Chapter 16

12.3K 234 1
                                    

Pagkatapos ng araw na yon.. para sakin, mabilis na lumipas ang 22 na araw kasama siya. I didnt know what to do.. after what Ive heared from him. Honestly? Nawalan ako ng gana sa plano ko.. at ngayon eto na nga, natutulog siya sa balikat ko. Nasa flight na kami papabalik sa Pilipinas.

Napabuntong hininga ako, akala ko.. lahat ng tanong ko sa isipan, masasagot na. Pero yun pala, mas nadagdagan pa..

Pagkababa galing flight, ay agad akong tinanong ni Red..

" Uh.. kain muna tayo? " Nagkamot siya ng ulo at marahang ngumiti. Napakunot lang ang noo ko.. I know he just wanted to get the answer where Suzie is..

" Kung ang deal natin sa 25 days affair, ang itatanong mo.. You'll eventually get the answer after 3 days " He tightly clenched his jaw, at napangisi ako.. tama ako. Yun nga ang pakay niya.

Pero bahala siya sa buhay niya na.. tumalikod ako at sumakay ng taxi. Nangutang ako ng load at agad na nagtipa para maitext si bakla.

To: Lei Baks

Home na me.. loadan mo ko. Emc text lang 2, meet din tayo.

Hinilot ko ang noo.. nakakahilo ang byahe ng byahe. Thank God at hindi na kami masyadong pinahirapan ni Mr. Plaude.

Pagkadating sa bar agad na sumalubong sakin ang usok at maiingay na nagbabanggaang taong sumasayaw sa gitna. Binalewala ko ito at umupo na, kasabay nun ang sunod sunod na pagvibrate ng phone ko..

Niloadan na ako ni bakla! Kasunod nito ang text niya.

Lei Baks:

Sang bar?? LANGHIYA KA DALIAN MO SUNOD NA KO!

Magrereply na sana ako ng bigla na tong nagring at si bakla na ang tumatawag.

" Anong peg mo!? Bar agad pagkauwing Pilipinas!!? Ano BH ka nanaman sa punyatero mong boss!!!!? " Napapikit ako sa sunod sunod niyang tanong! Come on! Pasigaw pa ah, ang sakit kaya sa tenga!

" Blackery Bar " At bago pa siya makasagot pinatay ko na ang cellphone.. humarap ako sa bartender.

" Margarita " Tumango lang siya at agad na umalis sa harapan ko. Pagkabalik ay may dala na siyang asin at lemon, kasama nito ang margarita na inorder ko.

" Thanks " Ngumiti ako.

" Hi " Lilingon na sana ako para tignan kung sino iyon, pero nangunot ang noo ko dahil sobrang dilim ng paligid.

" Gaga ako to! Babaita ka napunta ka lang Paris ano san kayo napadpad doon maliban sa motel!? " Nanlaki ang mata ko kay Lei at agad ko siyang hinalikan sa pisngi. Hinigit ko siya paupo sa tabi ko.

" Bakla.. dami kong kwento "

" Aba dapat lang na magkwento ka! Jujumbagin kita jan eh, ano kamusta na kayo? Musta plano mo? " Napatawa ako ng mahina.

" Ayun palpak.. Voice record at picture lang ang nagawa.. " Napayuko ako bigla at buntong hininga.

" Bakit? Sa haba ng panahon niyo sa Paris yun lang..? " Nagtataka niyang tanong sakin. Binudburan ko ng asin ang rim ng wine glass at inimom ang Margarita, ignoring the lemon. Baga

" Nawalan na ko ng gana... but, madami naman akong nakuhang impormasyon kay Red "

" Spill.. mukha ngang madami kang problema babae " Humarap ang kaibigan niya sa bartender at nagpacute to dito bago umorder.

" Hindi si Red ama ng anak ko " Biglang napatingin sakin si Lei.. akala ko ay malalaglag na ang panga niya sa sinabi ko pero tumawa siya at nagtaas ng kilay.

" Edi sino itey? Alam mo naman yung nang- " Walang kabuhay buhay kong sinagot ang tanong niya

" Edi yun pinsan mo "

" WHAT!!? HUTANGINA " Oa na nalaglag ang panga niya sakin at napatayo pa siya with matching hampas.. napatingin ako sa paligid, pero pati ako nalaglagan ng panga ng makitang nasa bar counter rin ang sinasabi kong ama ng anak ko, kasama ang babaeng kinamumuhian ko..

" S-si Quiel at Cassy. M-maupo ka baka mapansin tayo.. " Lumapit siya sa tenga ko at pasigaw na nagtanong.

" San!? " Inginuso ko ang dalawang masaya na nagkaka-usap..

masaya........... does he know that isa rin siyang biktima? a-alam niya kayang siya ang ama ng anak ko? parang nakaramdam ako ng...

Ano to?

Hinihiwa...at pinipiga ang puso... ko. Napapunas ako ng mata dahil ramdam ko na ang nagbabadyang luha.

Love? Or..

Revenge?

Either way... wala na ata akong mapapala... dahil una palang.. alam ko na..

Talo ako ni Cassy.. pagdating sa.. dalawang lalaking pinapangarap ko.

The Ugly Wifes Revenge(Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon