isa rin ako sa mga fans ni Ramon Bautista :) ngunit nalungkot ako sa kanyang libro na "Bakit hindi ka Crush ng Crush Mo" dahil parang pinapana ka sa puso kada sagot ni RB, although nakakatawa XD
kung si RB ay ang nagbibigay sayo ng hints na lumayo para hindi ka na masaktan
ako sinasabi ko sa inyo lahat tayo ay may pag-asa!!!
ako tutulungan kita!!! with the power of love and psychology!!!!
Ginawa ko ito para makapagbigay tips sa mga manliligaw palang o yung mga nade-develop nalang ang feelings sa bestfriend nya of sa kaibigan ng bestfriend o sa nakikipagkaribal sa iba pang manliligaw sa gusto mong babae o lalakeNOTE: hindi na ito applicable sa mga na Busted na ng Crush nila, ang tanging medicina lang nyan ay time, forgiveness and wag ka munang magpapakita o tignan ang mga pictures niya dahil masasaktan ka lang!!!!! MASASAKTAN KA LANG!!!!!! :3
So ito naLesson One: Papaano ba unang makipag-usap sa Crush mo? yan ang kadalasang tanong ng mga boys dahil sila naman ang unang gumagawa ng moves.
requirements:
>maliit na lakas ng loob(tandaan hindi kailangan makabahan ng masyado dahil hindi naman Play ang ginagawa mo at walang taong tumitingin sayo. so easy lang at go with the flow)
>bibig or mouth
>brushed teeth para puti ang ngipin(exception ang mga yellowish dahil meron talagang ganyan)
>at mag mouthwash para hindi mabaho ang hininga...
>at hindi dapat mabaho ang kili-kili bahala na kung may mga pimples ka okay lang yan maiisip naman nila na mawawala rin due time.
(seryoso dapat makita nila na conscious ka sa hygiene mo para hindi nakakahiya tandaan ang unang nakikita ang labas na anyo bago ang loob o ang iyong attitudes )
step one:the first approach
-> wag kang padalus-dalus, wag gayahin si the Flash na biglang bumubulwat at wag mong haharapin sa mukha kasi creepy yun tandaan importante ang first meeting kay wag kang magpaka weird muna, try mo tabihan, dapat nasa-side ka or nasa malapit nalikod dahil yan yung normal na ginagawa ng tao.
step two:
first talk/question
-> so ano ba dapat ang unang lalabas sa bibig mo? syempre yung pangnormal lang tulad ng pagtatanong kung anung Oras na? (siguraduhin na wala kang relo) o manghiram ng ballpen dahil naiwan mo sayo(medyo risky to kasi baka walang spare, pero 70 percent ng babae meron e.. Ewan ko sa lalake.) maraming tanong na pwedi... (pero wag mong itatanong ang pangalan, edad, kung saan siya nakatira at kung sino ang mga magulang niya at wag mong sasabihin na crush mo siya) dahil alam mo naman diba kong sino sya? or kung hindi mo pa alam gumamit ka ng mga technique tulad ng tignan mo ang I.D. nya ng pasekreto o magtanong sa mga haters nya kung ano ang pangalan niya siguradong sasagutin kaagad, kasi pagsinabi mo kaagad na crush mo siya o may pagtingin ka sa kanya patay!!! major ewas effect ang mayayari sayo lalong lalo na kung hindi ka gwapo o maganda.
.step tree:
make a conversation
-> maraming proseso dito dapat ready ka!!!
different kind of crushes
THE SHY TYPE - dapat gumawa ka ng something na mapasmile siya tulad ng "cute thing" basta gusto nila ng cute kasi parang may pagkainosente kasi sila...yan yung kadalasan, at wag mong ipahalata ng pinapakit mo yung key-chain or phonebling na cute, dapat kala nila na sila yung unang nakapansin, kung napapansin na niya, sabihin mo "ang cute no? at sabihin kung saan nabili" at syempre makikinig yun(wag sabihin ang price) e-offer kung gusto nila,(dapat yung uso) at ibigay kahit hindi tanggapin ilagay sa table later on kukunin rin nya yan eventually WAPAK!!!! MERON KA NA KAAGAD REMEMBRANCE!!!!(minsan ang conversation dito ay ikaw lang ang nagsasalita)THE CHILDISH TYPE - Iba to sa shy type kasi sa "shy type" parang bata kasi minsan lang nagsasalita" ito yung pinapabata nila ang boses nila para maging adorable, kung ganito ang crush mo medyo martyr ka inuulit ko martyr ka dahil kadalasan ito yung mga taong take ng take hehehehe, pero meron akong technique dito... wag masyadong pansinin, pansinin lang kong ito ay makikipag-usap sayo at sabihin na "ang ganda pala ng mata mo o kahit anu pang bagay" with confedence and smile gusto kasi nila pinopuri sila at makikipag-usap na yan siya sayo. ipagpatuloy ang pakikipag-usap..
THE BOOKISH TYPE - tandaan ang tinutukoy ko ay hindi yung mga babae na mga short romance novel ni "Rosalinda at ni Angelo" ang binabasa ito yung mga tao na mga bigating libro o novel ang hawak basta makakapal!!! ang gagawin mo dito dapat mapaimpress mo sya na alam mo ang current na binabasa nya, ang problema kung nabasa mo na nga ba? wag mag-alala mag research ka sa plot!! at kabisaduhin ang main characters pumili ka ng favorite character mo sa story para maging topic nyo at i mislead mo na ang conversation sa iba pang bagay.. tulad ng pagkatapos nya sabihin na gusto nya yung character na favorite mo o ayaw nya, sabihin mo na "ang ganda ng araw ngayon" basta matutuwa yun kasi meron nakarelate sa kanya :) (pero dapat mabasa mo ang libro para hindi sya mag duda pagdating ng panahon)
THE TREATME TYPE - ito ang magastos!! pero gusto mo siya kaya dapat wiling ka na librehin sya, ways para makausap mo sya, dapat alam mo ang paboritong pagkain nya at dapat hindi niya rin mahalata na alam mo, kaya gawin mo na rin na favorite para parang meant to be. ito ang sabihin mo "ahhh gusto kong kumain ng "favoritefood") umalis ka at bumili dapat bilisan mo kasi baka umalis baka hindi mo na ma-offer ang food sayang., kadalasan e tatanggapin yan kasi favorite lalo siguro kung alam mo ang brand, e kung hindi idi kainin mo nalang sabihin mo favorite food mo yun, at matutuya yun pramis!!!! at sabihin mo na lahat ng gusto mo pang pagkain para hindi halata..
(sa step na ito pwedi mo ditong itanong ang pangalan nila kasi getting to know each other na kayo eh)
mga katanungan:
Q:anung klasing humor ba ang dapat sabihin dito?
A:mga light humors wag bastos kasi hindi pa kayo magkakilala masyado baka iwasan ka kaagad... sayang effort :)
ex: Ironic jokes "kung kailan ako nag early yun naman walang teacher" gandahan mo nalang ang pagdeliver
Q:anu bang damit ko dito?
A:idi yung pang normal na tao kung nasa school, uniform. kung nasa labas lang pangpormal na panglabas, wag magpakawerdo kasi hindi pa kayo close hindi pa yun mati-take na joke.
Q:kailangan ko bang magpabango? A: nandyan nayan sayo basta wag kalang maging mabaho o amuy kili-kili.
End of Lesson 1
TANDAAN GUIDES LANG ITO, HINDI MO KAILANGAN SUNDIN ANG LAHAT NG NAKASULAT DITO KAILANGAN MONG MAG IMPROVICE NG SARILI MONG MOVES SA MGA IBANG MANGYAYARI SA MGA MOMENT NA MAGKASAMA KAYO.