CG 11

1.4K 46 3
                                    

SHIELA


" Paulo?! " bulalas ko ulit habang nakatitig sa pamilyar na bulto na nasa harapan ko .. Hindi ko pwedeng makalimutan ang pigura ng taong to ..  Ang lalaking nanloko sa akin .. Ang lalaking sumira ng buhay ko .. Ang lalaking akala ko tutupad ng mga pangarap ko pero isa palang bangungot .. Ang lalaking naging dahilan kung sino ako ngayon .. Isang Playgirl..




Saka isang malakas at matibay na babae  .. Hindi na nagpapaloko sa kahit sinong lalaki .. Hindi na basta basta bumibigay ..




" Anung ginagawa mo dito ? " kunot noong tanong ko ..





" Shiela .." sambit niya sa pangalan ko dahilan para manigas at magtayuan ang mga balahibo ko sa katawan .. Letche! Pangalan ko palang yung tinatawag niya nagkakaganito ako?! I guess after long years without him at my side .. He still have the same effect on me .. Bwisit! Ayaw ko ng maramdaman ang bagay na ito ..




" Bakit ka nandito Paulo? " madiin pero mahinahon kong sambit .. Hinawakan naman niya yung kamay ko ..





" I'm sorry .." anas na sambit niya .. Nakagat ko naman yung labi ko habang nakatingin sa kanya .. Bwisit lang talaga .. Hindi ko mapigilan ang mga luha sa mata ko ..






Dalawang salita .. Dalawang salita na gustong gusto kong marinig mula sa kanya .. Antagal kong hinintay na sabihin niya yung bagay na yun .. Tapos ngayon lang?! Ngayon lang?! PutangIna! Ilang taon ba ang lumipas?! Dalawang taon .. TangIna! Dalawang taon bago ko narinig sa labi niya ang mga salitang iyon ..







Naiyukom ko ang kamay ko saka sinampal siya .. Pigil na pigil ako sa emosyon ko pati sa mga luha sa labi ko ..








" BakIt Paulo?! Bakit dahil ba sawa ka na sa babae mo?! Dahil iniwan ka na din niya?! TangIna Paulo! Dalawang taon! Dalawang taon kong hinintay na lalapit ka sa akin at sasabihin yan pero anu?! Umasa ako sa wala! " hindi ko na napigilan ang mga luha sa mata ko habang pinugpog ng hampas yung dibdib niya ..






" Hinintay kita Paulo! Letche ngayon ka lang nagpakita! Bakit ngayon lang! " bulyaw ko saka tuluyan ng nagbreakdown .. Ramdam na ramdam ko ang panghihina ng tuhod ko dahilan para mapaupo na lang ako sa sahig habang humahagulhol ..







" Shiela I'm sorry .. Patawarin mo ako sa nagawa ko .." sambit niya habang umupo sa harapan ko para pantayan ako .. Nilapitan ko naman siya saka pinagsasampal ..






" Damn you Paulo! " sigaw ko dahil hindi ko akalain na lahat ng ikinikimkim ko noong dalawang taon sa isang iglap lalabas .. Akala ko kapag nakita ko na siya ay makakaya ko .. Pero nagkamali ako .. Hindi pa ako nakakaMove on sa kanya .. Hindi ko pa rin napapakawalan ang feelings ko para sa kanya ..







" Shiela .. Let me explain .." sambit niya .. Napailing na lang ako kasabay ng pagngisi ..






" Dalawang taon na ang nakalipas Paulo! Ngayon ka pa magpapaliwanag!? " bulyaw ko sa kanya saka tinulak siya palayo .. Pilit naman niya akong nilalapitan ..






" Explain me first Shiela .. Please .." anas na sambit nito .. Gumuhit naman ang ngisi sa labi ko ..






" anu bang ipapaliwanag mo Paulo?! Ang pagtataksil mo o yung Hindi pagpapakita sa akin?! "





" Shiela naman .." sambit niya ..  Saka pilit akong hinahawakan sa kamay .. Winawaksi ko naman ito ..




" Anu ?! Wala ka na bang ibang kayang sabihin kundi ang pangalan ko?! " bulyaw ko sa kanya kasabay ng muling pag-agos ng mga luha sa mata ..






COQUETRY GAME  ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon