ERIS
Kanina pa kaming kumakain dito at panay ang tingin sa amin ng Mag-ina. Sino 'yon? Si Jacob at ang kanyang ina na si Aling Jasya. Hindi pala nakatingin sa amin. Nakatingin lang pala kay Paul Kurt. Ngayon ko lang 'yon napasin, kanina pa kasi ako kain nang kain. Malay ko bang may kaganapan na dito.
Sinulyapan ko si Paul Kurt at kitang kita ko kung paano siya umiwas sa dalawa. Naku! Baka siguro namumukhaan na nila si Paul Kurt. Naku naman!
"Ah! Aling Jasya, pahingi pa nga po ng extra rice." Sabi ko para naman mabawasan ang pagkakatitig niya. Hindi na kasi makakain yung tao.
"Ay oo. Teka." Pagkaalis ni Aling Jasya. Eto namang si Jacob makatitig wagas. Pagkalapit sa amin ni Aling Jasya ay inilapag niya na sa akin ang extra rice na hiningi ko. "Parang kilala kita." Sabi niya nang naka kunot noo.
Patay!
"Aling Jasya, may tumatawag ho ata sa loob ninyo." Pagpapalusot ko. Dali-dali namang pumasok si Aling Jasya sa loob.
Biglang lumapit sa amin si Jacob at ginaya ang sinabi ng kanyang ina. "Parang kilala kita."
"Jacob!" Saway ko.
"Bakit, ate? Parang nakita ko na kasi siya eh." Paliwanag ni Jacob. Ginulo niya ang buhok niya na parang naguguluhan.
"Baka naman nakikita mo lang siya sa mga anime anime na napapanood mo sa tv, at sinasabi mong parang nakita mo na?" Oh, diba. Da'best talaga ako magpalusot.
"Sabagay.." hinawakan niya ang baba niya na parang matanda na kung mag-isip. "Pero, ate. Parang talaga na--"
Pinutol ko yung sasabihin niya kasi parang alam ko na rin naman 'yon at uulit-ulitin lang niya ang pagsabi non. "Jacob..." sa pagtawag ko ng pangalan niya ay napatakip na siya sa bibig at itinaas ang kaliwang kamay niya na nangangahulugang hindi na niya sasabihin pa ulit 'yon.
Mabilis siyang tumakbo at nagpaikot-ikot sa mga tables na naroroon. Kakaonti lang kasi ngayon ang kumakain dito.
"Jacob, baka madapa ka ha!" Paalala ko sa kaniya. Pero wala pa rin siyang tigil sa pag takbo. Tinuloy ko na lang muna ang kinakain ko at nagtapon ng tingin sa nasa harap ko. Saktong huling subo na lang niya ng kinakain niya.
Naka shades at bonet siya ngayon. Alangan namang kumain siyang naka face mask. Harujusme. Nagtama ang tingin namin at napaiwas agad ako ng tingin. Mamaya mainis nanaman sa akin 'to. Itinuloy ko na lang ang pagkain ko.
"Uhm..." nag-alangan akong tumingin sa kanya. "I want..... i want another rice." Saad niya na iniiwas ang tingin. Gusto kong matawa dahil parang nahihiya siya sa akin. Akala ko, hindi siya makakakain dito dahil isa siyang sikat at maarte siya na baka isipin niyang may lason ang pagkain dito. Mali pala ako. Kinagat ko na lang ang labi ko para matigilan. Hinanap agad ng mata ko si Aling Jasya na baka nakabalik na pero hindi ko nakita.
Nagpasya akong ako na lang ang kukuha sa 'another rice' na gusto niya. Kumuha ako ng plato at magsasandok na sana ng marinig ko si Aling Jasya na may kausap sa telepono. Hindi ko akalaing naging sakto pala ang alibi na sinabi ko. Nakatalikod siya sa akin at hawak hawak ang kanyang noo at nakayuko habang nasa tenga niya ang telepono.
"Pasensya ka na, Lourdes. Gipit na gipit lang talaga ako ngayon pero talagang magbabayad ako." Kausap ni Aling Jasya sa kabilang linya.
"B-bigyan mo lang ako ng isang linggong palugid pa at makakabayd na talaga ako. Mahina lang talaga ang mga taong pumupunta dito ngayon..." kaya pala konti lang ang kumakain sa labas.
"Oo. Maraming salam--" sa hindi pag tuloy ng sinabi ni Aling Jasya ay halata na agad siyang binabaan ng kausap. Huminga siya ng malalim at umalis na sa paningin ko.
BINABASA MO ANG
An Idol Beside Me (On-Going)[EXO FF.]
JugendliteraturThis is work of fiction. And it's a taglish story.