2: What Happened 2 Years Ago..

54 3 1
                                    

Leroy's Pov

"Oy mga gago!"

Nakita naming papalapit si Nixie ng naka-uniform parin. Pano kaya to nakapasok? Nanapak kaya to ng guard?

"Mukha kang basahan, bitch. Tara bihisan kita!" Sigaw ni Shane at hinila na si Nixie.

Naaawa kami sa pinagdadaanan ni Nixie sa school nya. Naaalala ko pa, nandun kami nung araw na pinarusahan sya ng mommy nya.

2 years ago..

"Mrs. Pascual, ang anak nyo pong si Nixie Catherine Pascual ay binugbog ang lahat ng classmates nya. I'ts not normal for a 14 year old girl kaya pinatawag na namin kayo. Marami na syang record dito at ilang beses na syang na-warningan pero di ito nadadala. Kaya wala kaming ibang choice kundi ang patalsikin sya sa school."

"I understand sir. We're very sorry for our daughter's behavior. We'll go now."

Umalis kami sa tapat ng pinto at tumayo ng diretso. Baka mapagalitan kami pag nahuli kaming nakikinig.

Lumabas ang kalmadong mag-ina at sinenyasan kami na sumunod.

Sumakay kami nila Shane, Arthur, Daryl at Nixie sa kotse ni Tita Erin. Huminga sya ng malalim at tumingin kay Nixie.

"Hindi ka na babalik sa bahay."

"What?"

"Pinapalayas kita, Nixie!"

"14 lang ako mommy! How am I supposed to live alone?!"

"Nagawa mo ngang mambugbog ng 40 students, ang mabuhay pa kaya ng mag-isa? Kailangan mong magtrabaho para sa kakainin mo, bibigyan ka namin ng tirahan at babayaran ang unang tatlong buwan mo pero pagkatapos nun, ikaw na ang magbabayad ng upa. At tandaan mo, bawal ka manakit ng kahit sino. Pag sinuway mo yun, mas matatagalan ka pa bago makauwi!"

"Mommy! Seryoso ka ba?! Magsusumbong ako kay daddy!"

"Wala na sya sa Pilipinas. Sa akin ka na ibinilin. Kaya susunod ka sa gusto ko. At kayo.." Lumingon sya sa amin at ngumiti.. "Wag nyong tutulungan tong pasaway na to.. Babantayan ko kayo kaya wag na wag kayong magkakamali. Lalo ka na Leroy.."

"Yes tita.." -Arthur, Shane, Daryl at Ako.

End of Flashback..

Oh diba? Napalayas sya sa edad na katorse. At gaya nga ng inutos ni tita, di namin matulungan si Nixie. Lagot rin kami sa mga parents namin eh.

Nagtataka siguro kayo kung pano napatumba ni Nixie yung mga classmates namin no? Actually, hindi lang sya ang nakipagbugbugan.

Flashback..

"Sa susunod na awayin nyo si Shane, hindi lang sapak ang aabutin nyo!" Galit na sigaw ni Nixie sa mga kaklase namin. Busy ako sa pagsipa sa hayop na lalaking to ng pigilan ako nila Art.

"Tama na Leroy.. Tara na.." -Arthur

"Lagot kayo sa mga parents namin!!" Sigaw ng isa sa kanila. Kinabahan naman kami bukod kay Nixie.

"Hoy mga batang duwag! Tandaan nyo, ako lang ang bumugbog sa inyo ah?! Pag nakarinig ako ng 'Arthur, Leroy o Daryl' mula sa mga bibig nyo, papaduguin ko yan at tatahiin!"

Mukhang natakot naman sila kaya agad silang tumango.

End of Flashback..

Paano kami natutong mambugbog? Ang daddy ni Nix, Daddy ko, Mommy ni Daryl at Daddy ni Arthur ay kasali sa isang gang. Sila ang nagturo sa amin kung pano lumaban. Si Shane naman ang lagi naming pinagtatanggol noon kasi nga masyado syang mabait. Pero ngayon, marunong narin sya lumaban.

Bumalik na sila Shane at napanganga kami nila Daryl at Art ng makita si Nix.

Naka white sleeveless dress sya at hapit na hapit ito sa katawan nya. Makinis parin ang balat nito at maganda ang hugis ng katawan. Nag-apply sya ng light make-up. Ang itim nyang buhok ay may maliliit na curls sa dulo.

"Hot.." Bulong ni Daryl kaya siniko ko agad sya. Halata namang naiinis si Nixsa suot nya. Nakakunot ang noo nito at panay ang pagmumura ng mahina. Natawa naman ako. She looked cute.

"Geh tawa lang Leroy. Babasagin ko tong bote sa ulo mo at ipapanguya ko sayo tong shot glass." Inis nyang sabi sa akin.

Maraming nakatingin sa kanya. Actually halos lahat. Pero di nya yata napapansin yun.

"Namiss ka namin, Nixieeeee!" Pangungulit ni Daryl. Ngumiti naman si Nix sa kanya. "Dont worry.. Makakabalik na ko. Kelan nga ulit tayo ipapakilala sa Arena?"

"Next 6 months.." Sagot ni Art. Napabuntong hininga naman si Nix.

"Medyo matagal pa pala.." Inubos nya ang laman ng shot glass nya at nakipagkulitan sa kanila.

Bigla namang may tumabi sa kanyang lalaki. Gwapo sana sya. Kaso mas gwapo ako.

"Hey hot stuff. What's your name?"

Hindi sya pinansin ni Nix kaya napangisi ako. Binulungan ko sya "Type ka yata oh."

"Oh? Pake ko? Gusto mo sayo nalang?" At inirapan nya nanaman ako. Sungit talaga. Di naman talaga sya ganyan dati. Palabiro pa nga yan. Pero nung napalayas sya, inis na inis sya sa mommy nya.

Mukhang natatawa na rin sila Art.

"Miss I'm talking to you.."

"Pansin ko nga." Tsaka nya tinungga ang hawak na boteng may laman na alak.

"Wala ka bang balak kausapin ako ng maayos?" Naiinis na yung lalaki.

"Wala." Matabang nyang sagot. Natawa naman kami.

"Hoy miss! Di mo ba ko kilala?!" Galit na sigaw ng lalaki.

Nixie's Pov

Inhale. Exhale.

Huminahon ka, Nixie.

Tiningnan ko sya mula ulo hanggang paa "Dapat ba kilala kita?"

"Abat---" Pumagitna samin si Daryl. "Dude, kita mo ng di interesado sayo eh."

Di nya ba yun magets? Tss.

"You'll pay for this, miss."

Puta. Pay for what? Ni wala pa nga akong matuluyan!

"Geh. Utang muna. Tsaka ko na bayaran." Bored na sagot ko. Inis na umalis ang lalaki sa tabi ko. Dapat lang. Punyeta kapagod sya ah.

Hinila ni Shane si Art at Daryl sa dancefloor. Ang wild nila.

Nakakailang bote na ako pero wala parin akong maisip na mahingan ng tulong. Medyo tipsy na ko ng magsalita si Leroy.

"Nixie, I think you should go home. Hatid na kita?"

Gusto kong sumagot ng i'm fucking homeless! kaso baka kaawaan nanaman nila ako. I just shook my head at pumunta sa cr para magpalit ng suot. Binura ko ang make-up ko at tinanggal ang contact lens ko. Isinuot ko na ang makapal kong salamin lumabas na ng cr.

Along the way, may humarang sakin. Ah kilala ko to. Isa sa mga nambubully sakin. Tatandaan ko mga mukha nyong mga peste kayo.

"Anong ginagawa ng loser na kagaya mo sa mamahaling bar na ito?! Bouncers! May pulubing nakapasok!"

Pulubi? Pag ako talaga nakabalik na sa mansion, kawawa kayo sakin.

"Wag ka ng magsayang ng laway. Paalis na rin ako." Dire-diretso akong lumabas at iniwan ang ipis doon.

Pagkalabas na pagkalabas ko ng bar, naramdaman ko na ang tama ng alak. Pagewang-gewang ako ng lakad at di ko alam kung san ako papunta.

Living With The GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon