Oneshot

4.6K 326 112
                                    

Oneshot: Wag ka magulat ha!
By: Marincethblue


Dedicated sa lahat ng bumasa sa oneshots ko na kinilig at inadd sa reading list and many more hahaha, ginaganahan tuloy ako magsulat. Maraming salamat sa lahat!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


" Wag ka magulat ah!" Sabi nito kaya napailing nalang ako. Ganito na naman po siya. Ang bestfriend kong loko-loko si Troy


" Ano na naman ba yan , ha? Anong kalokohan na naman yan?" Nasabi ko nalang. Lagi kasi siyang may balita at hindi naman medyo nakakaulat pero..


" Nakakuha ako nang highest score sa Math! Waaah!" Parang bakla tas sumigaw pa at iniyugyog ako. Yan, yan ang nakakagulat, yung mga actions niya, hindi ang balita. Nakuu, abnormal talaga siya


" Edi very good. Sige na chupe!" Umupo na ako sa upuan ko kaya napaupo rin siya sa tabi ko. Nakita kong napa-pout siya


" Hindi ka manlang proud sakin?" Napangiti nalang ako. Nagtatampo na naman si bestfriend at ang cute pa. Kaya crush na crush ko to eh. Opps! Nasabi ko na, basta crush ko siya


Hinawakan ko mukha niya at pansin ko na napatitig siya sakin at ang tenga ay namumula " Syempre bestfriend mo ko kaya, proud na proud ako sayo!" Niyakap ko naman siya nang mahigpit at niyakap niya rin ako pabalik


Tumigil na ako sa pagyakap at tinignan ang mukha niya. Nakayuko ito kaya napataas ako ng isang kilay. Problema nito?


" Hoy! Proud na nga ako sayo tapos malungkot ka pa? Wag ka na magtampo" napa-angat siya nang mukha at napatitig ako nung ngumiti siya


" Hindi naman. Ang ganda kasi nang bestfriend ko, baka may umagaw" pinat niya ulo ko and before saying anything umalis na siya sa tabi ko


*lub dub*


Walang aagaw no. Ikaw lang kaya bestfriend forever ko! Haay, kung alam mo lang


***


Snacks na at busying busy ako sa pag-aaral para sa test namin after snacks. Nagmememorize ako nang mga formulas nung may biglang naglahad nang isang Cream-o sa harapan ko at napatingala ako at nakita ang bestfriend kong gwapo na nakangiti


" Kain ka muna oh" tinanggap ko naman at bumalik sa pagmememorize. Narinig ko naman na napabuntong-hininga siya


Nagulat nalang ako nung may kumuha ng libro ko at inilagay ba niya sa sunod na chair sa tabi niya. Napasingkit ako ng mata kay Troy. Panira naman oh, baka bumagsak ako


" Wag ka mabibigla ah" napacross arms naman ako at di siya tinignan " Ano na naman yan? Kita na ang busy ko ngayon eh"


" Basta wag mabibigla ah"


" O, sige na"


" Wala si maam kaya walang test" gulat akong napatingin sa kanya. Baka naman nagbibiro siya para kumain ako. " Weh? Totoo? Walang halong biro?"


" Oo nga. May meeting kasi sila" napangiti ako nang malapad " Yes!"


Kinuha ko naman ang Cream-o at sinimulang buksan tapos kumain narin. " Hahahaha. Ang takaw mo talaga" tinignan ko siya nang masama


" Hindi kaya. Nagugutom lang talaga ako eh kaso nung may test di na ako nag-abala , waste of time kasi kaya ayun pero buti nalang sinabi mo bestfriend! Yey! Thank you pala" ang haba ng speech ko pero nandun lang siya nakatitig sakin at nakangiti


" Anyare sayo?"


" Wag ka magulat ah!" Napakunot na naman ako ng noo. Ano na naman ang sasabihin nito. Na nandito na si maam? O joke lang ang sinabi niya


" Ano?"


" Ang dumi nang mukha mo! Ang daming chocolates sa gilid ng labi mo" bigla naman akong napapahid sa mukha ko. Naconcious tuloy ako, may god ang baboy ko nga " Wala na?"


" Meron pa. Andami nga eh" napapahid pa ako sa ilang parte ng labi ko at dinilaan at nilawayan ko pero hindi in a disgusting way


" Wala na ba?" Napailing nalang siya at lumapit sakin. Bigla naman akong kinabahan at lumakas ang kabog ng puso ko. May inilabas siyang panyo at pinunasan ang parte ng labi ko. Nakatingin lang siya sa labi ko kung saan siya nagpupunas habang nakatitig lang ako sa kanya. Isa lang masasabi ko, inlove ako sa bestfriend ko


Maya-maya napatingin siya sakin. Nakatitig parin ako sa kanya, gusto ko umiwas pero ayaw eh na-lock ang tinginan namin sa isat isa


" Wala na" lumayo na siya at umiwas ng tingin. Namumula na naman tenga niya " O. Sayo na" ibinigay niya sakin ang panyo at tinanggap ko nalang. Hindi parin siya nakatingin sakin " Ge. Bye" anyare dun?


***


Ilang araw na nagdaan at ganun palagi nangyari. Hindi literally pero lagi nalang siyang may balita na hindi ka naman maguguluhat, hay naku. Mga pa-style talaga nito pero kahit ganun, close parin kami tapos may mga times din na namumula tenga niya pero hindi ko alam kung bakit nga eh.


Sabi nga ng iba pag namumula tenga ng mga lalaki ay blush daw yan pero diba sa cheeks yan so kung nambablush ang boys sa tenga daw, sa girls sa cheeks


Balita naming dalawa ngayon, siguro tago-tago lang ako ng naramdaman, okay lang din naman kasi maging bestfriend niya lang atsala wala pa naman siyang nagustuhan o ano, kami lang nga lagi magkasama. What is bestfriends diba?


Ngayon, magkasabay kaming naglalakad pauwi. Ihahatid niya naman ako palagi bago siya umuwi sa kanila, ang bait no? Gusto ko ngayon malaman kung may nagustuhan ba siya. Syempre dapat malaman ko, besfriend ako eh


" Boybes" yan tawag ko sa kanya. Ang cute diba?


" Yes, girlbes" napatingin siya sakin nung tinawag ko siya. Tumigil naman ako sa paglalakad kaya siya din


" Ah. Ano, may crush ka na ba?" Ewan ko pero parang kinakabahan ako at hindi handa sa kung ano man ang sasabihin niya


" Mmm. Meron. Wag ka magugulat ah!" Napatingin naman ako sa kanya ngumiti nang pilit at tumango lang. Sana pala hindi ako nagtanong diba? Hindi naman ako maguguluat, masasaktan lang. Waah! Ang oa ko!


" Hoy. Tumingin ka naman sakin, wag ka magulat ah" napa-angat ako ng mukha " Oo naman. Sige so ano na? Gusto ko kasi malaman, bestfriend mo naman ako diba?"


" Ganun na nga. Bestfriend , kaya sasabihin ko" nakangiti naman siya sakin nang malapad


Nakatingin lang ako sa kanya at naghintay kung ano man ang sasabihin niya, hindi ako magugulat, hinding hindi. Sana okay lang...


" Crush ko siya noon pa. Kasi ang bait niya, ang cute, matalino. Every boy loves and dreams siguro.." napatango-tango ako at the same time, nasaktan. Ouch lang, sigurado akong hindi ako yan


" Gusto mo malaman sino?" Ayaw ko sana pero lagi nalang ba ako macucurious kung sino? Atleast alam ko kahit nasaktan ako. Kaya tumango ako at napayuko


Pansin ko naman na lumapit siya sa may tenga ko " Wag ka magugulat ah?" Hindi na ako sumagot at naghintay nalang. Sana, sana, hindi ako magugulat


" Ikaw"

" Ano?!"

~End~


A/N: Bitin o panget? Hahahaha. O may bagong oneshot na naman! Salamat sa nagbasa at nagvote! Meron pa akong marami sa check my profile if you want :)

Oneshot: Wag ka magulat ah!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon