JAMES POV
"Congratulations, husband and wife!" sigaw ng MC sa event, which is ninang ko.
Nag cheers naman kami saka ininom yun. yakap yakap ko ngayon, ang girlfriend ko. Si Ysa.
Nasa venue kami ngayon ng wedding ng ate ko.
"Woah.. akalain mo yun? Nagtagal sila ng 5 damn years na nasa Korea ang ate mo at nandito si Kuya Rommel." komento nya kaya nagnod naman ako.
"Oo nga babe. Kaya hindi ako nag-aalala na umalis ka. Playgirl ang ate ko, pero tignan mo. May ka LDR pero nagtagal sila." sabi ko.
Aalis kasi si Ysa papuntang New York for 2 years. magtatrabaho sya dun pansamantala para sa pinapatayo nyang Resort.
Pinag awayan na namin to, halos maghiwalay na kami. Pero sasayangin ba namin ang 3 years namin? Para don? Hindi.
Dumating ang araw, sa flight ni Ysa. Grabe ang habilin ko sa kanya. Wag syang manlalake, wag syang lalandi, at alagaan ang sarili. Napakalaki ng tiwala ko sa girlfriend ko.
Syempre, hindi mawawala ang iyakan. Pinangako namin na araw araw kami mag sasakype, chat at text.
Tulad ng ate ko, papatunayan namin na hindi hadlang ang distansya sa isang relasyon.
Pagdating nya sa New York, tinawagan nya kaagad ako. Masaya akong nakita syang ligtas sa byahe nya saka hindi ilegal ang recruiter na nakuha nya.
Sa susunod na mga araw, in touch pa din kami. May oras pa nga na nung wala ang amo nya sa binabantayan nyang bata, pinakausap nya sakin ang alaga nya at panay ingles naman ako sa alaga nya.
Monthsary namin, may dala akong bulaklak habang nakikipag skype sa kanya. Halos apat na oras kaming magkausap.
Pinanood ko pa syang matulog via skype.
Inaamin ko, napakahirap. Lalo na minsan, pansin kong pagod na pagod sya. Hindi ko alam kung may lagnat sya o wala, kasi sinasabi nya namang okay sya.
Iba talaga kapag kasama mo sya. Nahahawakan ko sya, saka malalaman kong may sakit sya. Pero ngayon, natatago ng ngiti nya ang nararamdaman nya.
Nag 4th anniversary kami, okay na okay pa din. Kahit busy sya, sinisingit nya ako. Kada uwi nya, lagi nya ako tinetext.
Okay naman pala eh, As long as na may love, patience, at trust.
Pero dumating ang araw, nawalan ako non.
Lagi nalang kasi syang late tumawag. Halos hindi na ako makatulog kakahintay ng tawag nya.
Tinetext nya ako pero puro "Later nalang tayo mag usap," tapos pag later, hindi naman nya ako kinakausap.
Sinasabi nya lagi na pagod sya, na kailangan nya talaga magpahinga.
Pero isang araw, tumawag ako, lalaki ang sumagot.
Sinabi nung lalaki na nasa condo nya si Ysa. Halos masira ang kwarto ko kakasuntok ko non. Puno ng galit ang isip ko.
Tumawag sya kinabukasan at nag explain na pinagluto nya lang ang boss nya.
Iba ang pumapasok sa isip ko non. Buon gabi sya sa condo ng boss nya, tapos nagluluto lang?
Nag away kami non, kasi grabe ang selos ko.. Hindi ko maintindihan ang naramdaman ko.
Sinabi kong umuwi na sya, pero ayaw nyang umuwi kasi sayang ang natitira pang isang taon. sayang ang maiipon nya.
Sinabi kong tutulungan ko sya sa Resort nya, hindi ko sya pabababayaan pero mas lumaki ang away namin non.
Nababakla ako kakaiyak kakaisip sa kanya. Inisip ko na baka busy lang talaga sya at para sa resort yung gagawin nya.
BINABASA MO ANG
Love, Patience and Trust (ONE SHOT)✔
RandomDistance doesnt matters , Love does. Yan ang sabi nila, pero hindi simple ang magkaroon ng ka relasyon, lalo na kung long distance. Yung suyuan, hindi madali. Kapag nag away kayo, hindi mo sya mahahalikan para hindi na sya magtampo. Walang back hug...