Chapter One

19 2 1
                                    

WINONA'S POV:

As usual, ganito parin single walang lovelife. Pinagtulongan pa nga ako ng mga kaibigan ko. Sabi nila dapat na daw ako magka-lovelife . Yes, but I'm not ready yet kasi yung mama ko magagalit yun kapag maaga kaming pumasok sa ganyang relasyon kami ng ate ko na si Tanya. Naglalakad kami ng mga kaibigan kong mapang-asar na sina Shane, Nimfa, at yung kapatid ko na si Tanya.

"Winona, ano kaba? mag-eeighteen kana, wala ka pang boyfriend?" sabi ng kaibigan kong si Shane.

"Eh ikaw? mayroon kaba?" tanong ko naman kay Shane. Hindi naman ito sumagot, at bigla itong natahimik.

"Ahm... Nimfa, tawagan mo nga si John, asan ba siya?" sabi ni Tanya kay Nimfa.

"Ewan ko nga, hindi nga nagtext sa akin eh," sagot naman ni Nimfa.

"Sabihin mo na pupunta tayo sa bahay nila," ani Tanya.

"Okay," maikling sagot ni Nimfa.

Habang tinawagan ni nimfa yung kaibigan naming na si John. Nagtawanan naman kaming tatlo at nahiwalay si Nimfa sa amin kasi kinausap pa niya si John.

(SIGE PUNTA TAYO KAY NIMFA. ANO KAYA ANG NANGYARI? SAAN KAYA SI JOHN NAGPUNTA?)

------------------------------------------------------
NIMFA'S POV:

"Ahm... Hello John, nasan kaba? kanina pa ako dial ng dial sayo, bakit hindi mo sinagot yung tawag ko?" sabi ko kay John.

"Nandito ako sa lola mo," sagot naman ni John.

"Ha? nandiyan ka sa bahay ni Lola? Anong ginagawa mo diyan?" bulalas na sabi ko.

"Hindi mo ba alam? Dumating yung pinsan mo," ani John.

"Si Josue? sino kasama niya?" tanong ko kay John.

"Siya lang mag-isang nagbabakasyon dito, sinundo siya ng lola mo doon sa pier," sagot naman nito.

"Okay, papunta na kami diyan."

At binabaan ko na si John. Habang nag-uusap kami ni John sa phone, hindi ko namalayan na nahiwalay na pala ako sa kanila. Halos dalawangpung metro na ang layo ko sa kanila. Tinawag ko sila habang tumakbo pa akong patungo sa kanila.

"Guys, nandoon daw si John sa bahay ni Lola," hingal na sabi ko.

"Ano? anong ginagawa niya doon?" gulat na usal ni Shane.

"Oo nga, sino naman yung kasama niya doon?" hirit din na tanong ni Winona.

"Dumating daw si Josue, galing leyte," sagot ko sa kanila.

"Ahh si Josue? yung pinsan mo from leyte?" tanong ni Shane.

"Oo, binubully pa nga niya ako noon," busangot na sambit ni Tanya. Nag-uusap parin kaming apat habang naglalakad...

Pagdating namin doon, nagulat ako dahil ang tangkad-tangkad na ng pinsan ko. Almost five years na kasing hindi nagkakita. We were kids the last time we meet.

(Balik tayo....)

"Hoy John, nandito ka pala, akala ko nandoon ka sa bahay ng mga pinsan mo," takang tanong ko habang papalapit ako kay John at Josue na nasa veranda na nag-uusap.

"Oy Nimfa, saan kayo galing?" tanong ni John akin habang nakaupo sila sa may couch.

"Diyan lang sa kanto," sagot ni Winona.

"Oy Winona, si Josue oh," pang-aasar ni John Kay Winona.

"John, Ano ka ba? Kinukulit mo na naman ako," iritang tugon nito.

"Eh, ang bitter mo naman Winona, ipakilala lang naman kita sa kanya," sabi ni John. At ngumiti si Josue.

"Eh, ano ka ba Winona, wag kang mahiya magpakilala ka na," panunukso ni Shane sa kanya.

"Wag na kilala na niya ako, Oy Josue, magsalita ka naman diyan," Winona said.

Hindi parin pinansin ni Winona yung sinasabi ni John, at dinideadma parin niya yun.

Pagkalipas ng ilang oras ay nakauwi na sila Shane, Winona, at Tanya sa kani-kanilang bahay pero ako, nag-alinlangan paring umuwi sa amin. Yung bahay nina Winona ay katabi lang sa bahay ng lola ko. Habang sa amin naman ay doon sa kabilang kanto. Magkapitbahay lang din sina Shane at John.

Ang saya-saya ko na ngayong araw na 'to kasi nakita ko na yung pinsan ko na matagal ko ng hindi makita. Ang puti na niya ta's ang tangkad-tangkad pa. Bagay sila Winona, pero ako kahit ibabad pa ako sa zonrox yung balat ko hindi pa rin ako puputi but okay kontento na ako sa kulay ng balat kong kayumanggi. Black is beauty, 'ika nga. Pagkalipas ng ilang oras hindi pa rin ako umuwi.

"Nimfa, hindi ka ba uuwi ngayon?" tanong ni lola sa akin.

"Hindi po lola dito na muna ako matutulog, I'm gonna text mama, Okay?"

"Oh siya, maghahanda na muna ako ng panghapunan natin," sabi ng maganda kong lola at saka tumalikod.

"Oy Nimfa, kumusta ka na?" nakangiting tanong sa akin ni Josue.

"Okay lang, ikaw kumusta ka na?" tanong ko din sa kanya.

"Ito ganoon pa rin,"

"Siguro may shuta kana ka na doon," sabi ni John.

"Oo pero hiwalay na kami, niluko pa nga niya ako. Sabi pa nga niya sa akin pupunta daw siya sa cebu. Eh nakita ko pa nga siya kasama niya yung barkada ko doon," paliwanag niya sa amin.

"Ahh ganoon ba?" at nagsabayan pa kami sa pagsalita ni John.

"So, anong balak mo ngayon?" sabi ni John.

"Ikaw talaga John, Mapang-asar ka talaga," sabi ko kay John.

"Balak ko? Eh di maghanap uli," sagot ni Josue habang nakatingin sa tv.

"May balak ka no? wag kang mag-alala tutulongan kita," determinadong tugon ni John.

"Ang yabang mo naman John," bulyaw ko kay John.

"Hindi ako mayabang, so ano ang gusto mo? sige tutulongan din kita, hahanapin natin yung Mr. Right mo," bulyaw din sa akin ni John.

Tumawa nalang si Josue sa amin. Mayamaya ay umuwi na si John sa kanilang bahay para kumakain sandali. Kami naman ng pinsan ko tinawag kami ng lola para kumakain.

Habang kumakain kami ni Josue sa kitchen may biglang sumitsit sa amin. Sabay kaming lumingon kung saan galing yung tunog.

"Naririnig mo ba yung naririnig ko?" takot na sabi ni Josue.

"Ano ka ba? kalalaki mong tao matatakutin ka pala?" sabi ko kay Josue.

Hindi parin ito nagsasalita. Mayamaya ay may biglang tumunog na pusa kung saan narinig namin yung may sumisitsit.

"Ay pusa lang pala, akala ko ano yun," sabi ni Josue, at nag-papatuloy nalang ito sa pagkain.

"anong ulam ninyo diyan?" sabi ni John na bigla lang itong sumulpot sa likuran ni Josue.

"Ouh! ikaw talaga John mapang-asar ka talaga. Ahm by the way, ikaw ba yung sumitsit kanina diyan?" sabi ko sa kanya.

"Ha! Ba-bakit naman? ano naman ang gagawin ko diyan?" maang na sabi ni John.

"Hay naku John, wag kanang magmaang-maangan diyan," Josue said.

"Eh sino naman yung taong gustong pumunta diyan, ang dilim kaya," john said but hindi parin ito nagsabi ng totoo.

"Sa bagay," at nagkibit balikat nalang si Josue habang nagtinginan kaming dalawa.

After a few hours, natapos na kaming mag-dinner pumunta na kami sa balcony para magtambay lang kami doon.

Unbreak My Heart (Soon!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon