Nixie's Pov
"Ano?! Di ka ba magmamakaawa?! Sumigaw ka! Humingi ka ng tulong! Malay mo may dumating na prince charming para sayo? Hahahahahaha!"
Hinayaan ko lang sila na ibuhos lahat ng pagkain nila sakin. Hindi ako lumalaban, at hindi rin ako umiiyak. Neknek nila.
"Tapos na ba kayo?" Tanong ko sabay tayo. Ang lagkit ko na. Di ko maipaliwanag ang amoy ko dahil sa mga pinaghahagis nila sakin.
"Thank you ha? Gumastos pa talaga kayo para lang may maibuhos sakin. Salamat sa effort." Nakatingin lang ako sa kanila at nagsimula ng maglakad. Pero di pa man ako makakalayo, may humablot na sa buhok ko.
"We're not done yet, bitch!" Atsaka nya ko sinabunutan. Napahiga ako at lumapit naman sakin ang mga kasama nya para sipain ako. Nakaramdam ako ng matinding kirot dahil sa mga takong ng sapatos nila. Napapikit nalang ako at hinayaan silang gawin ang gusto nila. Putangina pag naging maayos na ang lahat, babalikan ko tong mga putanginang to.
Maya-maya ay naramdaman kong tumigil sila sa pananakit sakin. Minulat ko ang aking mga mata at nakakita ng 4 lalaking nakatingin sakin. Walang nakangiti. Lahat sila ay mataman lang akong tinitigan. Ganon rin ang aking ginawa. Ang isa sa kanila ay dirty blonde ang kulay ng buhok.
Ang katabi nya naman ay kulay pink ang buhok. Singkit ang mga mata. Maliit ang ilong at manipis ang labi.
Ang isa naman ay kulay itim ang buhok. Maganda ang kulay asul nitong mga mata at sobrang puti nya. May dugo pa ba to?
At ang pinakahuli, isang maputi at matangkad na lalaki. Kulay brown ang buhok nya.
Nabwisit naman ako sa tingin nila.
"Stop staring at me." Wika ko at dahan-dahang tumayo. Kaya ngayon ay napapalibutan na nila ako.
"Excuse me? Pwedeng umalis kayo sa dadaanan ko, mga adik?"
Biglang sumama ang tingin nila sakin pero di ko yun pinansin. Mukha kaya silang adik sa mga kulay ng buhok nila -_-
"Sino ka para tawagin kaming adik?" Sabi nung pink yung buhok. Umirap lang ako at tinulak sya since sya ang nasa harap ko.
"Ako si Nixie. Oh ayan nagpakilala na ko. Pwede na umalis?" Ako sabay lakad paalis dun. Ang sakit ng katawan ko punyemas!
Habang naglalakad ako, sobrang sama ng tingin nila sakin. Na para bang nakagawa ako ng napakalaking krimen. Pero di ko nalang sila pinatulan.
---
Naglakad lang ako pauwi. Punyetang buhay to. Kainis.
Biglang may nag-vibrate sa bulsa ko.
Gago Calling...
"Oh?" Bungad ko.
/Kumusta na?/
"Pakyu." Walang emosyon kong sagot at papatayin ko na sana ng bigla syang tumawa.
/Chillax, Nix. Konti nalang.. Kaya mo yan./
"Thank fuck. Sa tingin mo pababalikin na ko ni mommy?"
/Narinig ko silang magkausap ni daddy. Malapit na raw. Kailangan na kasi tayong ipakikila bilang bagong gang/
"Tangina buti naman! Kating-kati na kong basagin ang mga mukha nung mga ipis na yun! Bwisit!"
/Hahahaha umayos ka kung gusto mo pang makabalik. Pag nalaman ni tita na may sinaktan ka nanaman, patay ka talaga. Alam mo namang may lahing pinya yun eh. Maraming mata/
"Tss.. Oo na, oo na. Ayokong tumagal pa sa pesteng lugar na yon."
/Oh ano celebrate na ba tayo?/
"Wala akong pera."
/Di ko talaga lubos-maisip na dadating yung panahon na makakapagsabi ka ng wala akong pera. Hahahahaha/
"Shut the fuck up, Leroy! Or I swear I'll bash your face in!"
/Oo na hahahaha. Namimiss ka na nila. 8pm sa bar ni Shane/
Pinatay ko na sya---- I mean binabaan ko na sya at nagpatuloy sa paglalakad. Ng makarating ako sa inuupahan kong kwarto, nagulat ako kasi nasa labas na ang mga gamit ko. Wtf?
"Ano pong nangyari? Nagbayad naman ako ng upa ha? Bakit nakalabas ang mga gamit ko?!"
Tumingin si Ate Pamela sakin at ngumiti ng malungkot. "Darating na bukas ang demolition team. Papatayuan kasi ito ng building."
Tangina! San nanaman ako pupunta nito?! Ang malas pa kasi natanggal ako sa trabaho ko dun sa coffee shop. May sinungitan kasi akong customer.
"Aish! Tangina naman!"
Napaupo nalang ako sa gilid ng kalsada habang nakayuko at nakasandal ang ulo ko sa bag ko. Kinapa ko ang bulsa ko at dinukot ang coin purse ko. 50 pesos.. Ano namang mararating ng 50 pesos ko? Dalawang cornetto?
Gagawa nalang ako ng paraan.