Sa mga larong pag-ibig na aking nilaro, sa mga kasiyahan ko na alam kong HIndi naman totoo, sa dilim na aking pinasok sa mundo at sa pagsunod ko sa sarili kong orasan kaysa sa Kanya. Ako ay natuto na.
Aking uulitin, hindi ko ito madalas sabihin, pero ngayon ako'y maglalakas loob na banggitin ang isang parte ng buhay ko na binago Niya. Baka sakaling marinig mo rin ang mensahe Niya.
Dahil itong babaeng ito ay minsan nang napagod magmahal, nasiraan ng pag-asang umibig pa at ibigin pa ng iba. Dahil ang babaeng ito ay ubos na ubos, durog na durog, pagod na pagod, wasak na wasak na.
Dahil sa maling akala ko ng salitang "pag-ibig", sa maling desisyon kong umibig, sa maling pagbitaw ko na mahal kita sa oras na hindi pa ako handa, sa maling pagpili kong minahal kita yun pala ay ika'y mawawala.
Nahulog, nadapa, ayan hindi na makatayo.
Dun sa mga panahon na iyon, na dahan-dahan Niya akong nilapitan. Mga luhang pumapatak sa aking mga mata'y kanyang pinunasan. Pinulot ang kada pirasong nasira sa aking buhay. Kinuha ang lahat ng sakit na nararamdaman sabay sabi ng mga salitang "Alam kong masakit na at alam kong takot ka na, pero hayaan mong mahalin kita."
Siya ang pagmamahal na sa aki'y bumuo muli. siya ang pag-ibig na tumanggap sa akin kahit andami kong mali. Siya ang pagmamahal na hindi ako kinamuhian. Siya ang pag-ibig na nagpalit ng salitang pag-asa sa aking buhay. Siya ang pagmamahal na naglakbay mula sa langit papuntang kamatayan upang ako lang ay kunin sa kamay ng kawalan. At Siya ay bumalik muli at nangakong babalik.
Bulong ng Panginoon sa akin, "Anak, hayaan mong mahanda kita bago mo makilala ang taong sayo'y nakatakda. Bukas ang mga pala Ko nawa'y tanggapin mo ang mga mensahe Ko."
END...
BINABASA MO ANG
Mahal kita, Minahal kita at Mamahalin pa (One shot story)
Short StoryMinsan bah naranasan niyong mag-isa? Yung naramdaman mong wala nang nag mamahal sayo Yung noon pa man wala talagang nagmahal sayo ng totoo. Yung mga sinabi niya na "Mahal na mahal kita" ngunit bigla na lang dinala ng ihip ng hangin. . . . . . . Nga...