"Hi"
Isang salita at dalwang letra ang nagpabago sa buhay ko. Isa siya sa mga taong nagpakulay sa madilim kong mundo.
"Anong pangalan mo?" Narinig kong tanong niya ng hindi ko lingunin ang direksyon niya. "Ako si Adam, ikaw sino ka?"
"Candy."
"Wow, sweet naman ng name mo."
"Hindi, tinatanong kita kung gusto mo ba ng candy? Ayaw ko kasi."
"Ay," natatawa niyang sabi "Sorry hindi ako mahilig sa sweets eh."
Sabi kasi sakin, ang mga taong hindi gaanong mahilig sa sweets ay ang mas mapagkakatiwalaan mo. Ewan ko lang kung totoo o binibiro lang ako, pero hanggang sa pagtanda ko ay yun ang pinaniwalaan ko.
"Maxx" Naramdaman kong nilingon niya ako nang magsalita ulit ako makalipas ang ilang minuto ng katahimikan.
"Yung red minsan kumakaen ako, kapag nga lang bigay ng pamangkin ko."
Natawa ako sa sinabi niya.
"Hindi, Maxx ang pangalan ko. Maxxine" Naiiling na sabi ko.
"Ay akala ko candy pa din." Nasa tono niya ang nahihiya.
Simula ng araw na yun, naging kaibigan ko siya. Simula din ng araw na yun, tinatawag niya akong maxx candy. Minsan nga, kung ano anong ibang kulay ng maxx candy, depende daw sa kung anong nakikita niya sakin. Ang kulit niya di ba?"Uy maxx na red" Ayan na naman siya.
"Adam tigilan mo nga ako, di ako natutuwa."
"Pero nagbablush ka. Kinilig ka sa sinabi ko ano? Maxx na red." At tumawa siya.
Hindi ko nalang siya pinansin, paano ba naman inaasar ako. Crush niya daw ako. Tss. Imposibleng magkagusto siya sakin. Kahit sabihin ko pang isa't kahalating taon na kaming magkasama. Napakaimposible.
"Uy maxx na red pero nakakulay yellow."
"Isa adam." Inis na sabi ko sa kanya.
"Bakit ba, sinabi ko lang naman yung nararamdaman ko ah. Crush nga kita eh."
"Blah blah blah. Wala akong naririnig." Takip ko sa tenga ko.
"Oy oy. Ano yang ginagawa mo, makinig ka kasi." Natatarantang sabi niya at pilit tinatanggal ang kamay ko na nakatakip sa magkabilang tenga ko.
"Maxxine naman." Tinanggal ko ang kamay ko sa tenga ko at humarap sa direksyon nya.
"Imposible Adam. Napakaimposible." Seryosong sabi ko at umalis na.
Bago ako makalayo, narinig ko pa siyang nagsalita ng "Hindi imposible Maxxine."
Lumipas ang araw, linggo, at buwan. Lagi niya pa ding sinasabi sakin yun. Liligawan niya daw ako, ganto ganyan. Na mas malalim pa daw sa pagkagusto ang nararamdaman niya sakin.
Sa mga salitang binibitawan niya at sa mga effort na ginagawa niya para mapatunayan yun, aaminin ko nahuhulog na din ako sa kanya. Pero kung tutuusin, noon palang, nahulog na ako sa kanya at mas lumagapak lang ako ngayon at umaasa na sana totoo lahat 'to kahit napakaimposible.
"Sabi na tama ang choice natin na manood ng fireworks. Ang ganda parang ikaw maxx candy, may iba't-ibang kulay. Haha. Ayun oh heart shape yung isa." Sabi niya sakin at inakbayan ako."Woooow. Ang taas na maxxine, itsurang hagdan. Ang cute promise."
Napangiti nalang ako habang dinedescribe ni Adam ang nangyayari sa langit. Oo makalipas ulit ang ilang buwang panunuyo niya sakin, kami na.