Alam mo yung feeling na minsan may pakialam sya, sweet rin minsan tapos meron namang ang sungit sungit niya. Ang hirap kapag ganun yung relasyon pero kinakaya mo dahil mahal mo ang taong yun. Ang sarap nyang bugbugin para malaman nyang nandyan ka lang sa tabi niya, para damayan sya. Kakausapin ka lang niya pag bored siya, te-text ka lang niya pag bored siya, anu ka sa kanya? Entertainer para eh entertain sya? Wlanghiya. At dahil mahal mo sya hinding-hindi mo siya iiwan kahit anu mang mangyari kahit na nag aaway kayo araw-araw na ginawa nyo na ring routine. Tanga na kung tanga eh anu ngayon mahal mo naman siya.