KABANATA 1

3 0 0
                                    

KABANATA 1

"Ayaw ko papa!" naiiyak na saad ko habang hawak hawak ang kamay nya. Pinagpag nya lang ang kamay ko at saka marahang umiling.

"Para sayo 'to hija,"

"Hindi ko po kayo maintindihan!" At saka ko sya iniwan sa sala. Umakyat ako sa kwarto para kunin ang mga gamit ko. Ayaw ko mang sumunod ay di maaari. Dahil lahat ng pagtanggi ko sa gusto nya may kaukulang parusa.

Nung nakaraang tumanggi ako sa kanya, Pina-ban nya ako sa mga mall, bookstores at pati sa mga coffee shop. Yun lang kasi ang mga lugar na libangan kong puntahan, tapos malalaman kong bawal na ako sa mga lugar na iyon. Kaya sa huli nasunod din sya.

Tapos ngayon ay ganito naman? Hindi ko talaga maintindihan ang gusto ni papa, gusto nya kasi na lumipat ako nang bahay. Okay lang naman na lumipat ako ng bahay ang kaso sa lilipatan ko may makakasama akong lalaki na hindi ko naman kilala. Oo 'ngat kilala sya ni papa, pero paano naman kung masamang tao yun? Paano kung balakan ako nun ng masama? At ang nakakainis pa, ang lalaking ito daw ang masusunod sa bahay na iyon. Mula sa pera hanggang sa pag-aaral ko.

Lalo lang akong napaiyak sa naiisip kong baka talagang ayaw na akong Makita ni papa. Nitong mga nakaraang buwan kasi kung saan saang rest house nya ako pinatitira. Kahit pa sabihing rest house namin yung mas gusto ko pa din dito sa mansion.

Nilingon ko ang mga maleta ko na nakahanda na at parang hinihintay nalang na hilahin sila. Dalawang maleta lang ang mga iyon, sabi kasi ni papa di ko daw kakailanganin ng mga magagarbong damit at mga bagay. Dahil sa pupuntahan ko daw dapat na mamuhay ako ng simple. Mukha pati ata pananamit ko kontrolado din ng lalaking makakasama ko sa bahay.

Tumayo ako sa kama ko at marahang nilibot nang paningin ang kwarto ko. Kung nandito siguro si mama di sya papayag na ganito ang gawin sa akin ni papa. Pinunasan ko ang mga luhang tumakas muli sa akin mata. Bahala na, alam ko namang ginagabayan ako ni mama.

Kinuha ko ang dalawang maleta at saka bumaba na. napatayo si papa ng Makita akong pababa. Dalawang ekspresyon lang ang nakikita ko sa kanya, awa at lungkot. Bakit sya naaawa? Diba ito naman ang gusto nya? Tsaka dapat masaya sya. Dahil sa wakas mukhang tuluyan nya na akong mapaaalis sa mansion.

"Tara na?" marahang tanong nya sa akin. Tumango nalang ako sa kanya bago naunang lumabas ng mansion.

Di naman nagtagal ay lumabas na din sya kasama ni kuya Nano, yung driver nya. Inisakay na nito ang mga maleta ko at saka dumiretso sa driver seat.

Sumakay na din si papa kaya sumakay na din ako. Tahimik lang ang byahe namin. Nakapikit lang ako buong byahe. Iniisip ko kung ano kayang mangyayari sa akin sa lilipatan ko? Ano kayang itsura ng lalaking makakasama ko? Saan ako mag aaral? Napakaraming tanong na gumugulo sa akin ay ni hindi ko man lang masagot ang mga tanong na ito.

Naramdaman ko ang paghinto ng sasakyan pero hindi ako dumilat. Marahang yugyog ang nagpadilat sa akin.

"Nandito na tayo" sabi ni papa pero di naman nya binuksan ang pinto nya. Si Mang Nano naman ay nasa labas na at binababa na ang mga maleta ko. Nilingon ko si papa, bumuntong hininga sya bago nagsalita.

"Wag kang magalit sa akin hija, maiintindihan mo din naman ako balang araw.. sa ngayon sumunod ka nalang muna" sabi nya na maluha luha pa. Napahagulgol ako ayaw kong makitang ganto si papa, kung kanina ayaw ko syang intindihin ngayon parang kahit anong paliwanag nalang nya tatanggapin ko na..

"Papa..." garalgal na tawag ko sa kanya bago sya niyakap ng mahigpit. Umiyak lang ako ng umiyak sa balikat nya habang marahan nyang hinahaplos ang likod ko.

"Dadalawin kita dito ng madalas, tatawag ako sa iyo parati.." sabi nya bago ako hiniwalay sa kanya. Tumango tango lang ako habang pinupunasan ang luha ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 24, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Under his command (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon