Ano ba ang dapat unahin? Ang kalandian? O pamilya? Yan ang bumabagabag sakin ngayon habang papunta kami sa ospital. Fvck. Anong nangyari kay Dad? Punyatera. Kapag nalaman ko lang talaga na may kaugnayan ito sa mga madadaya nyang ka-business nako, punyatera. Magkamatayan na.
"Kaity. Tara na?"
"Ah, okay sige." Tumakbo naman agad ako sa may counter churva.
"Miss? Miss? San si Mr. De Guzman?" Tanong ko.
"Room 167 3rd floor."
"Tara na Kuya." Sabi ko. Aba kaputekputekan naman. Nakikipagchismisan pa sa mga chx dito.
"HOY! WALA TALAGANG LUGAR YANG KALANDIAN MO KUYA ANO?! KUNG SAKSAK KO KAYA SAYO 'TONG MGA INJECTION?! HUH?!" Sigaw ko sakanya. I don't care kung pinagtitinginan na kami. Ang tatay ko, sinugod dito sa ospital tapos sya gumaganyan-ganyan?! Urgh!! Isusumbong ko sya, leche.
Wala na akong pake. Dumeretso na ko sa elevator. Nakita ko lang sumunod sakin si Zelle, tsaka si Ms. Cruz. Hays. Buti pa silang mga babae.
"Mapapatay ko talaga 'tong si Kuya ng wala sa oras e. Punyatera." Sabi ko habang hawak hawak ang gilid ng ulo ko. Pumapanget tuloy ako. Putis.
"Easy lang, Kaity. Nandito kami o. Hayaan mo na sila Kenneth." Sabi ni Maam.
"Hays. Salamat, Maam." Sabi ko.
"Anong room ba ni Tito, Bes?"
"Room 167."
"3rd floor na o. Tara na." Sabi ni Maam.
Fvcksht. Where's room 167?!
"Nasan na yung Room 167? Shit. Natataranta na ko putris." Sabi ko. Ayan, kung ano-ano na lumalabas sa bibig ko. Punyateraaaa.
"Easy, Kaity. Ang bibig mo." Sabi ni Nanay- este ni Maam. E parang nanay ko e.
"Ayan o!" Sigaw ni Zelle. Binuksan ko agad yung pinto.
"Dad! Jusko. What happened?"
"Nothing, anak. Nahimatay lang ako." Sabi ni Dad. Nahimatay pero may braces sa leeg?
"Nahimatay Dad, tapos may braces sa leeg? Ano to, Dad? Lokohan?"
"Uhm. Hehe. Yun na nga, nadulas kasi ako dun sa may hagdan natin. Then, nahimatay ako."
Shiz. Bakit sya nadulas? Ayputek! Yung lotion ko ngapala nandun!! Jusko!!!!!!!
"Uhm. Magpahinga ka, Dad. Ano? May malala pa ba dyan? May masakit pa?" Sabi ko.
"Wala na, anak. I'm okay. Nasan nga pala yung Kuya mo?"
"Dad! Anong nangyari? Ha? Nabalian ka ba ng buto? Ano? Inoperahan ka ba? Ano-- aray!! Puteeek!" Binato ko lang naman sya ng prutas. Yung orange.
"OA masyadon. Tss."
"Kaity Andrea." Puna ni Dad.
"What?? Nananahimik ako dito, Dad." Sabi ko.
"Kaity."
"What? Problema mo?"
"Sorry na oh." Sabi nya sabay suhol sakin ng.. Ng.. Ng... T-SHIRT NA ADIDAAAAAAAAAASSSSS!!! OMAYGAAAAD. JUSKO. WATDAPAKINGTEYP.
"Oh? Saan mo naman nanakaw yan?" Maldita kong tanong. Pero sa totoo lang, gusto ko ng suotttiiiinn.
"No! Kaya ang tagal namin, pinabili ko pa si Dave ng shirt. E, magaling sya pumili ng mga ganyan e. E, alam ko naman na ganyan ang weakness mo."
"Awww. Iloveyou na, Kuya. Mwuah, foreves." Sabi ko.
"Yieeee! Talo-talo na pala talaga."
"Kenekeleg ekeee. KaiNeth for the wiiiin!"
Binato ko sila ng mga prutas.
BINABASA MO ANG
Everyday Iloveyou, SIR.
RandomIsang babae na na-inlove sa kanyang guro May pag-asa kaya? O wala? Tingnan natin ang kanyang storya.