Chapter 3

12 1 0
                                    

NICA's POV

"Hala! Ikaw kasi warren sabing wag kang galawgaw kung kumilos pero nag laro ka pa din kahit hindi ka naman marunong mag soccer tss."

"Eh! sorry na nga di ba? Hindi ko naman sinasadya."

"Wag ka sakin mag sorry g*go."

"Pwede ba mag si tahimik nga kayo tss."

Naalimpungatan ako dahil sa mga naririnig kong mga boses na mukhang nag tatalo. Dahan dahan kung binuksan yung mata ko at puro puti yung nasa paligid ko at may limang lalaki—LIMANG LALAKI?

Napa ayos ako ng upo at tinuro sila. "S-sino kayo? A-at n-nasan ako?" natatakot kung sabi habang naka turo sakanila.

Naalala ko kung anong nangyare. Nag babasa ako ng libro sa ilalim ng puno at may tumawag sakin at sumalubong sakin yung bola ng soccer at nasapul ako sa mukha.

"Waaaaah, sorry sorry talaga miss. Hindi ko sinasadya yon." sabi nung lalaking nasa harapan ko at naka hawak pa sa kamay ko. Singket sya na matangos ilong na mapula ang labi. Ang cuteeee nya.

"Tss." napa tingen naman ako don sa lalaking umismed at umupo sa sofa dito.

"So, sorry sa katangahan ng kaibigan kong to. Hindi ka man sa maniwala hindi nya talaga sinadya yon. At dinala ka namin dito sa clinic ng mawalan ka ng malay." cool na sabi naman nung lalaking parang ang seryoso pero ang pogi din.

"H-HOY! maka tanga naman to. Pero miss sorry talaga."

Nag pabaling-baling lang ako ng tingen sakanila habang umaayos ng upo. "He-he ayos lang. Naiintindihan ko. Pumwesto pa kasi ako sa malamit na nag sasoccer kaya natamaan din ako. May kasalanan din ako. Pasensya na din." Mahina kong sabi at nag bow.

Tatayo na sana ako ng pigilan ako nung lalaking naka tama sakin ng bola. "Mag pahinga ka lang jan hanggang sa umayos yung pakiramdam mo. Total wala naman ng klase kaya free lahat ng studyante dito. Btw, Im Poging Warren." naka ngiti nyang sabi.

"Lul wag mo ng lokohin sarili mo dahil wala talaga Pogi na kasama sa pangalan mo. Ako nga pala si Shawn." singit naman nung lalaking laging kumokontra kay Warren.

"Sobra ka na talaga Shawn ha. Nakakasakit ka na ng damdamin." Umarte pa si Warren na akala mo ay nasasaktan talaga.

Natawa naman ako don. Ang cute nilang tignan. "Umayos nga kayo para kayong mga aso't pusa. Nakakahiya kay Miss beautiful. Hi magandang binibini, Ako nga pala si Jasper ng buhay mo." Nagulat ako ng bigla nyang kunin yung kamay ko at kiniss yung likod ng palad ko at may tumampal naman dito.

"Hoy kayong tatlo pag di kayo nag si ayos uupakan ko kayo. Wag nyo ngang takutin si Nica." singit naman nung lalaking tumayo na katabi nung masunget na lalaki sa sofa.

"KILALA MO SYA?" Gulat na gulat na sabi nila Warren, Shawn at Jasper.

Ako den ay nagulat at nag taka. Bakit nya ko kilala?

"Si Mommy yung nag paexam sakanya at ako din yung nag ayos ng papers nya para maka pasok na agad dito." cool nyang sabi. "How's your feeling? May masakit ba sayo? Call me Nathan." sabi nya at ngumiti.

Ah ganon pala yon kailangan kong mag pasalamat sakanya. "Okay na naman ako—" hindi ko na natapos yung sasabihen ko dahil sa ingay ng pinto. "Okay nanaman ata sya. Kaya tara na may pupuntahan pa tayo." sabi nung masunget na lalaking naka upo sa sofa kanina.

Nakakaimbyerna naman tong isa. Parang ibang-iba yung ugali nya sa apat na to.

"Nice meeting you in person Nica. We have to go. See you around." sabi ni Nathan at hinaltak na yung tatlo sa harap ko habang kumakaway-kaway pa sakin si Warren at Jasper.

Nginitian ko na lang din sila at humiga ulit sa kama ng makalabas na sila.

Napangiti na lang ako dito ng maalala ko yung kakulitan ni Warren. Para siyang bata na ewan haha. Habang si Shawn parang seryoso na ewan pero lagi nyang binabasag kung ano man ang sasabihen ni Warren at si Jasper nama ay mukhang chickboy sa kinikilos. Si Nathan naman ang cool parang ang sarap nyang maging kuya at yung lalaking masunget na hindi man lang nag pakilala wala akong paki sakanya. Ang sungit sungit tss. Pero kung ididescribe mo silang lima ang gugwapo.

Kailangan ko pa palang mag pasalamat kay Nathan at sa mommy nya. Sana makita ko pa sila.

"SALAMAT Manager Tim." Masigla kong sabi habang hawak hawak yung sweldo ko.

Katatapos lang ng trabaho namin dito sa restaurant at inaayos na lang namin yung nga gamit dito sa kusina at ngayon pala ang bigayan ng suweldo. Nawala na sya sa isip ko dahil excited ako sa unang araw ng klase.

"Napakasaya talaga ng batang to. Dahil sa sobrang sipag mo may bonus ka." Winawagayway ni Manager Tim yung five thousand sa harap ko. "Nakita ka ng boss natin na sobrang sipag at bait mo sa mga customer kaya dinagdagan nya ng 5000 ang sahod mo." Naka ngiting sabi ni Manager Tim "May pandagdag ka na para sa mga pambili mo ng magiging projects." Masayang sabi ni Nanay Tanya.

Hindi ko alam kung bakit napapaluha ako. "Maraming salamat manager tim." Naiiyak kong sabi. Niyakap nya lang ako at sabay sabay na natawa. "Kahit kailan talaga si Nica baby crying haha." sabi ni Ate Aila.

Kahit ako hindi ko na alam sa sarili ko nakit sobrang babaw ng luha ko. Hay sobrang laking tulong narin ng naidagdag sa sweldo ko. Bali naka 8000 nadin ako ngayon at yung 7000 ilalagay ko na sa piggy bank ko at pang kain ko naman yung 1000.

Sulit naman yung nagiging pagod ko sa pagtatrabaho dahil dito ako mabubuhay.

"Okay, mauna ka ng umuwi Nica. Maaga pa ang pasok mo bukas at kami nalang nila Nanay Tanya ang mag tutuloy ng mga aayusin dito. Sige na inga sa daan." sabi ni Manager Tim at pumasok na sa office nya.

"Ingat babusshh." Sigaw ni Ate Aila.

"Mag iingat ka anak. Sige na at alas onse na ng gabi umuwi ka na." Niyakap ko mo na si Nanay Tanya at nag pasalamat.

Kinuha ko na yung bag ko at lumabas na restaurant. "Makakapagpahinga naden sa wakas." sigaw ko habang inuunat-unat pa yung dalawang braso.

to be continued ...

Warren De Silva on the multimedia.

When i met a Gangster [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon