niya kaya. :"> " kinikilig niya pang sabi
"Hayy nakuu.. malala ka na!" pang-aalaska sa kanya ng Kaibigan
Hindi niya nalang pinansin ang kaibigan. Sanay na siya sa pang-aasar nito sa kanya tungkol sa kabaliwan niya kay Vince. Matagal niya ng gusto ito. Hindi pa sila magkaklase noon. Ang dating paghanga na nararamdaman niya para dito ay naging pagmamahal na ng tumagal.
OO, mahal niya na ito.
Hanggang sa maging graduating na sila ngayon, pero wala paring progress. Hindi naman kasi siya napapansin nito.
Ano nga ba naman ang sinabi niya sa ibang mga babae na nakapaligid dito?
Haist, siguro nga tama talaga ang kaibigan niya.
Malala na siya.
Natigil ang pagmumuni-muni niya ng sumigaw ang isa niyang kaklase.
"Blockmates,Laro daw tayong pinoy henyo!" sigaw ni Michael na tropa ni Vince
"oyy.. Game kami diyan !! " sigaw ng buong klase.
"sinong taya?" tanung ng isa nilang kaklase
"Eto nalang, si Zhaira! Kanina pa kasing wala sa sarili." sigaw ni Gelyn
"Hoy! ano ka ba Gelyn!" saway niya rito.
BINABASA MO ANG
Pinoy Henyo~ (one shot)
Short StorySinong mag-aakala na sa isang simpleng laro lang, ay magkaka-instant lovelife ka na. Tara, laro tayo?? ^___^