Sweet Troublemaker

21 0 0
                                    

"I want you to get one piece of yellow pad and write those words a thousand or million times as long as it fills that pad!! Understand?!" Sigaw ko sa mga lalaking nasa harapan ko ngayon at tinuro ang whiteboard kung nasaan nakasulat ang salitang 'I won't do it again'. Letse! Mapapaos pa yata ako sa pagsermon sa mga lalaking 'to!

"Relax Ms. President! Baka mahulog puso mo!" Saad ni Tris.

"Asdfghjklqwertyuiop!" Mahinang dagdag ni Jae na siyang dahilan ng pagtawa nilang tatlo. Ano daw sabi?

"Mind to tell me what you've just said Mr. Jae Weith" sabi ko sa kanya.

"Sabi ko po, wag kang mag-alala po, sasaluhin ko po puso mo po pag nahulog po!" Insert sarcasm on his tone. Baka mapagkamalan niyo siyang magalang sa dami ng po niya.

"Make it 2 pieces of yellow pad Mr. Weith!" Full of authority na sagot ko sa kanya.

"What th—"

"Make it three. Any  complains MR. WEITH?" Inemphasize ko talaga ang apelido niya para tumahimik na siya. Pero sadyang madaldal 'tong lalaking ito.

"Okay lang. Maganda ka pa rin naman Ms. President" bulong niya na rinig ko rin naman.

"MR. WEITH!!" Sigaw ko. Aba nakakastress na masyado to ha?

"Ayoownn ! Edi bumanat ka na rin tsong!" Sigaw ni Gab.

"Wohoo!" Sigaw din ni Tris.

"Shut up!!! Get five sheets of that yellow pad and write these words NOW!!!" Full energy kong sigaw. Aba! Kainis na ha? Lumabas na ako ng reflection room dahil feeling ko sasabog na ako sa k— Nevermind. Nakita ko si Ysa. Secretary ng student council sa campus namin. And at the same time, my bestfriend. Papunta siya sa kinaroroonan ko ngayon.

"Hey!" Bungad niya nung makalapit siya sa akin. "Nandyan nanaman sila?" Tanong niya pa.

She's pertaining to those three idiots inside. Mga tambay kasi yan ng reflection room. Tsk! Kastress.

"Ano pa bang bago?" Tanong ko rin.

"Asus, alam ko namang gusto mo si Jae eh. Di mo na kailangan pang umarte na parang naiinis kang nandyan sila ULIT" diniin niya talaga ang word na ulit.

"Kailangan ipaglandakan? Wag ka ngang maingay!" Saway ko sa kanya. Tumawa lang siya.

"Haha. Sige A! Alis na ako. I need to finish this pa" paalam niya sabay angat ng mga dala niyang papers kaya tinanguan ko na lang at umalis na rin siya.

I'm Asus Labier. And I'm the president of the student council of our campus. That's why, I'm dealing with those pain-in-the-ass idiots. Tsk. Well, totoong may gusto ako kay Jae Weith. Even before pa ako maging president ng student council. Kaya nga nung first time na napunta silang tatlo sa reflection room, tuwang tuwa ako pero syempre di ko pinahalata. Atleast nakakausap ko siya. Pag sinesermunan nga lang.

I never had the guts to tell him my feelings kahit na ilang beses na kaming nagkakasama sa RR. Tsk.

Nabalik ako sa aking ulirat nung narinig ko ang katok mula sa loob ng RR. Glass ang door ng RR kaya nalaman kong si Gab ang kumatok. Tinuro niya yung nag-iisang table sa loob.

Pumasok na ako at pinalabas na sila. Bumilis nanaman ang tibok ng puso ko nung masulyapang nakatitig ulit si Jae sa akin habang naglalakad palabas. Nagkunwari na lang akong di siya pinansin hanggang sa tuluyan silang makaalis. Lagi namang ganun diya pag lalabas na sila ng RR.

Kinuha ko ang papel nila at nagulat sa nabasa kong sinulat ni Jae. Puro 'I love you' ang nakasulat doon. Tinignan ko ang kay Tris at ito naman ang nakalagay 'Jae loves you' . Ganun din kay Gab. Napailing na lang ako. Ang lakas talaga mangtrip na tatlong yun.

Sweet TroublemakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon