Ayun po si Tristan oh 😍
Tristan's Pov
Pagpasok namin sa bar, sumalubong agad samin ang amoy ng alak, pabango, usok at kung anu-ano pa. Nagkalat ang mga babaeng halos kulangin sa tela -_- sluts. Akala mo naman bagay sa kanila.
Nang makita nilang kami ang pumasok, tumabi sila at umiwas ng tingin. Dapat lang.
Hinanap namin kung asan si Warren pero may isang babaeng nakakuha ng atensyon ko. At hindi lang yata ako ang napanganga.
"Nakikita nyo ba ang nakikita ko?" Mahinang bulong ni Ivan.
"Kitang-kita ko bro. She's smoking hot.." Sagot naman ni Cliff.
"Back off, dude. Yung nerd nga kanina, tinulak ka lang. Yan pa kaya? Tss.." Panga-asar ni Ivan. Napasimangot naman si Cliff at mukhang na-trauma talaga sya sa nangyari kanina. Unang beses kasing nangyari yun. Isang babae? Hindi kami sinamba at hindi lumuhod sa harapan namin? Kakaiba talaga. Siguro kung ibang babae yun tingnan lang namin nahimatay na.
Humiwalay si Ivan samin. Siguro para puntahan yung babae dun. Kami naman ni Cliff at Blake, hinanap si Warren. Nandon pala sa bar counter. Nalulunod.. Sa alak.
"Hey bro." Bati ko sabay tapik sa balikat nya. Umupo ako sa left side nya at umupo naman si Cliff sa right side nya. Umupo naman sa tabi ko si Blake na mukhang malalim ang iniisip.
At sabay-sabay silang tatlo na bumuntong-hininga.
"Problema nyo?" Tanong ko sa kanila. Si Cliff, siguradong dinadamdam nya parin yung ginawa nung nerd sa kanya kanina.
Si Blake? Ewan. Imposibleng babae ang problema nya. Galit yan sa babae.
Si Warren? Baka tungkol lang yan sa laban. Natalo kaya? Imposible rin.Bumuntong-hininga ulit sila.
"Mga ugok! Sumagot kaya kayo?" Inis ko silang pinagbabatukan bukod kay Warren. Mahal ko pa ang mukha ko -_-
"Tsk. Handa na daw ang pambato ng Flame Dragons. Ay Tamed Dragons na nga pala ang tawag sa kanila ngayon." Mahinang bulong ni Warren.
"Matagal natin tong pinaghandaan. Kaya natin to. Dudurugin natin sila."
Naging interesado sila Cliff at Blake sa usapan kaya sumali na sila.
"Kelan ang laban?" Tanong ni Cliff.
"Medyo malapit na. Hayaan nyo. Sigurado naman akong mahihina sila." Kampanteng sabi ni Warren sabay tungga sa boteng hawak nya.
"Oh bakit mukhang bothered ka?" Si Blake naman ang naki-usisa. Oo nga naman. Kung kampante sya, bat parang kinakabahan sya?
Sasagot na sana sya ng dumating ang lasing at inis na inis na si Ivan. Lukot na lukot ang mukha at parang di matae ang hitsura.
"Uwi na tayo mga tukmol. Katamad dito. Walang maganda. Tss." Nauna na syang naglakad palabas. Mukhang alam ko na kung bakit nagkaganon yun.
Hindi na namin napigilang matawa. Bukod kay Warren na walang kaalam-alam. Halos maluha sa kakatawa si Cliff dahil sa wakas, nakabawi na ito kay Ivan.
"Ang hina nyo sa chicks mga ugok." Pang-iinis ko sa kanila paglabas namin ng bar. Padabog na ibinagsak ni Ivan ang pinto ng kotse nya. Kinatok ko naman ang bintana nya.
Binuksan nya ang bintana at sinagawan ako. "Ano?!"
"Gago! Lasing ka! Bumaba ka nga dyan!"
Wala naman syang nagawa kundi pumunta sa kotse ko. Ako lang kasi ang hindi lasing kaya ako ang driver nila ngayon -_-
"Hoy. Subukan mong ibagsak ang pinto ng kotse ko. Babangasan kita!" Banta ko. Papakasalan ko tong kotse ko pang nasa legal age na sya. Oh bakit? Sinong nagsabing bawal magpakasal sa kotse? Sabihin nyo! Ng mailibing ko na ng buhay!
Sumakay na ako at nagsimulang mag-drive.
"Nasusuka ako." Pupungas-pungas na sabi ni Cliff. Fuck wag sa kotse ko!
"Damn bumaba ka! Wag sa baby ko!" Inis kong bulyaw sa kanya.
Umakto syang nasusuka kaya halos abutin ko sya para masakal. Puta wag syang magkakamali!
"Shit Tristan may babae!"
*screeeeeeeeeeechhh*