Enjoy reading! Thank you. :)—
Working Title: Ex- Girl (Inspired by Ex- Girl by Monsta X)
"Sige, Alis na ako.. Ingat ka!" Kinawayan ako ni Jho kaya kumaway rin ako pabalik. Umalis na siya kaya inayos ko na yung gamit ko. May trabaho pa ako kaya minadali ko ang pagligpit ng gamit ko.
Huminga ako ng malalim at tumayo na. Kahit umupo lang rito sa school ay napagod na ako. Ako na lang ang natitira sa room kaya isinara ko na ang pinto. Ang dami ng school projects na pinapagawa sa amin ngayon kaya hanggang ngayon ay may mga estudyante pa.
Patakbo akong lumabas ng gate. Agad agad akong pumunta sa waiting shed at umupo doon. Habang naghihintay ng jeep ay ipinusod ko ang aking buhok. Ang init na ngayon. Pinunasan ko ang aking pawis sa mukha at ibinalik ito sa aking bulsa.
Tinignan ko ang aking relo at tinignan ang oras, 5:24 pm. Buti na lang, hindi pa ako late. Minsan kasi ay nalelate ako dahil sa dami ng gawain sa school kaya nababawasan ang sweldo ko.
"I'll be there," Damn it. Kilalang kilala ko ang boses na iyon. Wow. It's been a year, huh?
Yumuko ako upang hindi niya ako makita. Ayokong makita siya. Hindi pa ako handa. Ayoko pa.
"Ofcourse, I love you.. Wait me okay?" Napangiti ako ng mapait at napailing. Pinunasan ko ang aking mata na nagbabadya ng luha habang nakayuko pa rin. Dati rati lang ay ako ang sinasabihan niya ng gan'yan.
Wait.. Bakit ba hanggang ngayon ay apektado pa rin ako?
Aaminin ko, Hindi pa nga ako nakakapagmove- on. Kaya siguro ganito na lang ang iniasta ko.
Agad agad akong napaupo ng diretso. "Sure, bye!" Nanatili akong tahimik habang nakatingin sa mga sasakyan na dumadaan. Pahirapan nanaman ang pagsakay ngayon.
Nakita ko sa aking gilid na nakatingin sa akin si... Kiel. Tumingin ako sakan'ya, "Oh, Hello!" Casual na sabi ko. Tama 'yan. Dapat hindi mo ipahalatang apektado ka pa rin. Ngumiti siya at umupo malapit sa tabi ko.
"Hello," Bati niya pabalik. Tumango lang ako at ibinalik na ulit ang tingin sa daan. "So, How are you?" Tanong niya. Kunot noo ko siyang tinignan, Seryoso siya? Wow a.
"I'm fine," Sabi ko at nagkibit balikat. "Ikaw?" Binalingan ko siya at nginitian. Buti na lang hindi ako madaling basahin pag nagsisinungaling ako. "I'm fine, too.. You'll go to work?" Naaalala pa pala niya na nagtatrabaho ako. Tumango lamang ako kaya tumango rin siya. "How's your study?"
"Good," Napatango lang siya.
May humintong jeep kaya tumayo ako. "Alis na ako," Sabi ko at naglakad na papuntang jeep. "Lie!" Sigaw niya. Hindi ko na siya nilingon at umupo na. Tinignan ko siya sa bintana ng jeep, nakatingin siya sa akin. Ano nanaman ba gusto niya?
Inalis ko na ang tingin ko at kumuha ng barya sa aking bag. "Pakiabot po," Pakiusap ko sa aking katabi pero hindi niya kinuha. "Kuya, Pakiabot po.." Sabi ko ulit, in lahad niya ang kanyang kamay kaya ibinigay ko ang barya. "Salamat,"
"Boyfriend mo?" Nagulat ako ng magsalita ang katabi ko kaya tinignan ko siya kaya halos mapasigaw ako ng makita ko si Dwayne. "Nakauwi ka na pala!" Sabi ko sakan'ya, napangiti lamang siya. Ang gwapo talaga ng bestfriend ko. "Kailan ka pa nakauwi?" Tanong ko ulit.
"Kahapon lang, Boyfriend mo ba 'yun?" Napangiwi ako sa sinabi niya. Nakita niya 'yun kaya napatawa siya habang umiiling. "Ex ko," Siya naman ang napangiwi ng marinig niya 'yun. Siya Si Dwayne, Ang kababata ko... Kaibigan ni Papa yung Daddy niya kaya halos araw araw ay nasa bahay siya kaso... Umalis na sila taon bago mawala si Papa, Halos Limang taon na rin nung umalis siya at ngayon, Andito na ulit.