" CRUSH "

114 0 0
                                    

Habang kami’y nag aantay

Ng aming malalaklak

Kami’y nagkakwentuhan

Ng aking sinisinta.

Sa aming pagtatalakay

Ng nakalipas

Na sampong buwan

Na di kami nagkadaong palad.

 Ngunit sa loob ng sampong buwan

Aming kunikasyun ay di naputol,

Aming asaran ay andun parin

Lambingan din a yun mawawala samin.

Pagkakaibigan namin

Ay di ko inasahan,

Sapagkat mundo nami’y

Nasa magkabilang dulo.

 Ngunit  tamang panahon

Kami’y pinagtagpo,

Sa tulong ng isang

Malapit saamin.

 Hanggang napapadalas

Aming pagkukuwentuhan,

Aming pagdadaong palad,

Siya’y lubos na nakilala.

Paglipas ng araw,

Lingo, buwan,At taon,

Heto parin kami

At magkaibigan.

 Datapwat  kami lang ay

Isang ganap na magkaibigan

Ito’y aking pinapahalagahan

Sapagkat di nanaising syay mawala.

Siya’y lubos kong hinahangaan,

Ngunit ito’y hanggang doon na lamang,

Aming pagkakaibigan ay

Di dapat mabahiran ng malisya.

 Sa aming tawanan

Di namalayan

Kami’y dalang dala

Sa aming kasiyahan.

 Sa silong ng mga puno ng magga,

Aming kwentuhan ay nagpatuloy

Wala na kaming ginawa kung di tumawa,

Tuloy may mga tanung na walang sagot.

 Sapagkat kami’y nagpapakiramdaman,

Aking napagtanto

Kung kami’y may kasamang iba

Parang di ako kilala.

Ngunit kung kami nalang dalawa

Sobra naman kung siya’y maglambing.

Sobrang makulit at talaga namang

Makikita mong Masaya.

Pag kasama namin dalawa

sa amin mga kaibigan,

ugali niyang totoo ay andun,

wag mo lang haluan ng isang di niya kilala.

 Mapapansin mong siya’y bihira ng magsalita,

Bihirang mangulit,

Ngunit siya’y sobra sa bait.

Na isa sa aking nagustuhan sa kanya.

 Habang humahalakhak kami’y

Isang langgam kumagat saakin.

Aming napansin mga langgam

Kung saan kami’y nakatambay.

Mga langgam ay unti-unting

Gumapang sa aking mga paa,masakit ang kagat,

Ngunit ito’y balewala

sapagkat siya’y aking kapiling.

Aming nilipa’t ang lamesa at aming mga upuan.

Saan galling ang mga langgam,

Ito ba’y dala n gaming matamis ng tawanan,

Oh ang  matamis na  lihim na pagtingin .

 Tama na nga mga labi ko’y

Pana’y  na ang ngiti

Di ko mapigil,

Sa sobrang kaligayahan.

Kilig ang aking nararamdaman,

Habang aking ninanamnam

Ang oras na kami’y magkasama,

Matatagalan ulit bago kami magkakasama.

Ngunit ditto sa aking puso siya’y si mawawala

Kahit saan mappadpad siya’y daladala

Upang siya’y di mawala

At mapalitan ng iba.

 Ngunit mas nanaisin kami’y

Mananatiling bilang

 Isang magkaibigan na lamang

Sapagkat itoy panghambuhay.

Sapagkat di lahat ng special sa isa’t isa

Ay kailangan nasa isang relasyon,

Dapat ikaw makuntento kung anu

Lang talaga ang nararapat sa inyong dalawa.

Piliin mo kung saan

alam mong magtatagal

ang iyong relasyon,

ito ma'y pagkakaibigan o pagkaka-ibigan.

by:mhockz

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 14, 2011 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

" CRUSH "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon