BAKLA AKO?! (One Shot)

3.4K 77 15
                                    

"Di ko alam kung paano ko sisimulan.

Di ko alam kung saan magsisimula.

Paano nga ba manligaw?

-_-"

Di ko naman kasi alam.

Di ko pa naranasan.

Di ko pa nagawa.

Ee kasi naman hindi ako nanliligaw.. Alam ko lang bukas makalawa kame na nung babae, ganun kadale, di naman sa pagmamayabang.. Marami talagang naghahabol saken. Sa totoo nga niyan ee di pa ako nagkakaroon ng matinong relasyon. Ang pinakamatagal ay 1 month ang pinaka mabilis ay di pa nagtagal ng tatlong araw. Kasi naman di ko alam yang ibig sabihin ng LOVE na yan. Di ko alam ang feeling. Pero meron ako ngayong pinopormahan, sya ang lang kauna-unahan kong niligawan, actually.. di nya alam na nanliligaw ako. Kasi naman hindi ko naman talaga alam kung pano ko sya liligawan. TAE. Lalake ba talaga ako? tsk. Tsaka kase walang epek yung charms ko sa babaeng yon. Sya yung tipo ng babae na pag tinignan mo sa una parang ordinayong babae lang, yung tipong di ka mapapanganga sa kanya. Pero pag nakilala mo na talaga siya dun mo makikita yung kakaibang ganda nya na magpapahulog sayo. Ewan ko ba, pero merong something sa kanya na mahuhulog ka nalang ng hindi mo inaakala. Di ko naman ma-consider na love na tong nararamdaman ko kasi nga di ko alam kung pano masasabi na mahal mo na ang isang tao. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko, Tubol naman oh.

 "Ha? Ano yung sinasabi mo Pare?" Bigla kong binatukan si Renzo.

"Amp! Tae ka. Ang sakit nun ah!!" Bigla nya akong sinuntok sa braso ko.

"Renzo! kanina pa ako nagsasalita dito di ka pala nakikinig"

"Ah eh kase.. Ano ba yun?"

"Tubol naman oh. pumasok na lang tayo"

***

Pagpasok namin sa classroom nakita ko na may nanghaharana sa room. May dalang gitara, rosas at chocolates. Nakita ko yung lalaki na hinaharana si Hannah. Tae, dami namang asungot. Si Hannah. Siya yung babaeng nililigawan ko, na ako lang nakakaalam, na secret, ah ewan. Basta nililigawan ko sya, pero hindi pa niya alam. Ah Basta!

Nagtinginan lahat kay hannah nang sumigaw siya. Kanina pa pala sila nakatingin.

" Bwiset! Di ka ba nakakaintindi?! never kitang magugustuhan! Please lang tigilan mo na ako!"

" Mahal kita Hannah, at kaya kong maghintay hanggang sa magustuhan mo rin ako."

" Please naman maawa ka naman sa sarili mo, kahit sa sarili mo nalang! Please! Uh... ano.. may Boyfriend na ako! Oo, may boyfriend na ako! kaya tigilan mo na ako!"

ha? may boyfriend? kelan pa? bat di ko nabalitaan? Ampupu, Sino yun?!

Nagulat ako ng biglang hinablot ni Hannah ang kamay ko.

" Tara na Babe, samahan mo ko sa labas." 

" huh?"

Ano daw Babe? Binilisan nya ang paghila sakin, na parang walang narinig. Di ko na lang muna sya tinanong baka kasi sakin pa mabuhos yung galit nya ee. Nandito kame ngayon sa likod ng lumang building na hindi ginagamit ng school, delikado na kase para sa mga estudyante. Kanina pa kame paikot ikot lang sa campus. Nagsalita na ako, kanina niya pa ako kinakaladkad eh. 

" Psst... Hannah saan mo ko dadalhin?" 

Bigla siyang natauhan at binitawan ang pagkakahawak sa kamay ko.

" uh, sorry, Gabriel." nakayuko lang siya ng sinabi nya yun.

" ok lang. Malapit na matapos yung breaktime, baka ma-late tayo."

BAKLA AKO?! (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon