Chapter Thirty TwoTaehyung
--
Kinabukasan, nakita ko na lang ang sarili ko na nakatingin lang sa bahay nila Aren na nasa harap ko lang. Ewan ko ba kung bakit ko 'yun pinagmamasdan.
Siguro dahil hindi ko makalimutan 'yung nangyari nung isang araw. Isang araw na kaming walang balita kay Aren, hindi ko alam kung nasaan siya napunta simula nung araw na 'yun. Hindi na rin pumasok si tita.
"Ba't 'di ka pa umaalis?" Napalingon ako. Bumungad sa akin si mama na nakatayo sa amba ng pinto.
Hindi na rin katulad noon na lagi akong inaaway ni mama. Simula din ng araw na 'yun naging balisa siya na para bang may nangyaring masama.
"Paalis na po." Sabi ko at nagsimula ng maglakad. Tahimik lang akong sumakay ng jeep na nakaparada hindi kalayuan sa amin, maya-maya pa ay umandar na iyon.
Nang makarating ako sa school. Nakapagtataka na parang pati 'yung mga estudyante ay nakikisabay sa nararamdaman ko ngayon.
Napakatahimik ng school. Parang lahat yata ng tao dito nagkaroon ng problema ngayong araw.
Naglalakad lang ako sa hallway ng masalubong ko si Suga hyung na tahimik din na naglalakad. Wala siyang kasama kaya nilapitan ko na.
"Hyung." Tawag ko sa kanya, tiningnan niya ako tsaka niya ako nginitian. 'Yung tipid lang.
"Ba't an'tahimik ngayon?" Tanong ko habang nililibot ang tingin ko sa kabuuan ng school. Nagkibit balikat siya. "'Yon na nga eh, kinikilabutan na ako sa sobrang tahimik nila. Nakikisabay na lang ako." Aniya.
Tumango na lang ako. "Nasaan sila Jungkook?" Pag iiba ko sa usapin. Nagkibit balikat ulit siya. Siguro hindi pa dumating 'yung mga 'yon.
Tiningnan ko ang oras sa relo ko. Maaga palang pala.
"Saan ka pupunta?" Tanong ko ulit sa kanya. Tinuro niya 'yung cafeteria sa gilid. "Sa cafeteria, kakain ako." Sagot niya. "Samahan na kita." Sabi ko. Tumango na lamang siya at naglakad na kami papunta sa doon.
Nang makapasok kami doon ay ramdam din ang katahimikan doon. Nagkibit balikat na lamang ako, baka nagkataon lang o kaya siguro dahil umaga pa lang. Sigurado akong mamaya-maya kapag dumami na 'yung estudyante dito. Iingay din.
Hindi na ako sumama sa pagbili ni Suga hyung sa pagbili niya ng pagkain niya. Umupo na lamang ako doon sa karaniwang pwesto namin sa cafeteria. Habang hinihintay siya, sinalpak ko na lang sa tenga ko ang earphones ko at nakinig sa music.
Maya-maya pa ay dumating na siya dala-dala ang pagkain niya. Umupo siya sa tapat ko at nagsimula ng kumain.
"May balita ka na ba kay Aren?" Tanong sa akin ni Suga. Bahagyang kumunot ang noo ko ng maalala ko siya. 'Yun na nga eh, wala akong balita sa kanya. Hindi pa kasi sila umuuwi. Sinubukan ko na rin tanungin si mama kasi close sila ni tita.
"Wala." Tipid kong sagot. Nahinto sa pagnguya si Suga tsaka niya ako tinitigan. "Bro, hanggang ngayon ba wala ka pa ring pakialam sa nangyayari kay Aren?" Nagulat ako sa tanong niya kaya sa pangalawang pagkakataon ay napakunot noo ako.
Bago ko pa masagot ang tanong niya ay bigla na lang tumunog ang bell hudyat na time na. "Ano ba 'yan. Napakawrong timing! Kumakain pa ako eh!" Reklamo ni Suga tsaka niya mabilisan na kinain ang pagkain niya.
"Tara na." Tila ba naiinis na sambit niya. Tumayo na kami at naglakad papunta sa classroom. Nang makarating kami doon ay naabutan namin na nandoon na nga sila Jungkook.
Katulad nga ng iniisip ko kanina, biglang umingay. Sabi kasi masyadong maaga lang kanina.
Umupo ako sa tabi ni Jace na tahimik lang na nakikinig ng music sa cellphone niya, hindi ko na lang siya pinansin pa.
Hinintay na lang namin 'yung teacher namin. Maya-maya pa ay dumating na nga siya na parang pinagsakluban ng langit at lupa.
Karaniwan kasi kapag pumapasok siya lagi siyang nakangiti. Kahit minsan, masungit siya marami paring estudyante ang paborito siya. Nilapag niya ang mga gamit niya sa lamesa niya at tinitigan kaming lahat.
Bumuntong hininga siya.
"Class from now on, hindi na papasok si Ms. Aren." Napansin kong tinanggal ni Jace ang isang earpiece sa tenga niya. Mukhang nagulat din siya sa sinabi ni ma'am.
Pero bakit? Bakit hindi na papasok si Aren? May kinalaman ba 'to sa nangyari sa kanya? Sa nangyayari sa kanya?
"Bakit ma'am?" Tanong ni Jungkook na halata na din ang pagtataka.
"Bad news." Malungkot na sambit niya, biglang lumakas ang tibok ng puso ko pagkasambit niya sa dalawang salita na 'yon.
Kinakabahan ako, bakit?
"Ma'am, h-huwag na ho kayong magpaligoy ligoy pa. Ano pong klaseng bad news 'yon?" Nanginginig na tanong ni Jace sa kanya.
'Di ko alam kung anong dapat kong maramdaman habang hinihintay kong sumagot si Ma'am, pakiramdam ko sa bawat segundong pumapatak mas bumibilis ang tibok ng puso ko. Pakiramdam ko ayaw kong marinig ang masamang balita na iyon.
"Two months ago, she was diagnosed with brain tumor, at sa p-pagkakataong ito, malala na ang sakit niya." Pagkatapos niyong sabihin ni Ma'am ay dali-daling napatayo si Jace at dali-daling lumabas ng room.
Habang ako? Hindi ko alam kung anong dapat gawin, dapat maramdaman. Napailing na lang ako. Dalawang buwan ng nakaraan ng makipaghiwalay sa akin si Aren.
Dalawang buwan siyang naglihim. Dalawang buwan siyang nagsinungaling, at putang ina! Dalawang buwan akong hindi nagpakatotoo sa sarili ko.
Napailing na lang ako, hindi ko na namamalayan na tumulo na pala ang luha sa mata ko.
Putang ina.
--
Aren
"Sige na anak, inumin mo na 'tong gamot." Bakas sa boses ni mama ang pagkalungkot habang pinipilit niya akong painumin ng gamot.
"Hindi na ma. Hindi na ako iinom ng gamot." Walang ganang sabi ko, nasapo ni mama ang noo niya.
"Anak naman. Please inumin mo na 'to." Pilit ulit niya. Umiling ako.
Nang sumuko na si mama ay sapo-sapo niya ang noo niya ng umupo siya nag iisang upuan sa private room kung nasaan ako naka-confine ngayon.
Ayoko ng uminom ng gamot, para saan pa? Eh mamamatay din naman ako, pagka sinabing cancer, halos isang porsyento na lang ang possibility na maka-survive ako. Ayoko lang na umasa si mama sa akin na gagaling pa ako.
Gusto kong tanggapin niya kung saan ako babagsak.
"Anak, ikaw na lang ang meron ako. Please inumin mo na 'to. Please lumaban ka naman, kahit para sa akin lang oh?" Mangiyak ngiyak na sabi ni mama habang diretsong nakatingin sa akin. Hindi ko na rin napigilan pang maluha.
Hindi ko na kaya.
"I'm sorㅡ" Natigil ako sa sasabihin ko sana ng biglang bumukas ang pinto at bumungad sa harap namin ni mama ang walang emosyong si Taehyung.
"Bakit hindi mo sinabi?"
--October 19, 2016 || 11:23 AM--
A/n: Suspended yung klase namin haha pero ang lakas ng sikat ng araw sa labas nyahahaha!
YOU ARE READING
★ Finding The Value Of Ex || Taehyung [Bts]
Fanfiction✔ C O M P L E T E D ✔ " Bakit ka ba nakikialam? Ex lang naman kita. " ⇨[Kim Taehyung ×× Park Jiyeon] ⇨Written in Filipino ⇨Highest rank: #126 ⇨Stand alone BTS fanfiction ⇨Date Started: July 9, 2016 ⇨Date Finished: December 17, 2016