>>Duke Vlad<<
Agad ko nang hinila si Blood. Blood na ang tawag ko sa kanya simula ngayon at ako lang ang tatawag sa kanya yan dahil siya ang pinaka-unang tao na nag-alala at nag-alaga sa akin.
Hindi naman talaga masakit ang pagkakabato niya, sadyang maselan lang ang balat ko. Hahahhahaha alagang Belo kasi.
So yun nga, siya ang unang tao na nag-alala sa akin.
Hindi naman talaga namatay ang mga magulang ko dahil sila mismo ang nagtapon sa akin palayo.Sinabi kong patay na sila dahil wala na rin namang point kung babalikan ko pa sila para mag-makaawa na tanggapin ako uli.
Pinatay ko na sila sa buhay ko, at kahit sinong anak ay hindi hihilingan na mawalan ng pamilya.
Ayoko nang maalala ang katiting na tungkol sa kanila ,ang Grave Org. na ang pamilya ko ngayon at hindi na iyon magbabago pa.
Tiningnan ko naman si Blood na nakatitig lang sa bintana ng kotse habang nagmamaneho ako.
* * * * *
Andito na kami sa tapat ng bahay nila at pinagtitinginan na kami dahil sa gwapo ko.
Conceited ba? Tss di naman. Nagsasabi lang ako ng totoo dahil bawal daw ang nagsisinungaling. HHAAHAHAHA
*knock*knock*knock*
"Lolo Chups andito na po ako" - sigaw niya at pumasok sa loob.
"Oh! Raizy andito ka na pala at sino naman iyang kasama mo iha? Nobyo mo ba iyan"
Nobyo? Tss sobrang makaluma naman ng Lolo nito at uso pa ba deep words ngayon.
"A-ano ka ba Lo, Boss ko yan. Pumunta siya rito dahil may sasabihin siya sa inyo" -Blood.
Napansin ko naman na sumenyas siya.
"Ahhh....uhmm..opo may gusto po sana akong sabihin sa inyo"
"Boss ka talaga ng apo kong ito, halata na bata ka pa iho. Baka naman alibi niyo lang iyan para pagtakpan ang kasalanan ng apo ko" -huh? Teka ambilis naman makatunog nito.
( x ___ x )( > __ < ) " Naka hindi ho" -inabot ko naman ang calling card na nasa bulsa ko at ibinigay sa Lolo ni Blood.
"Pero bago po iyon pwede ko muna bang kausapin si Blood, importante lang po" -at tumingin sa kanya na lumabas-ka-muna-look.
"Oh sige iho, dito ka na rin kumain"
"Naku wag na po, pagkatapos ko pong sabihin ang gusto ko ay aalis na rin po ako para asikasuhin ang trabaho ko"
Hinila ko naman si Blood at ewan ko ba dito kung bakit parang tulala.
BINABASA MO ANG
Blood
ActionEverything has it's own end. But what will you do if the unveil truth is in nothing but nowhere. Will you able to find it? Or better stay in what you are right now? _________________________ Si Blood ay isang palaban ngunit minsan ay hyper na lalak...