Why Did I Even Asked Her That?!
Apple's POV
Ughhh! Ang sakit ng ulo ko. Ano ba nangyari?
Binuksan ko yung mga mata ko. Pero blurry pa rin. Pagkabukas ko, isang napakagandang babae ang aking nakita.
"Ang ganda naman ng anghel na ito" mahinang sabi ko.
Oh My Gosh! Patay na ako?!
"Thank you for your complement and I'm not an angel but I can be the angel of your life" sabi niya at kumindat pa. Nagblush naman ako. "And don't worry, Buhay ka pa." Tumawa naman siya "Kamusta? Okay ka na ba?"
Parang nasa heaven ako dahil puti ang ceiling and walls pero nung tumingin ako sa paligid ko parang nasa isang ospital ako dahil may 3 beds na parang pang ospital nasilip ko sa parang hospital curtain na nagsisilbing takip sa amin.
"Nasa ospital ba ako?" Tanong ko habang dahang dahang umuupo habang minamasahe ko yung sentido ko. Tinulungan naman ako ng magandang babaeng ito.
"Hinde. Nasa Clinic ka. Pasensya ka na hah di ka pa nakapasok ng klase mo kung meron man" sabi niya at umupo sa gilid ko.
"Hinde okay lang. Teka, Anong oras na ba? Ikaw ba yung nakatama saakin?" Tanong ko.
Infairness ang ganda ni ate talaga at ang tankad pa. Dalagang Filipina.
"It's 1pm" sabi niya habang tinitingnan yung watch niya "at hinde. Yung kaibigan ko yung nakatama sayo. Pasensya ka na hah"
Buti wala pa akong klase.
"Ay ganun ba? Asan yung kaibigan mo?" Tanong ko
"Andun sa-"
"Reese" tawag ng isang napakagandang boses na narinig ko.
Tumingin ako sa kanan ko kung saan nanggaling ang boses. Isang Diyosang Reyna na Anghel ang pumasok ng kwarto. Parang nag slow motion ang lahat at biglang bumilis ang tibok ng puso ko, bigla akong kinabahan. Bakit siya andito? Nakatingin lang ako sa mata niya at nakatingin rin siya saakin.
Is it me or she just smirked? Bigla naginit ang mukha ko.
Natatandaan niya kaya ako?
"Oh Babes! Andito ka na pala."
Nagbalik lang ako sa realidad nung nagsalita yung isang magandang babae na katabi ko kanina at hinalikan niya si Eureka sa cheeks then umakbay na nagpakunot ng noo ko at yun tinawag niya kay Eureka.
Sila ba?
Wait. Why do I care?
"Nga pala ano pangalan mo? Kanina pa tayo nagkwe-kwentuhan dito, hindi ko pa alam ang name mo" She slightly chuckled.
Umayos naman ako at ngumiti "I'm Apple Del Rosario. 1st year" sabi ko na nakatingin sa babaeng kasama ko kanina.
"Ahhh. So ate mo pala kami. Kaya pala hindi familiar ang face mo dito sa school. Ako pala si Klaresse Roque but you can call me Ate Reese for short, 4th year ako at 5th year naman si babes." at nakipag kamay saakin.
So mas matanda pa pala sila? Kala ko same age lang kami.
"And this is my love of my life- Aray" tuloy niya pero kinurot siya ni Eureka at parang nagsuusap sila gamit yung mata nila.
Bahala sila.
"Ang cute niyo"I just said and smiled na pilit pero I think hindi naman halata. Pwede bang umalis na ako dito?
Ang sakit sa mata eh. Paano kitang single ka tapos may maglalandain sa harap mo.
BINABASA MO ANG
Now That I've Found You (GirlxGirl) [ON HOLD]
RomanceApple Justine D.R. Krypton ❤️ Eureka Skylar Kaitlyn G. Smith Read the Prolouge ---------------------- This story is a GirlxGirl or Girl to Girl relationship. You have been warned.