Chapter Three | This is too Cliché
Jin Revamonte's Point of ViewThe day came to a halt and my feet wanted to walk itself home already. So ayon nga as soon as the bell rang, lahat lahat ng mga estudyante ng college na'to ay dali-daling lumabas ng mga classrooms nila, including me, Jin Revamonte the typical wallflower nobody introvert anti-social bisexual confused gay guy. Nagsilabasan kaming lahat, at ako naman dahil bukas ay Exam na ay madaming karga-kargang mga libro. You know hindi ko pinapabayaan ang studies ko. Pero kahit na hindi ako mag-aaral nape-perfect ko rin naman ang mga exams ko. 'Yan kasi palagi ang ginagawa ko eh, wala akong friends so mga libro nalang ang mga friends ko.
Syempre ang Lola niyo nagkakaundagaga sa pagdadala ng mga libro niya ano, so hindi naman talaga natin maiiwasan na may mahulog na five hundred paged hardbound na Physics na libro. Edi para tayong tanga na agad kukunin na may dala pang mga libro, eto namang mga kaklase ko. Hindi ako nakikita (eh kasi pandak naman ako eh) kaya naman may isa akong kaklase na natapik ako.
Pero ramdam kong pakana naman niya eh. At alam ko ring si Andrea 'yon, kaya ayon nga nahulog lahat ng mga gamit ko. Tinawan naman ako ng gaga.
Nginisian ko naman siya. "Wag kang tumawa girl, mas nakakatawa pa ang mukha mo eh." Ayon nga natameme si gaga sa sinabi ko. Ako naman mahina lang na tumawa. Tumatawa din ang tatlo niyang minions na mukhang mga parrot na walang bulbol.
Naimbyerna ata si Andrea sa sinabi ko kaya naman padabog siyang lumakad paalis ng school. Nakita ko na lamang siya na sumakay sa loob ng school bus.
Buti nga sa kaniya.
Linigpit ko din naman lahat lahat ng mga nagkalat kong mga libro, 'yong iba nakapasok na nga sa loob ng kabilang section. Pero tantiya ko, mga tatlong libro na ang naki-usosyo doon eh. Kaya nang matapos kong iligpit ang mga nahulog sa hallway ay pumasok ako sa loob ng kabilang section para kunin ang tatlong chismosang mga libro ko. Sakto namang isa lang ang tao sa loob kaya naman dali-dali kong kinuha ang mga libro.
Of course because this story is so cliché, a guy came for my help. Tinulungan niya akong kunin ang mga libro ko, he must be the guy inside this classroom. (Eh wala nang tao eh). I smelled him, he smells like those guys who sprays Dove Men plus care yong Invisible Dry. Hahah. (Alam ko noh?)
Tumanga ako only to see the famous, Theo Santos. Known for captivating every girl's panties. Mabait, Matalino, dahil isa siyang consistent Dean's Lister, Gwapo at Mabango. Varsity player din siya ng College namin sa swimming, magaling din siyang magbasketball pero maganda ang pagkakahugis ng katawan niya sapagkat isa nga siyang swimmer eh. (Unli?) Magaling din siyang kumanta at sumayaw, may dance group siyang sinasalihan. Isa din siyang officer ng org namin sa college. He has it all ika nga.
At dahil mabait nga si Theo ay tinulungan niya ako sa pagbubuhat ng mga libro ko habang lumalakad papunta sa labas ng school. I noticed, medyo dumidilim na rin naman. All smile pa talaga si Theo habang binubuhat ang iba kong libro. Ako naman na asyumera talaga eh feeling mahaba ang hair.
"I heard, Damn is.." Pagsisimula ni Theo sa akin. "Is bullying you." he added. I on the other hand, nodded tsaka tumawa ng mahina. Naisip ko lang 'yong kabalastugan ng Damn na yun. He won't really give up. Haha!
"Anong tinatawa mo?" Tanong niya sa akin, naka-abot na kami sa labas ng gate ng school. Kukunin ko na sana ang mga libro ko nang nagmatigas siya. "Jin, tell me."
"Wala naman akong kailangang isabi sa'yo ah?" Sagot ko sa kaniya.
"Jin, ang sakit naman ng sinabi mo. Wala ka bang tiwala sa nobyo mo?" Mahina nitong sinigaw sa akin. Ang sigaw na para bang takot na may makarinig.
Oo, nobyo ko si Theo Santos. Too cliché right? Hindi ko nga alam kung paano kami naging magkasintahan eh, patago nga lang. Pero bago pa man siya sumikat sa school eh, ay naging kami naman talaga ni Theo since high school. It's a long story to tell you.
"Theo, wala lang talaga ako sa mood magkwento eh." Nabigla naman ako ng tinulak-tulak niya ako papunta sa labas, "Ikwento mo." Mukha siyang bata sa ginagawa niya sa akin. "Sa modo o wala mang modo." Dagdag pa niya. He's so persistent.
"Theo diba doon ang way sa boarding house niyo?" Tanong ko sa kaniya habang patuloy lang siya sa pagtutulak sa akin.
"Doon ako ngayon matutulog sa boarding house mo." Sagot naman niya sa akin.
"Eh bakit?" Napakamot ako ng ulo.
"Doon may aircon eh. At saka may exam naman bukas kaya mas mainam na, na kasama ko ang girlfriend ko magstudy. Matuturuan ko pa siya." Theo smirked as soon as he said, matuturuan ko pa siya. Kasi alam kong iba 'tong nasa isip niya.
Kahit na 'di naman nangyayari.
I know ilang taon na kami ni Theo pero hindi pa kami nagkiss o nag-ekek man lang. Oo ako na ang deprived sa relasyon naming dalawa.
"Teka Theo, pagod ako eh. Pwede bang sa susunod nalang?" Tanong ko sa kaniya.
"Jin, naman." Nakahawak ng mahigpit si Theo sa tagiliran ko at nagpout pa ito. Naramdaman kong pinisil-pisil niya ang tagiliran ko. "So, ikwento mo na." Aya niya sa akin. Wanting me to change the subject.
Kaya wala akong nagawa kung hindi ang ikwento sa kaniya ang nangyari kanina lang. Hanggang sa maka-abot na kami sa loob ng apartment na tinutuluyan ko. Pumunta kami sa fourth floor kung saan located ang room ko, of course by means of hagdanan ano.
"I know I can't stop Damn to bully you, but by any means Jin. Please don't ever change schools kapag hindi mo na makaya ang pambubully niya." Sabi nito sa akin, hinawakan niya ako sa ulo at ginulo-gulo ang buhok ko. "I just don't want you to get hurt, but I don't have the right to stop him. You know he owns the school." Tinulak ko naman si Theo ng bahagya para makalayo sa akin.
Yeah, Damn owns the school.
Alam na alam ni Theo kung gaano ako kainis sa clichés. "Theo, kaya ko naman ah. You know I'm used to that." Binigyan ko siya ng isang matipid na ngiti.
"Papasok ka?" Aya ko sa kanya, he gave me a smile.
"No, balik na ako sa school may meeting. You still need to study right?" tanong nito sa akin.
"So, sinamahan mo lang pala ako para maki-chika?" Sabi ko sa kaniya. Well at least hindi siya dito matutulog, makakaginhawa rin naman ako. Pero, deep inside masakit din naman. Mas priority niya yang organisation niya kesa sa akin.
Honestly, ive always been prepared and reserved kay Theo when it comes to intimate things and I actually thought we'll eb doing it tonight.
But as usual, he's busy with his organisation na naman. Hayss.
Well, hindi ko naman talaga masisisi si Theo, ganiyan siya since naging kami eh. Consistent honor student since birth. Pero at least may inspiration na ako sa school, siya na lang. Siya na lang naman, sana hindi naman agawin diba? Going strong naman kami for three years already. So I think loyal parin naman siya. Haysss. Kuntento naman ako sa relasyon namin eh, walang pagaalinlangan sa isa't-isa. Walang kiss o sex man lang. oo it's a boring relationship..
"So, kita na lang tayo bukas sa school? O sunduin nalang kita?" Tanong nito sa akin.
"Depende na sayo." Sagot ko sa kaniya. Tumingin siya sa relo niya, "Gotta go. Bye Jin! Good luck sa exam mo!" He waved goodbye at me then ako naman ngumiti lang sa kaniya.
This is what I really like about our relationship, just typically no sweetness relationship. Of course may care din sa isa't-isa pero ang panget diba ng isang relationship na puro lang kasweetan? Hindi ba nakakaumay? Basta, I'm not that really a fan of cliché stories. Puro na lang 'yan ang mga nababasa ko.
Pero sana naman makahome run siya sa akin.
© 042316
BINABASA MO ANG
DAMN (boyxboy)(bromance)(bxb) (COMPLETED) AVAILABLE ON WEBTOON
Novela JuvenilCOMPLETED Available as Webtoon! Every nerd needs a bully. At para kay Jin Revamonte, si Axel Damn Saval 'yon. . . . . At sa una palang nilang pagkikita, saboy na kaagad ng kape sa mukha. Ano bang problema ni Damn at bakit niya binubully si Jin? Para...