Batang Balerina

74 0 2
                                    

May isang ginang na namumuhay kasama ang kanyang anak na babae. Matagal ng namtay ang asawa nito at mag isa niyang binubuhay ang kanyang anak. Mahilig sumayaw ang bata kayat napagdesisyunan ng ina nito na ienroll siya sa isang ballet dance class. Binilhan niya ito ng damit at sapatos ng ballerina at gnun na lamang ang tuwa ng bata kayat pinagbutihan niya ang pagsasayaw..

''Mommy,punta ka sa recital nmn ako ang lead dancer sa group, alam mo ba Mommy na hangang hanga ang mga classmates ko skn kasi ang galing galing ko daw sumayaw.'' pagmamalaki ng bata

''Talaga anak? wow ang galing galing nmn ng anak ko.'' sabay yakap at halik sa pisngi nito sa bata.

Dumating ang araw ng recital at lahat ng kasali sa recital ay ninenerbyos na sumalang. Nagbgay ng encouragemtn speech ang bata sa mga ksama nito at siya ang unang lumabas upang ipakita na walang dpt ikatakot sa pagsasayaw. Naging maganda ang kinalabasan ng recital at nabgyang puri ng mga tao ang bata na siyang ikinatuwa nmn ng kanyang ina. Sa kalagitnaan ng mga palakpak at hiyaw ng mga tao ay biglang nahilo ang bata at bumagsak. Dali daling pinuntahan ng ina nito sa stage ang bata at sabay sugod sa ospital.

''Doc, kamusta ho ang anak ko?'' tanong ng babae

''Im sorry misis may leukemia ang anak mo at nasa 4th stage na ito. Ang tanging magagawa ntn sa ngaun ay ipagdasal ang kanyang kalagayan.'' tugon ng doktor

Parang naguho ang mundo ng babae ng malaman niya ang kondisyon ng anak. Simula noon ay d na niya pinagsayaw ang anak at pinagpahinga nalamang niya ito sa kanyang silid. Unti unti nanghihina ang bata at humantong sa puntong nanghina ito at di na halos magawang makatayo. Isang araw ay sinubukan ng bata na tumayo at sumayaw na agad nmn sinaway ng kanyang ina sa pangambang mabinat ito.

''Mommy gusto kong sumayaw, ayokong makita kang nalulungkot at gusto kong ialay ang huli kong pagsayaw sa iyo Mommy.'' malungkot na tugon ng bata

Natinag ang puso ng babae at naluhang niyakap ng mahigpit ang may sakit na anak. Agad kumuha ng camera ang ina nito at isinuot sa bata ang paborito nitong damit at sapatos ng pang ballerina. 

''Anak sandali lang ha kukunin ko lang ung gamot mo sa baba.'' wika nito sa anak.

Bumaba saglit ang babae upang kunin ang mga gamot ng bata ng marinig nito ang tunog ng paboritong sayawin ng bata at dali daling tumakbo pataas kung saan makikita niya ang anak na sumasayaw. Napakaganda ng kanyang pag sayaw at paikot ikot ito na parang lumilipad sa hangin. Lalo siyang namangha ng ito at nag routine ng paikot ng ubod ng tagal , kayat kinuha niya ang camera sabay kuha sa imahe ng anak habang sumaysaw.

''Wow ang galing ng anak ko,'' tugon nito sa bata

Isang napakabilis na ikot ang ibngay ng anak ng at habang itoy umiikot ay napansin ng ina nito ang pagtirik ng mata ng bata habang itoy umiikot.Agad niyang pinigil ang anak sa pagsayaw at ng itoy lumapit ay bumagsak ito sa kanyang mga kamay na nakabukas at tirik ang mata at nakalawit ang dila. Nangilabot ang babae sa nakita nitong itsura ng anak sabay hagulhol ng iyak ng makita niya itong wala ng buhay.

''Misis, di niyo na sana pinagsayaw ang inyong anak lalo pat may sakit ito.'' tugon ng doktor ng dahil niya ito sa ospital sa pag asang kaya pa itong mabuhay.

Umiiyak na tiningnan ng babae ang kanyang anak at lubos itong nag sisisi dahil sa siya ang may kagagawan bakit ito namatay. Ilang linggo ng lumipas ng mamatay ang kanyang anak ay nagpasya siyang ipadevelop ang negative ng kanyang camera upang makita ang mga huling sandali ng kanyang anak. Nakangiti niyang tiningnan ang unang 2 litrato kung saan itinataas na knyang anak ang mga paa nito, ngunit gnun nalamang ang kanyang kilabot at takot ng makita niya sa litrato kung saan naikot ang anak nito ang isang malakng pulang kamay na nakahawak sa ulo ng bata na siyang nagpapagalaw ng katawan nito.

--- WAKAS ---

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 06, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Batang BalerinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon