A/N: Pasensiya na at medyo bangag ako ngayon. Last day na kasi ngayon ng pinakamamahal kong PURE LOVE. Bye, Diane. Bye Dave. Bye Ysabelle. I love you,Jung Il-Woo. Hahaha. (May picture pala niya ako. Topless. Hahaha. Wala lang. Nang-iinggit lang ako. Sana nainggit kayo.)
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
(Cindy's POV)
Nganga lang ako ngayon sa bahay. Hindi pa rin ako makapaniwala sa napag-usapan kanina sa center.
Sabi ni Nolasco (Obsolete na ang karapatan niya na tawagin kong Sir dahil sa mga sinabi niya. Argh.), Next week daw ay mag-uumpisa na yung training para sa competition. Sa January na daw kasi yun. Haller?! August pa lang po ngayon. At ang set up daw, every after class ay maglalaan kami ng 4 oras para sa training. Para tuloy whole day yung klase namin.
Sa totoo lang, di lang naman ako yung may ganito kalalang reaksyon. Narinig ko pa ngang nagmura ng mahina si Dan.(Ano ba yan, medyo na-turn off ako.) Ang alam ko kasi, nagdo-DOTA pa sila ni Jom bago umuwi. Si Jom naman, parang nawiwirduhan pa. Si Kent, ewan. Di ko gets. Parang wala lang. Nag-"Ok" pa nga siya eh. Di ko na napansin yung reaction ni Aries. Di kami close eh. Haha. Joke lang. Mukha naman siyang masaya. Magpapa-party daw siya. Hahaha. Tatay niya si Nolasco eh. (Hahaha. Lagot ako nito kay Aries pag nalaman niyang pinagti-tripan siya ng Inner Self ko. Haha.)
Ang sarap sumigaw. Para siguro i-comfort ako, inner self ko na lang ang sumigaw para sa akin: "HOY NOLASCO! HINDI LANG PO SA MATH UMIIKOT ANG BUHAY KO! PANO NA YUNG ENGLISH NA FAVORITE KO? MALAMANG, ALAS SINGKO NA AKO MAKAKAUWI. ANDAMI KO KAYANG ASSIGNMENTS AT PROJECTS SA IBA PANG SUBJECT. OK LANG NAMAN SA AKIN BASTA IKAW GAGAWA, EH. BAKA AKALA MO, POGI KA?"
Paos na yata si Inner Self. May mga gusto pa kasi akong sabihin kaso nanahimik na siya.
Napansin yata ni Mudrang Ina na baliw-baliwan ako ngayon. "Ganda, anong problema? Parang haggard ka ngayon. Sinong nang-rape sa'yo? Ipapa-salvage natin kay Papa mo."
Haha. (Sabi ko sa inyo, Ganda talaga tawag niya sa akin eh. Hindi niyo kasi ako sineryoso nung sinabi ko yun kanina eh.) Nawala bigla yung badtripness ko. Huling-huli talaga ni Mama yung kiliti ko. Kaya mahal na mahal ko yun eh.
Wala na akong magawa. Kahit medyo tinatamad akong magsalita, kailangan kong magkwento ng buong puso sa kanya. Only child kasi ako. At gusto niya na open yung communication namin lalo na at "nagbibinata" na daw ako. Inii-spoil daw kasi ako dati ni Papa kaya gusto niyang siguraduhin na hindi ako lalaking impakta.
"Just look on the bright side. At least, lalo kang gagaling sa Math. Lalo kang gagaling sa negosyo niyan. Alam mo bang kaya bumabagsak ang isang negosyo, eh dahil bobo sa Math yung may-ari nun?"
Inuuto na ako ng Mama ko. "Eh Ma, pag bumibili ba yung mga customer, sasabihin ba nilang, pabili nga po ng 4x squared times the quantity of x plus y less the absolute value of -10?"
"Anak, alam mo, pampatalino din yang training na yan. Wala ka nang magagawa, nandiyan na yan eh. Saka sabi mo nga, nandun din yung si Dan Karlo babes mo. Samantalahin mo na yung pagkakataon."
'Oo nga no.' Yan ang nanay ko. Ang cool no? Actually, dahil sa pagiging taong bahay ko, hindi naman talaga ako marunong lumandi. Well, siya ang nagturo sa akin non. Hahaha.
"Tapos Ma, yung mga kasama ko, 2 gwapo at 2 cute. Ang astig no?"
"Tama ka diyan, Ganda. Isang malaking biyaya ng Diyos yan. Dapat mong ipagpasalamat yan."
"Kaso Ma, di gwapo yung trainor."
"Yun lang."
(Kent's POV)
Buti na lang pala, hindi pumayag si Ma'am Miranda na mag-back out ako. Hindi na ako mahihirapang maghanap ng mapaglilipasan ng oras. Medyo mapapabayaan ko pansamantala yung camera ko, pero di bale, may weekends pa naman. Ayoko lang maburo dito sa bahay. Makikita ko na naman yung kahalayan ng lalaking yun. Pwe. Buti sana kung maganda rin yung bruhang yun. Walang wala yun sa pwet ng Mama ko. (Sorry Ma, nadamay pa yung nananahimik mong pwet.)
Ang ayoko pa naman sa lahat, eh, yung malalandi. Eh nagkataong nung nagsabog ng kalandian sa Earth, eh, nakadrugs silang dalawa. Kaya gising na gising sila. Hay. Kung wala nga lang si Nanay Precy, baka nagpaampon na ako sa mga barkers sa Cubao. Ayoko na nga silang isipin. They are not even worthy to occupy a part of my mind.
"Kent, Hijo, kumain ka na. Male-late daw ng dating yung Daddy mo."
"Nay naman. Para namang di mo alam na pabor sa akin yun."
Nginitian niya ako. "Batang 'to talaga. Hala, kain na. Masarap ulam natin ngayon. Paborito mo."
Hindi ko nakikita yung sarili ko pero pakiramdam ko, umaliwalas bigla yung mukha ko. "Cordon Bleu?"
Dun na siya natawa. "May iba pa ba?"
Madalas talaga, magmula noong sumalangit si Mama, sa kwarto lang ako kumakain. Pero since lagi nang late umuwi yung Daddy ko(di ko talaga dama) dahil kasama niya yung bruhilda na yon, nasasanay na akong kumain sa dining room kasama si Nanay Precy.
Pagkatapos kong kumain, pumunta ako sa kwarto ko. Kung anu-ano lang pinaggagawa ko. Kanina pa ako pagulong-gulong sa higaan pero di pa rin ako makatulog. Naglaro pa ako ng angry birds. Wala pa rin. Maya maya, nag-ingay yung cellphone ko. May nagtext. Naghalu-halo yung gadgets ko kaya hinanap ko pa. Hayun. Nadaganan nung PSP ko.
Kaasar. Dapat pala, di na ako nag-effort maghanap. Si Antonio Barrera lang pala. Yung tatay kong magaling. Pero na-curious din ako sa sasabihin niya. Binasa ko na din.
'Meet me downstairs. I've got something to say.'
Bababa nalang ako. Baka maghuramentado yung lalaking yun eh. Excited din ako na baka sabihin niyang break na sila ni Bruhilda. Narinig ko kasing nag-away sila kagabi. Hindi naman siguro ganoon kakapal ang mukha niya para pababain lang ako sa isang walang kwentang balita. Pag nangyari talaga yung hula ko, ipapasara ko yung buong subdivision namin. Papakainin ko ang lahat ng dadaan-mula sa mga pulubi hanggang sa presidente ng Pilipinas.
Nasa kalagitnaan na ako ng hagdan nang makita kong hindi siya nag-iisa. What the- andyan si Bruhilda. Alam kong nakita na nila ako, but I still turned my back.
"Kent Jeremiah! Diyan ka lang. Tanggap ko nang binabastos mo ko pero wag mo namang idadamay dito ang Tita Hilda mo."
'Tita Hilda, your face.'
Hindi ako umakyat. Pero di ko rin sila hinarap. Nakatalikod pa rin ako nung nagsalita siya. "We're getting married."
Parang biglang huminto sa pagtibok yung puso ko. Matagal ko na ring naisip na baka nga mangyari iyon pero wala sa hinagap ko na magkakatotoo yun. Hindi ko alam kung bakit pero.. ang sakit. It made breathing harder for me than I ever imagined.
Pero hindi ako pwedeng magpakita ng kahinaan sa kalaban. I needed to fight.
"Do what you want. I don't care."
(Mr. Ramos' POV)
Wala na akong nagawa noong nakita kong bumalik na sa kwarto ang anak ko kundi pagmasdan lang siya. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa anak ko.
It's been 3 years already mula nang mamatay si Sarah. Mula noon, hindi na talaga maganda ang trato sa akin ng anak kong si Kent. Kahit na medyo naging indifferent sa akin sina Gracey at Shawn, hindi naman yun kasing lala ng kay Kent. Pero nung naging kami na ni Hilda 2 years ago, parang lahat sila, ganun na.
Is it wrong to fall in love again?
"Mukhang hindi na nagiging maganda ang epekto ng relasyon natin sa anak mo, Dante. I think it is better if we will just--"
Medyo nairita ako sa sinabi niya. "Gusto mo, maghiwalay na tayo? Fine! It's over.?"
BINABASA MO ANG
I'll Stay in Love
Teen FictionCindy: "Hindi naman interesting ang buhay ko. Bahala kayo kung gusto niyong maki-usyoso. Anyway, gusto kong makilala niyo ako. Para masaya. :))"