Akin Na Yung Panyo ko! >:( (One Shot)

2.2K 80 27
                                    

"Jirooooo!!!!!! Akin na yang Panyo ko sabi eh!!" sigaw ko kay Jiro >:( Nakakainis na! Kanina pa to! Ayaw ibalik yung panyo ko! 

Tsk! No time for introducing myself! I have to get my handkerchief back! 

Inilapit niya ang pisngi niya pero nakalayo pa rin sakin yung panyo ko. "Kiss muna!" naka ngisi niyang sabi. -_- Yuck!

"Sige! Sayo na yan!" sabi ko sabay talikod. 

Tsk! Hayaan mo na nga! Hindi naman masyadong mahalaga yun eh.

"Oh! Ayan na! Umiyak ka pa!" nakatalikod pa din ako pero naramdaman kong ibinato niya yung panyo ko. 

Humarap ako sa kanya. "Hindi ka ba talaga tinuruan ng nanay mo ng GOOD MANNERS? Eh nung elementary? Hindi ka ba natuto ng tamang Pag-galang sa mga babae!?" sigaw ko.

Ngumisi siya. "Ano namang paki mo? Sa pagkakaalam ko wala kang pakialam kung ano mang gawin ko! Hindi ba? Buhay ko to eh! Gagawin ko ang gusto kong gawin. Tss."  Huh! Aba't ang kapal ng mukha nito ah! 

"Buhay mo!? Bu-hay mo!? Huh! Oo nga naman! Buhay mo yan! Kaya bahala ka kung hindi ka igagalang ng mga nakapaligid sayo! Tama na to! Iyo na yang panyo! Hindi naman mahalaga sa akin yan eh! tsk! Uwi na ko." 

Normal na yan. Away here, away there! Away everywhere! Tss. Lagi na lang niyang kinukuha yung panyo ko. Ewan ko ba dun! Malakas ang topak. 

Iniwan ko na lang siya dun. Bahala siya. Never pa nga siyang nag sorry eh! 

~~*

"Adriana! Nasan na naman ang panyo mong bata ka!?" nanggigil na sabi ni Manang Girly. 

"Kinuha po nung bakulaw kanina eh! -.-" sabi ko... 

"Hay Jusko naman! Napapadalas na yan ah! Bakit ba lagi na lang niyang kinukuha yung panyo mo? Man----?" 

"HEP! 'wag mo nang ituloy manang! Dahil HINDI ang sagot ko. Saka bakit mo naman naisip na nilili-- ehe ehem. Bumara yung Nililigawan sa lalamunan ko eh." sabi ko habang nakahawak sa tapat ng lalamunan ko.

"Ewan ko sayong bata ka! Kung nandito lang talaga ang--" 

"Tsk! Diba manang!? Sabi ko naman sayo! Wala akong mga magulang okay? Tss. Iniwan na nila ako simula bata." mahina ang boses sa huling pangungusap. "K- kaya ibig- sabihin wala silang pakialam sakin! Hayy.." sabi ko at umupo sa sofa.

"Adriana... " 

Niyakap ako ni Manang. 

Simula bata, si Manang Girly na ang nag- alaga sa akin. Siya na ang tinuring kong pamilya. Sila ni Tatay Rey. 

Malaki itong bahay, sabi ni Manang. Bigay daw to ng mga magulang ko sakin. Si manang ang yaya at si Tatay Rey ang driver. Pero hindi sila katulong lang para sakin. Sila nga pamilya ko diba? :)

"Girly!!!! Ay!" sabi ng kapapasok pa lang na si Aling Perla. Napabitaw naman ako sa pagkakayakap kay Manang. "Pasensya na. Eh. May naghahanap kasi sayo, sa inyo." sabi niya. 

"Ha? Eh sino daw?" tanong ni manang.

"Hindi sinabi eh. Basta isang lalaki at isang babae. Mag- asawa yata eh." 

"Sige. Tara na." ngumiti siya. 

Pumunta kami sa gate. Isang babae nga at lalaki, at mukhang mag- asawa nga. 

Tiningnan ko si Manang, bakit parang nagulat siya? Wala namang kagulat- gulat eh. 

Ngumiti yung babae, "Manang.." 

"K-Kristel? Ikaw ba yan?" Hinawakan niya ang mukha nung babae... "Totoo nga! Ikaw nga si Kristel!" sabay yakap ni Manang dun sa sinasabi niyang Kristel. 

Akin Na Yung Panyo ko! >:( (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon