POCHI’S POV
Tralalalalalalalalala…
papunta na sa hospital…
Lalalalala…
patapos na ang araw, di ko pa nakikita si Brian… Nasan na kaya yun?
Habang nagbabike ako,
parang…
parang nakita ko si Brian…
CONFIRM! Si Brian nga…!!
Kaya huminto ako…
Pero nagulat ako ng makita kong kasama niya si Ashley…
o_O
magkahawak pa mga kamay nila…
“B-Brian?”
“Pochi? B-Bakit nandito ka?” sabi ni Brian…
Biglang nagsalita si Ashley…
“Babe, may problema?”
… B-Babe??
o.O
Tama ba ang narinig ko?
“Pochi…” sabi niya…
“kayo ba???” aw! Ano yung tanong ko? Bat ganun?
TAE POCHI!
haha.. syempre.. hindi ang isasagot niyan..
“Oo…”
O_________O
aray! Bigla na lang tumulo luha ko…
Ang sakit pala…
“Babe, tara na…” sabi ni Ashley…
Bakit ganon?
Kami eh…
Bakit… Bakit ngayon… may karelasyon syang iba…?
Tapos na pala yung amin??
Bakit hindi manlang niya sinabi?? TT^TT
ANG SAKIT TT^TT
Wala na siya.. nadagit na… NADAGIT NA NG IBA… TT^TT
Pumunta ako sa hospital… wala ako sa wisyo magtrabaho…
KAJA yan Pochi! KAJA mo yan! Hoooo!!?!
“scrub, scrub, scrub,… scr… crub… scr….”
AW! Bat ayaw tumigil??
Tumigil ka naman… luha!! TIGIL!! TT^TT
“May problema?” sabi ni Kuya nang dumating siya…
“ha?? Haha.. wala po… SCRUB… SCRUB…” TAE Pochi haha… ang sarap tumawa!! TT^TT
umupo siya sa harap ko at iniangat ang mukha ko…
“may luha ka oh…”
“tears of joy… tahaha…” TT^TT
“tears of joy saan?”
“kasi nakaperfect ako… tahaha…” TT^TT
“madalas ka namang perfect eh… Pochi, sa akin ka pa ba magsisinungaling? Kuya mo ako di ba?”
Dire-diretso na yung luha ko kahit nakangiti ako…
hindi ko na rin maingiti yung labi ko… unti-unti nang nahikbi…
“KUYA!!!” sabay niyakap ko siya….
Huhuhuhu…TT^TT
MIKKO’S POV
Ano kayang meroon? Ngayon ko lang siya nakitang ganito…
“ANG SAKIT KUYA!! TT^TT”
“Sige iiyak mo lang, ilabas mo lahat”
Humahagulhol siya?
Maya-maya, tinanggal na niya ang pagkakayakap niya sakin…
Pugto ang mata… ngumiti siya…
“tahahaha… sige kuya… magtatrabaho muna ako…”
“hindi…”
“ha??”
“hindi ka magtatrabaho…”
“ha??”
“bingi lang??”
“haha… Kuya talaga… bakit naman?”
“hindi ka ayos kaya iniuutos ko bilang anak ng may-ari ng hospital at bilang kuya mo na hindi ka magtatrabaho ngayon…”
“hindi ayos?? Ayos lang ako… haha…”
“pugto ang mata, umiiyak, naiiyak at iiyak pa… hindi ka ayos… sumunod ka sakin…”
“pero…”
“sumunod ka sakin…”
Hehe… mukhang wala siyang nagawa kundi sundin ako… pumunta kami sa roof top ng hospital…
“bakit tayo nandito?” tanong niya
Hindi ako umimik…
Pumunta siya sa may sulok mula sa rooftop, kita namin ang iba’t-ibang kulay ng ilaw…
problemado nga ‘to kasi kung hindi, sigurado, sisigaw siya ng WOW, ANG GANDA…
tumingin ako sa kanya, pinipilit niyang hindi umiyak..
Lumapit ako…
“sabihin mo nga sa ‘kin, ano bang nangyari?”
Tumungo siya at mahinang nagsalita…
“Wala na kami…TT^TT”
Ah, kaya pala…
“Ang sakit, hindi ko manlang nalaman na wala na pala…”
“Hayaan mo na yun… Kaya nga may salitang move on di ba?”
“pero bakit may salitang heartbreak? Para san yun? Para masaktan tayo? Para saktan ako?”
Hindi ko alam kung anong isasagot ko…
hindi pa kasi ako nakakaranas ng ganun eh…
“bata ka pa naman… malay mo sa pagbitiw mong yun sa kanya, masalo ka ng iba…” yun na lang sinabi ko pampalakas ng loob.
Ngumiti lang siya pero nawala din agad yung ngiti niya.
“Mas mabuti siguro kung magpahinga ka na…”
Inihatid ko siya sa tent niya
“wag mo nang isipan yun ha…”
Ang paalam ko…
Saka ako umalis…
Nakakapanibago…
BINABASA MO ANG
nang dahil sa ballpen
Novela Juvenilkahit ang writer naghahangad din ng happy ending