'I wish that I could wake up with amnesia. And forget about these stupid little things.'
AMNESIA. Sana nga ganon kadali 'yon. Yung hihilingin mo na lang na makalimutan ang lahat kasi hindi mo kaya at hindi mo magawa . Yung kusang susuko na lang yung utak mo sa kakaisip sakanya kasi napagod na 'to, nagsawa na kakahiling na sana hindi mo na lang siya nakilala. Sana hindi ko na lang siya nakilala. Mali pala, sana nakilala ko siya sa ibang oras at pagkakataon.
Ang ayawan ang pagmamahal niya ang pinakamasakit sa lahat.
Bakit?
Porket ba pinili ko na ang tama ay ibig sahinin 'non ay hindi ko namararamdam ang sakit?
May nagsabi sakin na pag ginawa ko ang tama, magiging maayos din ang lahat pero bakit hindi ko maramdaman na ayos ako?
Bakit hindi ko pa din mapigilan na hindi masaktan?
Ito ba ang kapalit ng pagpili ko ng tama kaysa makasama siya?
Bakit kasi ang aga naming nakilala ang isat-isa?
Nandito ako, sinasariwa ang bakas ng nakaraan
Na kahit napaglipasan na ng panahon ay sa pakiramdam ko ay parang kahapon lang.
Wala na ba talaga? Bakit kahit pilitin ko, may natitira pa ring pag-asa na pinanghahawakan ko.
Pag-asang di ko maintindihan kung saan ako dadalhin nito.
_____________________
Throwback 5 years ago
"That's all. See you tomorrow. Class dismissed"
"Goodbye Mrs. Chua"
Tugon naming sa Professor namin sa Calculus. Hay sa wakas tapos na din ang lahat ng klase ko. Kanina ko pa gustong umuwi dahil antok antok na talaga ako. Napuyat kase ako kagabi dahil tinapos ko na agad ang project namin sa subject na 'to para maipasa ko na ngayon kahit na medyo ahead of time pa. And YES! Come on! I'm done na! whaha. Wala na akong iisipin pa kaya deserve kong matulog!! Yippee!
"Uy Garcia, may exam bukas diba?" Inaayos ko yung lagayan ng mga plates ko nang may biglang tuwag saking kaklase ko.
"Oo, Finals week na. Hindi mo alam?" Sabi ko sakanya.
"Alam ko. Itatanong ko lang kung ano yung coverage sa calculus. Tutal, paborito ka naman ni mam diba? Baka . . alam mo na . . sinabi niya sayo." Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Ano daw? Ako paborito? At ano yung sinasabi nitong alam ko na?
'Sana kasi sa susunod makikinig ka kay Mam. At bukas na yung Finals, ngayon ka pa lang magrereview?' Gusto ko sana yang sabihin sakanya kaso wag na lang. Baka pagmulan lang ng gulo. Kaya kumuha nalang ako ng isang piraso ng sticky note ko, ididikit ko sa noo nya! Joke.
Inabot ko ito sakanya. "Yan yung sinabi ni mam na coverage."
"Lahat?! From the start?! Ano to Garcia?" Ang kulit ng babaeng to, manghihingi ng coverage tapos nung binigyan patanong tanong. Sulat ko kaya ulit? HAHA. Nahh. Kakapagod kaya.
"Sheena, yan yung tinatanong mong coverage." Page-explain ko sakanya.
"Niloloko mo ba ko?" Nagulat ako dahil parang bigla siyang nagalit. Binigay ko na nga yung gusto niya, kulang pa din? Ano ako pa ngayon nagkulang? Eh Lahat lahat na nga.. From the start na nga! T.T
Huminga akong malalim. "Love is patient." Tahimik kong binulong kahit nakatingin sya sakin ng diretso.
"Sheena, ayan nga yung sinabi ni Mam na Coverage ng Final exam bukas. Sige mauna nako sayo." At nginitian ko sya bago ko inalis ang tingin sa kanya at naglakad na palabas ng room.
BINABASA MO ANG
Right Thing To Do ( One Shot )
RomanceHow are you willing to do the right thing? Are you willing to sacrifice your Faith for someone you love? or Will you stand for you Faith but loose the one you love? Which option are you taking? Is it really an option? Faith or Love?