" Maniwala "

8 0 0
                                    

Nawawala sa ulirat ..

Pinipilit kayanin , para makalaban pa

Naglalakbay mag-isa ..

Kahit kay dilim ng paligid ,

Walang maliwanag na daan

Ngunit

Nananatiling naglalakad ..

Hindi ko alam kung saan paro-roon

Nananatiling mag-isa ,

Kailangan kong lumaban ..

Para sa pagbabago ,

Kalimutan at iwanan ang pagiging talunan sa mundo

Ayoko ng matakot

Gusto kong gumising ng isang

Umagang may hatid ng sigla at galak ..

Alam kong mabuti akong tao

Dahil hindi pa kayo nagbabago ,

Nakita mo ba ? Naramdaman mo ba ?

Na gusto ko lang paniwalaan mo ako ..

Maniwala ka lang ..

Na kaya ko ito .

Ang salamin pwede kang lokohin ,

Naipapakita niya ang labas ngunit hindi ang loob

Maaaring magmuka kang perpekto

Kahit ang totoo pareho lang tayo .

Ngumiti ka .. sabayan mo ako ,

Hindi man ako perpekto ngunit hindi naman ako mangloloko ..

Ayoko ng umiyak ..

Gusto kong gumising na isang araw

Na ang lahat mapayapa

Na kaya ko ng harapin ang problema ..

Alam kong mabuti akong tao ..

Alam kong walang mali dahil ,

Mahal mo parin ako ..

Kaya maniwala ka ..

Paniwalaan mo ako ,

Alam kong kaya natin ito .

" Maniwala "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon