Chapter 2

26 0 0
                                    



Pero sa halip ng lahat, may isang lalaki na nagbibigay ngiti sa mundo kong puno ng pighati. siya lang ang nagpadama sa akin ng totoong pagmamahal at pag-aaruga na kahit minsan hindi ko naramdaman sa kahit sino man lalo na sa mga magulang ko.



Siya si Pepe, kasintahan kong higit apat na taon na. Oo, apat na taon na kami. Oh diba, four down. four-ever to go.  May forever kami kaya kabahan na yung mga Bitter dyan. 



Pero marami din namang mga pagsubok na dumaan sa aming relasyon pero kinaya namin at kakayanin nami. ibinuhos ko lahat ng oras ko sa kanya kesa sa pag-aaral ko. mahal na mahal ko siya at alam kong mahal na mahal niya din ako. Nangako siya na hinding-hindi niya ako iiwan kahit anong mangayri.



Isang araw, habang ini-imagine ko ang aming kasal. Nag lalakad na ako papuntang altar, at parang ako daw ang pinakamaganda at swerteng babae nung araw na iyon.



Ngunit bigla nalang akong napaiyak. Tears of Joy nga ba? sana nga, pero Hindi.



Naalala ko na wala na palang kami. Nalaman kong hindi niya talaga ako minahal at binayaran lang siya ng tita ko. Ginsising na naman ako ni katotohanan. Oo wala na kami. Wala ng kami. Wala na yung apat na taon. Wala ng Pepe <3 Maria. 



Wala na yung icing ng cupcake  ko. Wala na yung tatawag sa akin ng bebe ko, darling ko, mahal ko, meral ko, honeybunch, sweetie pie, buko pie, etc.



Wala na yung ka isa-isang dahilan kung bakit ako'y nabubuhay pa ngayon at pilit pang bumabangon kahit alam kong wala na akong silbi sa mundong ito. Wala na yung ka isa-isang tao na nagmamahal sa akin ng lubos at mag-aalaga sa akin pag pumuti na yung mga buhok ko.




____________________________________________________________________________________

Mahal kita, Minahal kita at Mamahalin pa (One shot story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon