narator :
Sa isang napakalayong baryo ay may naninirahang napakagandang babae .
Balingkinitan ang kanyang katawan . mahaba ang kanyang buhok . kasing pula ng rosas ang kanyang mga labi . may di mahulugang karayom na pilikmata . mga matang bughaw na kasing asul ng ulap sa kalangitan . na masayang nag-hahabi ng damit ....
Pekto : oy ano yan ?
narator : intro ng kwento mo .
Pekto : sure ka sakin yan ? double check mo nga .
narator : oo sayo to .
Pekto : hindi sakin yan . tignan mo yung writter kung sino .
narator : ay oo nga . BERTO pala to kala ko PEKTO .
Pekto : Dun ka na nga , nanggugulo ka lang .
Ay sorry guy's may EPAL Kanina .
Mabalik tayo sa kwento .
Noong panahong wala pang pangit ay may mga pangyayaring nagpabago ng lahat .
Sa di kalayuang bayan ng tralala ay may isang pamilya ang naninirahan ng tahimik at mapayapa .
Isa sila sa mga kilalang tao sa buong baryo . Sa tuwing dadaan sila ay pinagtitinginan sila ng mga tao dahil sa mga suot nilang magagarang kasuotan .
Si Brenda ang bunsong anak ng Pamilya "Dapat" (apelyido nila yung "DAPAT") ang pinaka naiiba sa pamilya . Mahilig syang makihalubilo sa mga taong nasa paligid nila . hindi kagaya ng kakambal nyang si Aryana .
Si Aryana ay nakikipag-usap lang sa mga taong ipinapakilala sa kanya ng kanyang ama . Pero isang araw ay nag-bago ang lahat nang makilala nya si Madam Chorva ang taong namamahala sa isang kilalang paaralan .
Ang paaralang ito ay ang Grandford na ngayon ay kilala sa tawag na HARVARD . Si Madam Chorva ang may hawak sa mga mayayamang prinsesa .
Tinuturan nya ito ng tamang asal , pustura at lahat ng bagay na dapat malaman ng tungkol sa karangyaan . Inalok ni Madam si Aryana na pumasok sa Grandford at binigyan din sya ng 50% scholarship .
Ipinagpaalam din nya ito sa mag-asawang Dapat . Pumayag naman ang mag-asawa . Nung gabing yun din ay inihanda ni Aryana ang gamit nya .
Umaga ng linggo ay gumayak si Aryana at bumyahe na sya tungo sa Grandford .
Mahaba ang byahe nya kaya nag-candy crush muna sya habang nasa karuwahe pa . Pero sa kasamaang palad ay naubos ang life nya kaya nag send sya ng request sa mga kaibigan nya .
Pero wala pang naka online dahil maaga pa . Kaya nagFacebook nalang sya at nakita nya iang mga scandal na pinost ng mga kaibigan nya at kilalang page ngayon .
Pero habang pinapanood nya ay nakita sya ni Madam . Buti nalang ay patapos na nung nakita sya . Hindi na nga sya nakapag Comment .
Sinabihan sya ni madam na wag na daw nyang panoodin yun at yung kay Marc Pingris at Kelly Nabong nalang daw ang panoodin nya . Sa kakapanood at pag Facebook nya ay may biglang notification ang lumabas sa tablet nya . "you have full life now on candy crush" . kaya nag laro nalang sya ng candy crush .
Ilang oras ang lumipas ay nakarating na sila sa kanilang patutunguhan . Pero hindi kaagad sya pinababa ng karuwahe .
Kaya naisipan muna nyang mag-soundtrip pinatugtog nya ang magkaibang mundo , buko , trip lang suplado , gayuma , gimme gimme at madami pang iba .
Hindi nya namalayan na tinatawag na sya ni Madam . Ipinakilala sya sa buong Department at itunuro nadin sa kanya ang kanyang kwarto .
Kasama nya sa kwarto si "SNOW WHITE" sinubukan nyang kausapin si Snow White pero hindi nag-sasalita dahil busy si Snow White sa pag-pahid ng pulang "LIPSTICK" na inorder pa nya sa "AVON"