Every undead outbreak, regardless of its class, has a beginning . . . Knowing what a zombie is will not help if you are unable to recognize an outbreak before it's too late . . . All it requires is looking for signs that would slip by the untrained mind.
-Max Brooks
FREY
Pila pila kaming lumabas sa aming mga rooms. Sa bawat hakbang ay ramdam ko ang takot at kaba ng mga estudyante. Paulit ulit na nagsasalita ang lalaki sa speakers.
"Students are advised to fall in line and go to the gymnasium. This is an emergency."
Hinanap ko si Laurel at natanaw kong nasa bandang likod ito. Bakas rin sa mukha niya ang takot at kaba. Pumunta ako sa likod upang makasabay siya sa paglalakad.
"Hey, are you okay?" tanong ko.
"Yeah."
"Yung kanina pala sorry. Joke lang yun."
"Okay lang nakabawi naman ako. Haha" tinutukoy nito ang pagkakahuli sa akin ni Ma'am Tolentino kanina.
"Kahit na hindi naman ako nakapagsalita." sabi ko.
"Nahuli ka naman." pang-iinis nito.
Iniba ko ang usapan sa kasalukuyan naming sitwasyon. "What do you think is happening?" tanong ko.
Inilabas ni Laurel ang kanyang phone. "Maybe this."
Iniabot niya sa akin ang cellphone niya at nakita ko ang article na kanyang binabasa kanina.
. . . a new disease has been spreading and appears to be mostly harmless but must be investigated further. The Centers for Disease Control and Prevention and the WHO are now conducting investigation abou the virus that seems to spread quietly. Other countries are also reporting this disease.
"Are you sure?"
"I don't know. Let's wait for the announcements."
Ibinalik ko kay Laurel ang cellphone. Naalala ko ulit ang panaginip ko. Pakiramdam ko hindi lang basta iyon panaginip. It's very real to my senses. The pain, the exhaustion, I can still feel it when I woke up. Is my dream connected to what's happening now?
Inilibot ko ang aking paningin. Lahat ng mga estudyante ay lumalabas at bumababa mula sa kani-kanilang mga building. Sumilip ako sa baba at nakita ko ang ilang mga workers and employees mula sa Darkwater.
Nakababa na kami ng tuluyan sa building at dumiretso sa gym. Inihiwalay ang pila ng juniors at seniors. Nasa bandang unahan kaming mga nasa ilalim ng stem strand. Hinanap ko si Horus upang masiguradong okay siya. Aalis sana ako sa pila nang pigilan ako ng isang lalaki. Tinignan ko ang suot nitong uniporme at nakumpirma kong isang employee ito mula sa Darkwater dahil sa maliit na logong nakaburda sa kanyang uniform.
"Saan ka ba pupunta?" pabulong na tanong ni Laurel.
"Si Horus." sagot ko at patuloy na tumingin-tingin sa pila ng juniors.
Sumulyap sulyap din si Laurel sa pila ng juniors.
"There's Horus." turo ni Laurel sa pila ng mga Grade 9.
Nabawasan ang kaba ko ng makita ko si Horus na nakapila kasama ang mga kaklase niya. I just wanted to make sure that he's okay.
Nabaling ang atensyon ko sa dalawang babae nag uusap sa bandang likod ko.
"Alam mo ba. May kumakalat daw na something na sakit. Pero hindi sinasabi ng Darkwater." sabi ng babaeng medyo maarte sa pagsasalita.
Pati rin si Laurel ay nakinig sa usapan ng dalawang babae.