Chapter 1

36 0 0
                                    




Ako nga pala si Maria, estudyantesa kolehiyo, nakatira sa mala-palasyong bahay ng aking tita na mataray pa sa lahat ng mga mataray. siya na yung nag tayong nanay sa aking buhay kahit hindi ko siya kadugo. 



Kung tanungin niyo kung saan agn magulang ko, mapapagod din kayo kakatanong. Matagal ko na ding tinanong yan, ilang beses kong hinanap pero wala talagang nag sabi sa akin kung saan at kung sino man sila.



Wala man lang binanggit kung may mga kapatid pa ako. Para ngang ako ay napulot lang sa daan at pinamigay o baka pinaampon. Hindi ko man alam ang ginawa ng aking mga magulang sa akin, pero pinatawad ko na sila.



Ilang beses na daw akong tinanggihan ng mga tao dahil walang gustong umamon sa akin. Ma-swerte na daw ako at tinanggap ako ng tita ko.



Hindi ko alam kung matutuwa ako at may tumanggap sa akin o magagalit dahil sa dami-rami na pwedeng tumanggap sa akin, siya pa talaga na laging mainit ang ulo sa akin. Pero malaki ang utang na loob ko sa kanya kaya pinatawad ko na rin sha. Kaya eto ako, nabubuhay sa mundong puno ng pagdurusa.



Pero nasanay na ako, nasanayna sa paulit-ulit nang sinasaktan, kinakawawa at pinapahiya. Minsan nga naisip kong tapusin na yung buhay ko, kung hindi man yon nagawa ng nanay ko nung binuntis niya ako.



Pero eto pa rin ako ngayon, buhay na buhay ngunit hindi na alam kung bakit pa ako bumabangon at gumigising araw-araw. 





____________________________________________________________________________________

Mahal kita, Minahal kita at Mamahalin pa (One shot story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon