Chapter 13

13.4K 225 3
                                    

" Lei, may naghahanap sayo.. " Inayos ko ang kurtina ng glass window bago humarap kay Quiel na kasalukuyang nakaupo sa kama ko. Naupo ako sa tabi niya.

" Fafa Quiel... Ano ba talagang binabalak mo? " Akala ko ay sasagot na siya ngunit ngiting nakakapanindig balahibo lamang ang ibinigay niya sakin. Alam ko ang ganong klaseng ngiti ng pinsan ko... may binabalak siyang masama.

" None of your biz... couz " Kung ayaw mong sabihin. Fine, Ill figure it out myself. Tumayo na siya at tinalikuran ako para maglakad papaalis.

Kahit kelan talaga hindi ko maintindihan kung bakit ayaw niya kay Suzie.. hello? Ang ahas na kaibigan ni Suzie mas gusto niya? Mas gusto ko si Suzie.. Kaya kung ayaw niya.. bakit ba? Edi ako na gagawa ng paraan.. ako ng bahala magpartner sakanila..

Sumunod na rin ako papalabas at nakita ko ang PI na nakatayo sa may pintuan. Agad akong lumapit at iginiya sakanya ang upuan.

" Hindi na ho ako magtatagal sir.. bibigay ko lang ho to " He handed me an envelope, at nagpasalamat nalang ako sakanya bago siya umalis. Binuklat ko ang brown envelope at 10 litrato ang lumabas mula dito. Tinitigan ko isa isa ang mga litrato.. sa bawat kuha ay nandoon rin si Quiel, nagmamanman sa dalawa pang bruha na kaibigan ni Suzie, namely Iya and Janel.. mukhang walang kaalam alam si Quiel na pinamanman ko rin siya sa PI namin ni Suzie..

Alam ko ring pinatanggal niya sa trabaho ang dalawang bruha at ang lahat ng pinupuntahan nitong may hiring ay ang kumpanya niya ang isinusuhestiyon.

Magaling Quiel.. pero, mas magaling ako sayo. Dahil alam ko.. hindi mo man sabihin... you wanted to get back your first love from your ex bestfriend Red. And in order to be successful, you wanted to get rid of them... hanggang sa matira nalang ang first love mo na.. in that case mukhang tinutulungan mo si Suzie.. pero yun pala mahal mo parin si Cassy.. lets find out then, couz..

Nilapag ko na ang mga litrato sa mesa at kasabay nun ang malakas na ihip ng hangin sa bintana. Whatever happens.. I will always be at Suzies' side.

- End of Leis' Pov -

Pagkabangon ni Red ay agad ko siyang nilapitan.. nakahawak siya sa ulo. Mukhang di niya pa ko napapansin..

" You want water? " Bahagya siyang napatalon sa kama pagkarinig sakin. Nanlaki na ang mata niya at nakita kong pula na agad ang buong mukha, nakatapis lang ako at bagong ligo pa. Para magmukhang totoo diba?

" T-totoo yun... yung ano? " Nginisian ko siya at tumango.

" Oo.. I enjoyed everything last night Red.. We made love. " Napatayo na siya at napalayo na sakin. Galit ang rumehistro sakanyang mukha habang tinititigan na ko matapos ang narinig..

" WHAT!? I.. I... DIDNT MEAN IT FU** " Nagpanting ang tenga ko sa narinig galing sakanya. Gag*! Buti at hindi totoong may nangyari na naman satin! Pero di ko pinahalata ang pagkairita sakanya.. nag-inarte ako..

" P-pero Red.. we made love! Kagabi!! Ang saya saya ko dahil.. alam mo yun.. t-tapos n-ngayon? Ano? P-parang pinagsisihan mo ang nangyari..! " Humiga ako sa kama , facing the pillows. Suminghot singhot pa ko para maniwala siya sa drama ko.. at halos matawa nga ako ng maramdaman ko na siyang hinihimas ang ulo ko.

" S-sorry.. nabigla lang ako Zoe.. a-akala ko kasi... panaginip lang, ang lahat.. " Hindi ko siya sinagot at nagtakip ako ng mukha.. para di niya mahalatang di ako umiiyak dahil tatayo ako at pupunta ng banyo. Mas lalo ko lang nilakasan ang pagsinghot..

" Baby.. hey, Im s-sorry " Padabog kong sinara ang pinto ng cr bago pa siya makapasok sa loob. Sinigurado ko itong nakalock ng maayos.. at ng makasiguro ay humarap ako sa salamin, at nagmadaling magbihis na.. pangalawang araw na ngayon remember? 23 days nalang ang natitira para sa mga misyon ko... at mabuti kumagat siya ngayon.

Pagkalabas ko ay agad na bumungad sakin ang nag-aalala niyang mukha. Hinawakan niya ang kamay ko..

" P-panagutan mo ko Red.. mahalaga sakin ang puri ko!! " Nanlaki ang mata niya at biglaang napaatras

" P-pero may asawa ako! S-si Cas- " Tinulak ko siya sa dibdib.

" Pagkatapos ng lahat!? Ano? Ganito na lang hah!? AYAW MO KONG PANAGUTAN?!! "

" H-hindi sa ganun baby! "

" Ano!? PAPANAGUTAN MO KO O ISUSUMBONG KO TO SA ASAWA MO?! " Namula na ang mata niya at napasabunot siya sa sarili.. halos manginig ako sa takot sakanya.. shit lang Suzie! KAYA MO TO... PANAGUTAN MO!

" F*CK! SUMBONG MO! GO AND TELL IT TO MY WIFE!! TIGNAN NATIN KUNG MANINIWALA SIYA SAYO!! " Arrgh! Bwiset.. mas lalo ko pang ginalingan ang pag arte ko.. lumuhod na ako at this time totohanang umiyak na.. Hindi ko siya makita dahil sa nanlalabo na ang paningin ko dahil sa mga luha pero ramdam kong bahagya na naman siyang lumapit sakin..

" S-sorry.. im sorry baby I di- "

" WAG MO KONG MABABY BABY!! PU******** MO!! " Bigla akong nanigas ng maramdaman ang likod niya at biglaan akong niyakap bago bumulong..

" Im sorry Zoe.. babawi ako. Date tayo? I dont want to repeat the same mistakes again.. " Natigil ako sa pag-iyak at nagtataka sa mga sinabi niya.. what does he mean? Ako ba ang pagkakamaling tinutukoy niya? " Im sorry.." Hinalikan niya ang buhok sa gilid ng tenga ko.. at naramdaman ko na naman ang mabilis na pintig ng puso.. napapikit ako. May naaalala na naman ako F*** shit!

Pero agad ko yun iwinaksi sa isipan.. at hinarap na siya.

" Date? Okay.. Lets.. lets enjoy the 25 days affair " Ngumiti ako ng plastik.. tama... nandito ako para maghiganti, hindi para ulitin ang pagkakamali sa buhay ko sa pangalawang beses.

The Ugly Wifes Revenge(Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon