"TWO TIMER"

145 0 0
                                    

Bakit nga ba nagkakaroon ng jowa na higit sa dalawa?

Jowa na dapat ay isa lamang.

Sapagkat ang ating puso ay isa lamang.

Ito ay tumitibok para sa taong minamahal.

May mga tao nga talaga sadyang mapaglaro,

Mas Masaya para sa kanya ang makipaglandian,

Mas astig o sikat sa kanilang mga tropa,

Mas nakakalalaki sa kanilang tingin.

Ngunit sa totoo lang napakapangit

Ang tingin sayo ng mga kababaihan,

Lalo na kung ang bibiktimahin mo’y

Magkakaibigan sa iisang lugar.

Siguro’y hindi kayo maniniwala,

Ngunit ito’y may posibilidad,

Minsa’y kahit alam ng iba na nasa relasyon ka,

Sila’y umeepal pa at sumusingit sa eksena.

 Hindi lang iisa ang isda sa dagat 

sapagkat ito’y napakalawak.

At wag mo ipagsiksikan sarili mo,

Kung wala naman puwang para sayo.

 Minsan may mga taong nasa isang relasyon ngunit sila’y

 may hinahanap na hindi Makita sa kanilang

pansalukuyang karelasyon kaya bagsak nito’y

hahanap sila kung sino ang magpupuno sa pagkukulang.

Ganito ang aking sinapit sa aking karelasyon noon,

Sa kadahilanang kami’y magkalayo,

Ang kanyang gusto’y  laging asa kanyang tabi.

Ngunit di naman dapat kayo’y laging magkapiling.

 Sapagkat kahit kami’y magkarelasyon,

Kami’y may kanya kanyang

mundong kinagagalawan

May mga iba’t ibang tao sa aming paligid.

May kanya kanyang responsibilidad

Na dapat gampanan,

May kanya kanyang buhay

Ngunit magkasamang  naglalakbay.

 Ang ibig kong sabihin,

May mga pagkakataon na di talaga pwedeng

 kayo’y laging magkasama,

Sapagkat ang bawat isa ay kailang mag grow as individual.

Ito ang isang dahilan,

Kung bakit ako’y laging pinagpapalit

Ngunit kung tutuusin

Isang mababaw na dahilan.

Sapagkat kung talagang mahal mo ang isang tao

Ikaw na mismo ang iintindi

at gagawa ng paraan upang kayo’y

Di magkaruon ng anumang alitan sa inyong pagitan.

 Ang isang dahilan pa ay ang

Sa text,chat ,fb,ym lang ang iyong

Kommunikasyon,

Di mo alam  dami na  kayo sa buhay nya.

 Oo ngat ang ating kuminikasyon

Sa mga mahal natin sa buhay

Ay mas pinadali ng mga

kagamitang makabago.

 Kagaya ng CP, COMPUTER

Na may mga social networking

Kung saan mas mapapabilis

Ang pakikipag usap, kahit sila’y nasa ibang bansa.

Subali’t mas napapabilis din

Na sila’y napapalapit sa tukso

Kung saan dumatading sa

Puntong sila nay magTATAKSIL.

Lagi kang nag aantay ng text,

Akala mo’y busy lang,

Busy nga naman ngunit

Un pala’y may katext na iba.

Sanay isipin mo,

Ang ang taong niloloko mo’y

Minamahal ka ng labis,

Bakit kailangan mo siyang saktan.

 Kay hira[p maghanap ng taong

Magmamahal sayo ng lubos,

Kaya naman ito’y wag Sayangin,

lalo na’t  siya’y mahal mo rin.

 Kung talagang mahal mo siya,

Hindi ka gagawa ng anumang,Makakasakit dito,

Sapagkat di mo maaatim na

siyay luluha ng dahil sayo.

 Di kana maghahanap ng iba

Kahit may maglandi pa sayo,

Kahit ultimo may maghubad

Sa harap mo ika’y makakatanggi.

Kung ang relasyon mo sa

Iyong mahal ay iyong nirerespeto

Kahit anu pang tukso’y

Iyong maiiwasan.

Ang pagiging two timer

Ay isang talamak na sa ating lipunan

Kabila’t kanan ang kanilang jowa,

Minsan ang hanap ay may matikman lang.

Nakikipagrelasyon sa iba

Upang pangangailangan

Ng katawan ay mairaos

Ng panandalian.

Ang isang two timer

Papalit palit ng sim card,

Laging wrong sent

Na nakasaad ay ang maling tawagan.

 Yan ang isang nangyari sakin,

Akala ko’y para saakin,

Pagkabukas ko’y

May ibang katawagan.

 Kanyang idadahilan

Di siya ang gumamit

Kung ikaw ay isang tanga na gaya ko,

Ikaw malang ay maniniwala.

Sana’y ako’y wag tularan

Sa larangan ng aking katangahan,

Sapagkat pag dating sa pag-ibig

Ay laging sumasablay.

 by: mhockz

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 28, 2011 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"TWO TIMER"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon