FULL STORY

13 0 0
                                    


We, Filipinos, really differ in every single trait. May masayahin, may matampuhin, may, madaldal, may sweet, may mataray, may malungkutin, may warfreak. But most of all, we differ in our emotions.

Emotions can make a person happy, glad, angry, sad etc. We should have to handle those emotions appropriately.
~~~~~~~~~~~~
Ngayong gabi, maaga akong natulog dahil nga may LICENSURE EXAMINATION bukas. Yes! One step forward Director na ako! Sana maipasa ko yun. Nagdasal ako kanina bago matulog. Alam ko kasi na si God lang ang makakatulong sakin. Anyway, tulog na ako ha? Inaantok na ko ee. Ihahanda ko ang sarili ko para bukas! Good Night.

ZZZZzzzzz...

Ting..

Sa kasarapan ng tulog ko biglang tumunog ang cellphone ko kaya tiningnan ko ito.

1 Message Received

Binuksan ko ito at nakita ko ang..

From: +630907946932*
04/21/16
12:00 am
smile emoticon

Ugh! Bwiset! Kasarapan ng tulog ko tapos iistorbohin ako ng simpleng text na yun? Emoticons lang naman ang laman. Hays. Kauma!

Pinagpatuloy ko nalang ang pagtulog ko.

ZzZzZZZz...

Maya-maya..

Ting!

1 Message Received

Sa pangalawang pagkakataon ay hindi ko na ulit ito tiningnan bagkus ay ipinagpatuloy ko na lang ang pagtulog ko.
Pasensya na kung malakas ang harok ko.

Kinabukasan Tiningnan ko ang laman ng message ..

Nagulat ako!

Bakit ?

From: Babe Ko
04/21/16
1:00 am
Nakakatampo ka Babe! Ni-hindi mo man lang nireplayan yung message ko sayo. BREAK NA TAYO!

Nagulantang ako! Nanlaki ang mata. Luh! Kainis naman. Para yun lang Break na agad kami? Tst. Di kawalan! Huhuhu.

I prepared myself.

Pumunta na sa School para mag-take ng exam.

Mahirap na madali ang Exam.

Yuhuu! Ako yata ang pinakaunang nakatapos.

"Mr. Yohan de Chavez, you are now allowed to go out!", utos ni Sir.

"Thank you Sir!", sagot ko.

Lumabas na ako pero hinihintay ko si Leeshane Min, ang bestfriend ko na Crush ko!

She will be the biggest problem of mine.

After matapos ang exam ni Leeshane ..
"Steb, tara nang umuwi?", pagyayaya ko sa kanya. "Ha? Uwi agad? Gala muna tayo!", sagot nya. "Sa-saan naman?", tanong ko. "Hmm alam ko na! Di ba birthday mo ngayon, Steb?", tanong nya na parang may ideyang naiisip."Ah, oo nga pala 'no? Nakalimutan ko na Birthday ko pala ngayon.", sabay hablot ng kamay ko. "Sa-san mo ba ako dadalhin?", may pagtataka kong tanong.
"Basta! Sumunod ka nalang.", sagot nya.
~~~
"Wow! Steb, nasan tayo?", tanong ko dahil kakaiba ang lugar na ito. "Hays! Di mo ba nagustuhan?", tanong nya. I really appreciated her effort. You know why? Nagprepared pala sya ng surprise para sakin. Dito nya ako dinala sa TAMBAYAN namin. Nagulat ako dahil may handa, pansit, spaghetti, salad, manok, carbonara at may cake pa?

"Di mo ba nagustuhan?", matamlay nyang tanong. "Ha? Ah-eh! SALAMAT Steb!", sabay yakap ko sa kanya ng mahigpit. "Happy Birthday Steb!", tugon nya. "Salamat talaga!! I love you Best.", sagot ko naman.

Isa yon sa pinakamasayang araw sa buhay ko. At isa din sa dahilan kung bakit ako lalong nahuhulog sa kanya.

Mahal ko na si Leeshane.

Mahal ko na ang Bestfriend ko.

Sa tuwing kasama ko sya, parang ayaw ko nang lumayo sa kanya.

Gusto ko sya lang lagi ang nakikita ko.

Nagseselos ako kapag may kasama syang iba!

Naiinis ako kapag may nanliligaw sa kanya.

Palagi ko syang iniisip.

Nagtatampo ako pag di sya nagtetext o tumatawag!

Yung tipong kahit pagod ako, marinig ko lang ang boses nya, gumagaan na ang pakiramdam ko.

Hays! Inlove na talaga ako sa bestfriend ko.

Teka, nasan nga pala ang STEB (BEST) ko?

Ilang araw na kasi syang hindi nagpaparamdam.

Hindi sya Nagtetext.

Gusto ko pa namang ibalita sa kanya na PASADO kami sa Board Exam.

Director na ako at Fashion Designer na siya!

Pumunta ako sa bahay nila upang bisitahin sana sya ngunit...

"Good Morning po! Si Leeshane po nasan?", tanong ko sa nanay nya.

Hindi kumibo ang nanay nito. Ngunit napansin ko na tila may namumuong luha sa gilid ng kanyang mga mata..

"Tita, bakit po?", tanong ko muli ngunit ngayon ay may halo nang pagtataka.

"Hijo, wala na ang anak ko. Wala na si Leeshane!", sabay tulo ng luha nito.

"Ho?", di makapaniwalang tanong ko.

"Hijo, ang anak ko! Sumama na sya sa Daddy nya sa America.", paliwanag ni tita.

Halos gumuho ang mundo ko.

Humagulhol.

Nagtampo.

Nagalit.

Nanghinayang.

"Peo Hijo, may iniwan syang sulat para sayo.", sabi ni tita.

"Talaga po?", tanongko ulit.

Binasa ko ito at ito ang nakalagay;

To: Steb (Yohan de Chavez)

Huy, pasensya ka na ha kung di na ako nakapag paalam sayo in person. Alam ko kasi na hindi mo ako papayahan ee. Sumama ako kay dad dito sa America para sana magpagamot.

Steb may breast camcer ako! At ito nalang ang paraan para gumaling ako.

Sana maintindihan mo.

Pagbalik ko, promise magpapakasal tayo kahit bestfriends pa lang ang status natin ngayon..

MAHAL NA MAHAL KITA!!

From: STEB (Leeshane)

Ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana. Hindi talaga sila para sa isa't-isa.

Leeshane had passed away 1 year later.

At sobrang lungkot ang naranasan ni Yohan.

WAKAS!

I HOPE NA NAGUSTUHAN NIYO UNG KWENTO!

EMOTICONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon