~~~
"SAKIT ng tiyan ko." Sabi ko sa sarili ko. Katatapos lang kasi namin kumain sa Italian Restaurant. Oha? Yaman 'di ba? Pangalawang beses ko ng kumain sa high class restaurant. Una, dahil kay Singkit. Nong time na nadapa ako sa tapat ng Max Bar. Enemies pa kami ni Pula 'non, e. Wala, naalala ko lang.
'Tapos, ngayon, Date naman ang dahilan kung bakit kumain na naman ako sa isang high class restaurant! Sosyal na katulong ano? Haha.
"Matakaw ka kasi."
Napatingin ako kay Pula. Nasa perez park na kami. Dun namin naisipan pumunta nang matapos kaming kumain sa mall kanina.
Nakaupo kami sa wooden bench habang pinapanuod yung ibang bata na naglalaro sa gitna ng magandang park na ito.
"Sus, kaunti nga lang kinain ko, e. Puro desserts na nga lang."
"Ganun na din 'yun."
Tiningnan ko siya ng masama. "Sinabi't ----" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang takpan niya bigla ang bibig ko. Pinanlakihan ko lang siya ng mata.
"Stop talking, now." Tumango na lang ako habang nakatakip ang kamay niya sa bibig ko. Mayamaya, ay inalis na din niya ang kamay niya. Inirapan ko lang siya. "Ibili mo na lang ako ng fish ball 'dun." Kumuha siya ng pera sa wallet niya at iniabot sa akin. "Kung gusto mo, ibili mo na din ang sarili mo."
Tumayo ako at tiningnan siya. "Talaga."
Iniwan ko na siya sa bench at naglakad na ako sa bilihan ng Fishball. Actually, hindi siya sa kariton nakalagay. Sosyal kasi talaga ang park na ito, e. Hahaha!
"Miss, pabili nga po ako. 40 pesos po." Nakangiting sabi ko sa nagtitinda. Iniabot ko sa kanya yung bayad.
"Boyfriend mo yung pogi na 'yun?" Tanong niya sa akin. Tumingin ako sa tinuro niya. Napataas ang kilay ko nang makita ko si Red.
Bumalik ang tingin ko sa tindera. "Bakit mo natanong?"
"Akala ko kasi maid ka lang niya. Hindi ka naman kasi maganda." Sabi niya, sabay irap pa sa akin.
Pektusan ko kaya 'to ng matahimik? I smiled sweetly. "Oh really? Eh ano naman ngayon kung maid ako? Pakialam mo?! Ibalik mo sa akin yung 100! Hindi na ako bibili!" Mukhang natakot naman siya kaya kinuha niya yung 100 bulsa ng apron niya at inabot sa akin. Pahablot kong kinuha yun. Inirapan ko siya at nag-walk out na ako.
Asar na naupo ako sa tabi ni Pula nang makabalik ako sa bench na kinauupuan namin. Malalim ang kunot sa noo ko.
"What's your problem?"
BINABASA MO ANG
His Crazy Hired Maid
RomanceWhat if you fall in love with your monster boss? What would you do? If there are two girls who would do anything just to get him? You're his maid and you're nothing compare to them. Are you going to take the risk?